KABANATA 25

714 31 5
                                    

--Sacha--

NANG DUMATING si Zeki at Fuji, mabilis siyang nilapitan ng kakambal niya.

"A-Are you okay? the babies?"
Zeki looks so freaking worried, he immediately touched her face.

Tumango-tango naman siya.
"Okay lang ako pati ang triplets, nasa incubator pa sila."
she briefly smiled.

Tila nakahinga naman ng maluwag si Zeki dahil nasa maayos sila. Sakto lang pala ang dating nito, for sure magugulat din ito sa malalaman tungkol sa kanilang mommy.

Kaagad naman nabaling ang atensyon ni Zeki at Fuji nang bumukas ang pinto at nabungaran nila si Tanner.
Nagdilim bigla ang mukha ni Zeki at walang pag-aalinlangang sinugod si Tanner.

"Y-You dumbass!--"
sigaw nito sabay malakas na sinuntok si Tanner.
Napangiwi siya ng paupong natumba ito sapo ang dumudugong labi.
"Wag na wag kang lalapit sa kapatid ko."
madiin sabi ni Zeki habang naduro ang isang daliri nito kay Tanner.

Bakas sa mukha ni Tanner ang pinipigilang galit, matalim itong tumingin kay Zeki.
"Even if you punch me all day, I won't do what you say. You can't stop me. Hinding-hindi ako lalayo kay Sacha at sa mga anak ko!"
Tanner yelled with sharp gaze.

Isang suntok ang pinalipad ni Zeki sa mukha ni Tanner. He fell again but Zeki still didn't contented, Zeki punched him again in a row.
Halos madurog ang puso niya habang nakatingin sa ginagawa ng kapatid niya.

"Z-Zeki stop it!--stop!"
hiyaw niya. Pinilit niyang kumilos para mapigilan ang kapatid dahil mukhang walang balak pigilan ni Fuji si Zeki.
May kung anong kurot sa puso ang nadama niya nang makitang pumutok ang gilid ng mata ni Tanner.

Bahagyang nilingon siya ni Zeki.
"Don't you dare stop me. Hindi niya ikamamatay 'to!"
paangil na singhal sa kanya ni Zeki.

Wala na siyang magagawa pa pag-ganitong galit na galit si Zeki. Kapatid niya ito, normal lang siguro magalit ito kay Tanner dahil sa nangyare sa kanya. Ganoon din naman ang naramdaman niya nang pahirapan ito ni Judas noon. Nagagalit din siya pag sinasaktan ang kakambal niya.

"W-What the hell are you two doing?--stop them!"
boses ni Katalin ang pumainlanlang sa buong silid. Nag-utos ito sa tauhan nito na awatin si Zeki at kunin naman si Tanner para ilayo sa isa.
"Take Tanner away--"
sabi ni Katalin.

Nakamasid lang siya habang inaalalayan ng mga tauhan ni Katalin si Tanner palabas ng silid. Putok ang nguso nito maging ang gilid ng mata ay duguan na rin. Parang gusto niyang tumayo at sumama palabas kay Tanner pero hindi siya makatayo. Argh! Idagdag pa na andito si Zeki, hindi talaga ito papayag na makalapit si Tanner sa kanya.

"And who the hell are you?"
Matalim ang tingin at hinihingal na angil ni Zeki kay Katalin.

Bago nagsalita si Katalin sumenyas muna ito sa iba pang tauhan na umalis. Sumenyas din siya kay Fuji na umalis muna ng silid.
So, this is the moment of truth. Tatlo na lang sila sa loob ng silid. Huminga muna si Katalin bago sinalubong ang tingin ni Zeki.

Gusto niya malaman kung ano ang magiging reaksyon ng kambal niya. Kung siya ang tatanungin, galit siya pero at the same time nauunawaan niya si mommy. I'm mother now, kaya siguro naiintindihan niya. Hindi naman nito kasalanan na magka-amnesia at makalimutan sila.

She chuckled. May pinagmanahan pala si Zeki sa usaping 'amnesia'.

"I'm Katalin Ivanov. Mother of Bratva here in Russia and--I'm also Samantha White."
seryosong saad ni Katalin habang unti-unti namamasa ang gilid ng mata nito.

Nalukot naman ang mukha ni Zeki. Bakas ang pagtataka, sumulyap din ito sa kanya. Bahagya siyang tumango.

"Y-You're sick! Are you kidding me?"
galit na sigaw nito.

Mabagsik ang pinukol na tingin nito kay Katalin. Nagsimula naman magpaliwanag si Katalin mula umpisa hanggang sa kung paano ito napadpad sa Russia at nag iba ng pangalan at katauhan.

Napasabunot sa buhok si Zeki saka malakas na hinampas ang pader sabay binunot ang baril sa likod ng pantalon nito at itinutok kay Katalin.

"Zeki!--"
bulalas niya.

Nagpupuyos sa matinding galit si Zeki habang nakataas pa rin ang hawak na baril.
"I don't care if you are our mother. You're dead. Whoever you are now, keep it that way!--don't interfere with us anymore. I will take home Sacha and my nephews. End of discussion."
madiin at ma-awtoridad na wika ni Zeki saka mabibigat ang hakbang na lumabas ng silid.

Naiwan naman luhaan si Katalin.
Hindi na rin niya napigilan ang maiyak, si Zeki ang mas labis na nasaktan. Si Zeki kasi ang sumalo lahat ng responsibilidad mula nang mamatay ang magulang nila. Si Zeki ang nag alaga sa kanya at sa White Fence.
Marami silang nagawang kasalanan ni Zeki dahil sa pag aakalang pinatay ng LA EME ang magulang nila. Ang hirap lang itama ang lahat. Ang sakit lang umaktong ayos lang ang lahat.

"I-Im really, really sorry sweetheart. I know it will be difficult for you and Zeki to accept me again..But I just want you to know that I love you so much. You and Zeki, I love both of you."
nangangatal na wika nito habang patuloy sa paghikbi.

Itinaas niya ang dalawang braso, nais niyang yakapin ito. Kaagad naman siyang niyakap ni Katalin. Isang mainit na yakap ang lumukob sa kanya, mas lalo siyang naiyak. Nangungulila rin siya sa Ina, gusto niyang maramdaman ang makulong sa bisig nito.

I miss you, mommy. I love you too, mommy.
usal niya sa isip.

Matapos ang ilan minutong yakapan, pinunasan ni Katalin ang basang pisngi niya. Nagsabi ito sa kanya na ihahatid siya at ang triplets pabalik sa Los Angeles. Ang mahalaga rito ay nalaman namin ang katotohanan at hindi nito ipipilit pa ang sarili.

Tumango-tango siya.
"--don't mind Zeki. He just mad but he cried more than me. He's the crybaby."
she bitterly smiled to Katalin.

Kiming ngumiti naman si Katalin.
Muli pa niyang niyakap ito, pakiramdam niya may na unlocked sa buhay niya. She can't explained how happy she was right now.

Nabaling ang atensyon niya sa isang bulto tahimik lang nakatayo sa labas ng pinto. Nakatalikod ito ngunit kaagad din umalis. Alam niyang si Zeki iyon, kilala niya ang kambal niya. Kung nangungulila siya kay mommy mas sobra ang pangungulila nito.
Isang buntong hininga na lang ang ginawa niya saka matamis na ngumiti kay Katalin.

Wala siyang pakialam kung iba na ang katauhan nito. Ang importante alam na nilang buhay at nasa maayos ito kalagayan. Ang kailangan na lang niyang pagtuunan ng pansin ay ang mga  anak niya at si...Tanner.

ɢᴏᴏᴅ-ᴍᴏʀɴɪɴɢ•°♪♪ ლ(◕ᗜ◕ლ)

REAL THING [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon