--Tanner--
NAGING abala na si Sacha sa pagpapa-suso ng kanilang triplets. Salit-salitan ang pagpapa-dede nito, bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang buhat-buhat si Theron.
Kung kanina, nakangiti pa siya ngayon hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa lantaran pamba-balewala ni Sacha sa kanya.
Dapat ako rin e! Dapat siya naman!
Gabi na pero hindi man lang niya masolo si Sacha. Parang bang sinasadya rin ni Sacha na iwasan siya. Damn!
Inis na inis siya, padabog na dumapa siya sa kama, saka tumingin nang matalim sa nakapinid na pinto ng banyo.Napapalatak siya. Ilang na buwan siyang tigang. Sobrang miss na miss na niya si Sacha. Kahit isang beses hindi niya nagawang sumiping sa ibang babae. Mula nang maghiwalay sila, naging tahimik ang sex life niya. Tanging si Sacha lang ang hinahanap-hanap ng katawan niya.
Napatihaya siya at napatitig sa kisame.
Gusto niyang maging maayos silang muli ni Sacha. Nais niyang makasama ito at ang mga anak nila.
Kung kinakailangan bitawan ang LA EME ay gagawin niya. He can't afford to lose her again. Gagawin niya ang lahat para mahalin siyang muli ni Sacha. I love her, Sacha is my life now.Natigil ang pagninilay-nilay niya nang marinig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. The thought of her in a shower nakedly made him curse under his breath. Tila tuksong naglalaro sa isip niya ang hubad na katawan ni Sacha habang nakatapat sa dutsa.
Muli siyang napamura at bumiling ng higa patalikod sa banyo. He groaned silently. Mababaliw na siya dahil sa tinatakbo ng isip niya.
Ilang beses siyang napalunok. Hindi siya santo. Hindi na madadaan 'to sa himas-himas. Lumipas ang ilan minuto mas lalo siyang nadadarang.
"Shit!--"
mahinang mura niya."May...problema ba?"
Napalingon siya kay Sacha, kakalabas lang nito sa banyo. Nakasuot lamang ito ng kulay pink na bathrobe.
Napabangon siya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang katawan.
Lumapit naman si Sacha at sinalat ang leeg niya."May sinat ka. Sumasakit ba mga sugat mo? Wait hihingi ako ng pain reliever--"
Pinutol niya ang anumang sasabihin nito. Walang anu-ano ay sinakop ng labi niya ang labi nito. Ah...It felt really good. Sa pakiwari niya ay gumagaan ang pakiramdam niya tuwing hinahagkan ito. Subalit, napanganga siya ng biglang itulak siya ni Sacha.
"W-Why, baby?"
paanas na sabi niya.Aminado siyang nasaktan siya dahil sa pagtulak nito. Hindi na ba talaga ako mahal ni Sacha? Wala na ba ito feelings sa kanya?
"Hahayaan kitang mag-stay dito. Pero no touched. No kiss and no sex."
madiin sabi nito.Huh? Torture ba 'to?
"But--baby. I miss you. Sige na please, kahit isa lang please?"
pagsusumamo niya.Mas masakit pa ito sa physical torture.
"No. Pag nagpumilit ka. Doon ka guest room."
"Gusto ko katabi ka,"
malungkot na sabi nya."E, di tumabi ka basta no touching, no kissing and no sex. Mag-behave ka."
madiin wika nito.Laglag ang balikat na huminga siya uli at huminga ng malalim. Sinusundan lang niya ng tingin si Sacha habang inaalis nito ang suot na bathrobe. Nalantad ang nighties dress nito na kulay light pink.
Argh! seeing her with that dress making him so hard.
Paano maging santo? Shit!Naglagay si Sacha ng dalawang unan sa pagitan nila.
Ano ba 'to? First night, first sex? Kainis!
Pero nang akmang hihiga na si Sacha, biglang may kumatok sa pinto."Wait--"
malakas na sabi ni Sacha sabay suot uli ng bathrobe.Binuksan ni Sacha ang pinto. Si Fuji Taka.
Pinukol siya ni Fuji ng matalim na tingin. Umingos lang siya saka nagtaas ng middle finger.
Fück you, japanese boy!"We need to talk--privately."
seryosong sabi nito kay Sachi."Hey!--what?"
napabalikwas siya ng bangon.
Anong privately mag uusap ang mga ito? Gago lang?"Matulog ka na. Mag-uusap lang kami."
untag ni Sacha sa kanya at tuluyan nang sumama kay Fuji.Naiwan siyang nagpupuyos ang kalooban. Kaya ba ayaw na nito sa kanya, kaya ba tumatanggi na ito sa halik niya dahil sa kulugong hapon na iyon?! Fück! I should kill that idiot.
Sacha is mine. Sacha is my wife..she will be again.Mabilis niyang sinundan ang dalawa.
Nakita niya pumasok ang mga ito sa library room ng Mansion. Damn it!Huminga siya ng malalim saka mabigat ang mga paa na tinungo na lang ang nursey room. Pinagmasdan niya ang tatlong babies na mahimbing ng natutulog.
Aayusin ko ang lahat sa amin ng Mommy nyo. Magiging one big happy family tayo, pangako.
Naupo siya sa recliner chair sa gilid habang patuloy nakatitig sa triplets. Marahil dahil sa pananakit pa rin ng katawan niya ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈
Pupungas-pungas na nagmulat siya ng mga mata. Nagising siya dahil sa pag-iyak ng tatlo, mabuti na lang at nandoon na ang mga Nanny ng tatlo.
"Good morning, Sir."
bati ng tatlong Nanny.Tumango lamang siya. Inihilamos niya ang kamay sa mukha. Pero agad siyang napatayo nang matauhan. Si Sacha!
Kaagad niyang tinungo ang library, wala ng tao doon. Tinungo rin niya ang silid ni Sacha pero wala rin ito roon. Where the hell is she?
Napansin niyang naglalakad si Rufus patungo sa nursey room. Humarang siya sa harap nito.
"Where is Sacha?"
tanong niya agad."She's with Fuji. They just went somewhere."
maikling tugon nito saka nilagpasan siya."What time did they leave earlier?"
tanong niyang muli.Lumingon naman ito.
"After they talked in the library, they left."
Ngumisi lang ito.For a while he just stood there, unable to say anything. Saan lupalop pupunta ang dalawa? At talagang hindi nagsabi sa kanya? May tinatago ba ang mga ito?
"I'll tell you something--did y'know that Fuji Taka is Sacha's first ever love. They have known each other for a long time. Just saying."
mapang-asar na ngumisi lang si Rufus sabay tinalikuran na siya at dumiretso sa nursey room.Biglang kumulo ang dugo niya. Tila naninikip ang dibdib niya. Naikuyom niya ang mga kamay.
First love ni Sacha ang hinayupak na 'yun?No! He want Sacha back. I want my wife back, come hell or high water!
◥◣‸◢◤
BINABASA MO ANG
REAL THING [Completed]
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Nagkatagpo ngunit hindi nakatadhana? When Sacha meet the handsome doctor Taner Rugger. Suddenly the wind blew for Sacha. Her heartbeat dribbling so fast when everytime he sees Taner. At dahil siya si Sacha White..Sh...