SPECIAL CHAPTERS

1.3K 44 9
                                    

--Sacha--

"BABY, are you okay?"
tanong sa kanya ni Tanner.

Matalim siyang tumingin sa asawa. Kaagad naman itong tumiklop, nakita siguro nitong hindi siya natutuwa sa naging transaksyon nito.

"Im not okay! How could you do that? Can't you see its gonna be complicated. Oras na malaman ng Israeli Mafia na nagbenta tayo sa mga Palestine ng mga baril ano sa tingin mo ang mangyayari?"
galit na asik niya kay Tanner.

Sila na ngayon ang pinaka-kilalang Mafia. Siya ang headwoman ng White Fence at si Tanner ang headman ng LA EME. Business as usual ang kalakaran, pero hindi na sila basta-basta nakikipag-negosasyon. Marami nagbago, isa roon ang pagpatay.

No more assassination. Papatay lang kung kinakailangan. Sa madaling sabi, gaganti lang sila oras na kinanti sila.

"I didn't know. Hindi ko alam na Palestine ang ka-transaksyon ko. At saka, sumang-ayon naman si Zeki. Sa katanuyan nga, sa kanya galing ang kalahati ng mga baril."
nakangiwing paliwanag ng asawa niya.

Mariin siyang napapikit. Ngayon pa lang nababahala na siya sa mangyayari.
Kasalukuyang nasa isang matinding gera ang mga Israeli at Palestine. Ayaw na ayaw pa naman niyang madamay sa kahit anong sigalot sa ibang bansa.

"Mommy! Daddy!"

Natigil siya sa pag-iisip at lumingon sa tatlong mga anak na tumatakbo patungo sa kanya.

Napangiti siya at sinalubong ng yakap ang mga ito. Yumakap din ang mga ito kay Tanner.

Kakauwe lang ng mga ito sa school. Nasa grade 3 na ang triplets. Minabuti niyang pag-aralin ang mga ito sa school kesa sa mag home schooling. Gusto niya maging normal ang mga anak niya, gusto niyang maranasan ng mga ito maging ordinaryong mga bata.

Yun nga lang sangkaterbang bodyguards ang nakasunod lagi sa triplets. Ang sasakyan na ginagamit ng mga ito ay bulletproof. Iba na ang nag-iingat, mahirap na.

Kahit na sila ang pinaka-malakas at malaking Mafia ngayon, hindi pa rin mawawala ang mga kalaban.

"Mommy, there's a gun shooting in our school."
sumbong ni Theron.

Nahindik siya sa narinig.

"Is it true?--"
bulalas niya.

Sabay-sabay tumango ang tatlo, sakto naman na pumasok din sa loob ng living room area ang sampung bodyguards ng tatlo. Ang isa sa mga ito ay duguan ang braso.

Nangitngit siya at napatayo.

"Do you know who made it? and the reason behind that?"
madilim ang mukhang tanong niya sa mga bodyguards.

"Yes ma'am. The gun man is half Filipino, half American. He forced entered the school and shot all the children in the vicinity."

"We immediately took the three, and unintentionally hit one of us."

paliwanag ng head bodyguard.

"Did you retaliate?" tanong ni Tanner.

Hangga't maaari, ayaw niyang makialam ang mga bodyguards ng tatlo. Depende na lang kung ang puntirya ay saktan ang mga anak niya, saka lang sila pwedeng gumanti o lumaban.

Umiiling-iling naman ang bodyguards.
Nagsabi ang mga ito na mabilis nitong naialis ang triplets palayo sa school bago pa magdatingan ang mga pulis at nag-handle ng sitwasyon sa gun man.

Isang baliw na lalaki lang ang gun man.
Nagwala ito sa loob ng school dahil namatayan ito ng anak. Nag-amok ito at kinuha ang baril ng security guard ng school at nagsimula nang pagbabarilin ang lahat ng batang makita.

REAL THING [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon