KABANATA 18

657 33 3
                                    

--Sacha--

"I WANT AN ABORTION--"
mariin sabi niya sa nakausap na Obstetrician-gynecologist. Kasalukuyang nasa isang pribadong hospital siya kasama si Fuji Taka.

"S-Sacha, ayoko makialam sa desisyon mo pero sana..pag isipan mo pa itong mabuti."
seryosong saad ni Fuji.

Legal naman ang abortion dito sa America kaya walang masama sa gagawin niya. Hindi niya pinansin ang iba pang sinasabe ni Fuji. Isang daan beses niyang pinag-isipan ito.
Ipapahamak lang niya ang magiging anak niya, wala rin kasiguraduhan na hindi siya mapapatay ng LA EME.

Huminga siya ng malalim. Nag-abot ng papel ang doktor, pinabasa sa kanya ang mga waiver na kailangan niya munang pirmahan bago siya isalang sa abortion procedure.

Habang binabasa niya ang waiver, hindi niya napigilan ang maiyak. Parang tinutusok ng karayom ang puso niya, pakiramdam niya pinipiga ang dibdib niya sa labis na sakit.

Naramdaman niya ang paghaplos ni Fuji sa likod niya.

"--you don't have to do this. You are the strongest woman I've know, don't do this."
panghihimok sa kanya ni Fuji.

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa mata niya. Tiim-bagang na sinalubong niya ng tingin si Fuji.

"No. This is my mistake! I don't want to keep this baby."
desidido niyang sabi sabay pirma sa waiver.

Kita niya ang pagbakas ng lungkot at disappointment sa mukha ni Fuji. Kailangan niyang tibayan ang loob niya, huminga siya ng malalim saka inabot sa isang nurse ang pinirmahang waiver.
Sinabihan pa siya ng nurse na mag-antay dahil marami rin pala naka-line up para sa abortion, tatawagin na lang ang pangalan niya.

Tumango-tango siya sa nurse. Napasulyap naman siya kay Fuji na masama ang mukha nakatunghay sa kanya at tinalikuran siya.

"sa labas lang ako--"
bigkas nito at tuluyan siyang iniwan.
Isang mahabang paghinga ang ginawa niya. Mali siguro para sa iba ang gagawin niya pero wala na siyang maisip na paraan...

Lumipas ang halos isang oras na mahigit na pag-aantay, narinig na niyang tinawag ang pangalan niya. Nanghihina siyang tumayo patungo sa isang operating room kung saan gagawin ang abortion process.

"Kindly take off all of your clothes, and wear this--"
utos ng isang nurse at inabutan siya ng hospital gown.

Kaagad naman niyang sinunod ang sinabe nito.
Ngumiti naman ang OB doctor sa kanya.
Nagsabi pa ito na kailangan siyang turukan muna ng anesthesia. Tumango siya, nabasa naman niya iyon sa waiver.

Nang makapaghubad at isinuot ang hospital gown, kaagad siyang pinahiga sa operating bed. Ipinatong niya ang dalawang paa sa magkabilaang bakal sa dulo ng bed, para siyang nakahiga na nakabukaka. Napalunok siya ng laway. Dumadagundong ang tibok ng puso niya. Malamig naman ngunit pinagpapawisan siya ng malagkit dahil sa kabang nararamdaman niya.

Bakit ganoon? Bakit parang bigla siyang naduwag?

Habang tumatagal lalong lumalakas ang takot niya. Mayamaya pa ay itinaas ng OB ang suot niya.

"First--we have to check the baby through transvaginal ultrasound"
wika ng doctor.

Approximately, seven weeks na ang tiyan niya.
Hinayaan lang niya ang doctor nang may ipinasok ito na malamig na bagay sa loob ng kanyang pagkababae saka sumulyap siya sa isang monitor sa gilid niya. Sumikdo ang puso niya ng makarinig ng tunog.

"--hear that? that's the heartbeat of your baby."

Namasa ang gilid ng mga mata niya pagkarinig sa heartbeat ng kanyang baby. Oh my god--that's my baby.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

--Tanner--

PAGKABABA ng private plane sa Los Angeles, nakatanggap siya ng isang mensahe mula sa isang source niya. Tumigil yata sa pagtibok ang puso niya nang mabasa ang mensahe. Fück!
Kaagad niyang kinuha ang kanyang Suzuki Hayabusa, biglang umakyat sa lalamunan niya ang matinding galit na nararamdaman.

Dahil siya na ngayon ang headman ng LA EME, pinatigil niya ang manhunt para kay Sacha White. Inamin niya rin kay Don Luis na asawa niya si Sacha White bagamat nagulat ito ay hindi niya hinayaan kumontra ito. His words are more powerful now.

Kaya nang makatanggap siya ng annulment papers galing sa abogado ni Sacha, labis siyang nabahala. No! I will not let this happen!

Nagpasya siyang bumalik ng Los Angeles upang kausapin sana si Sacha ngunit mukhang huli na yata siya.
Kasimbilis ng kidlat, pinahaharurot niya ang motor para maabutan si Sacha sa hospital. Hindi siya makakapayag na patayin nito ang anak nila. Shit! Sacha please wait for me, don't fücking do this!

Halos paliparin na niya ang motor dahil sa pagmamadali. Nang makarating sa hospital agad siyang bumaba ng motor at patakbong pumasok sa loob. Palinga-linga siya. Shit! Shit! Where the hell are you, baby?!
Mahigpit siyang napasabunot sa buhok habang lumilingon-lingon sa paligid.
Hanggang sa mapansin niya ang isang matangkad na lalaki...may akay-akay na babae at tila paika-ika ito maglakad. Oh shit! No way!

Tumakbo siya palapit sa mga ito. Hinihingal siyang tumitig kay Sacha, namumutla ito at pugto ang mga mata. Did she really?--do it?

"Stay away from her!--"
mabagsik ang mukhang tumitig sa kanya ang Hencher nito at tinutukan siya ng baril.

Wala siyang oras para intindihin ito, kay Sacha lang siya nakatingin.
"D-Did you really abort our baby?"
nahihirapan usal niya.

Nagdadasal siya sa isip niya na sana hindi nito ginawa. Pero umiwas ng tingin si Sacha sa kanya, kagat-labing tumango ito.
Daig pa niyang sinagasaan ng bulldozer, bagsak ang balikat na napayuko siya. Kuyom ang mga palad dahil sa matinding galit na nararamdaman.

"You're heartless!--its our baby. P-Paano mo nagawa patayin ang baby natin?!"
bulyaw niya kay Sacha.

Nagtatagis ang mga bagang niya. Ngali-ngaling napapailing siya. Paano nagawa ni Sacha ang ganoon bagay? Alam niyang kayang-kaya ni Sacha pumatay ng walang awa subalit hindi siya makapaniwalang kaya nitong pumatay ng sariling dugo't laman nito. Goddamn it! Baby ko rin 'yun!

"--its over now. Wala ka ng dahilan para hindi pirmahan ang annulment papers. Its over!"
malamig na sabi ni Sacha.

Hilam ng luha ang mga mata nito saka pinagpatuloy ang paglalakad, nakaalalay pa rin ang Hencher nito.

Napasuntok na lang siya sa pader sa sobrang lungkot at galit. So, this is really over? Tama naman ito, wala na siyang dahilan pa para ipagpatuloy pa ang pagsasama nila. Wala na ang baby nila. Wala na. Damn! Why its so fücking hurts?!



ฅʕ◍·̀·́◍ʔฅ

REAL THING [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon