--Tanner--
MATIWASAY na nairaos ni Sacha ang triplets nila. Sa wakas makakahinga na rin siya ng maluwag. Pinagmamasdan niya mula sa glass window ng VIP Nursey room ang tatlong babies niya na nakalagay pa sa incubator. Kailangan muna nilang manatili ng dalawang linggo doon upang masiguro ang kalagayan ng mga ito. He smiled everytime he saw how they slowly move. Excited na akong mahawakan kayong tatlo.
Ilan minuto pa siyang nagtagal doon hanggang sa puntahan na niya si Sacha sa hospital room nito. Nandoon na si Katalin at isang matangkad na lalaki. Ang hula niya ito ang stepbrother ni Sacha.
Sumulyap siya, mahimbing ng natutulog si Sacha. Hinalikan niya agad ito sa labi ng makalapit.
Thank you, baby..for being strong enough..and wonderful mother to our babies..Alam niyang hindi biro ang magbuntis ng triplets at mas lalong hindi biro ang manganak kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya.
Mayamaya pa ay nagpalaam muna sina Katalin upang silipin ang triplets at aalis muna. Tumango na lamang siya. Naisip niyang lumabas muna ng kwarto, para makapag isip-isip.
Napahinto siya ng may makitang isang vendo machine. Nang akmang maghuhulog siya ng coins, nang biglang may tumawag sa pangalan niya."T-Tanner?--"
Dagli siyang napalingon. Si Coffee.
Kung nagulat ito, mas nagulat din siya ng makita ang kaibigan. So, nasa Russia na pala ito.
Masayang niyakap siya ni Coffee."Gosh!--pati Russia ginawa mong Alabang. Im really happy to see you."
masayang-masaya sabi ni Coffee."Im really glad to see you too, Kape. Kamusta ka--si Asukal?anong ginagawa mo rito?"
sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan.Nakangiting iginiya naman siya nito paupo sa isang bakanteng couch.
"We're good. Si Sugar andoon sa daddy niya. Dito na kami nakatira sa Russia, actually its a long story."
Coffee giggled and sweetly smiled.So, Noriko Miranda is alive. Ang buong akala niya nasa turkey si Coffee at Sugar pero mukhang nagtatago ang isang hencher ni Sacha. Huminga siya ng malalim. Wala ng saysay ang pagtatago nito, ngayong siya na ang may hawak ng LA EME.
Inabot niya ang isang kamay ni Coffee, gusto niyang ipaalam dito ang tungkol sa LA EME ngunit hindi pa man siya nakakapagsalita nang may matigas na kamao ang dumapo sa mukha niya."Dy!--" sigaw ni Coffee.
Natumba siya sa malamig na tiles pero hindi siya hinayaan ni Noriko na makabawi man lang dahil isa pang suntok ang pinakawalan nito sa mukha niya. Fück!
"At last--nakasuntok din ako sa'yo! Don't you ever touch my wife! moron!"
nanggagalaiting bulyaw ni Noriko sa kanya.Dama niya ang pagmanhid ng panga niya. Dumudugo rin ang ilong niya.
"Stop--daddy! Stop it!--"
pigil ni Coffee kay Noriko ng akma susugurin na naman siya. Niyakap ito ni Coffee sa beywang.
"Im sorry, Tanner--"
malungkot na sambit nito.Kaagad naman siyang tumayo at tumango.
"Wala akong panahon makipag-basag ulo sa'yo. Sacha needs me, I have to go--its nice to see you again, Kape."
inis na sabi niya saka lumingon kay Coffee bago tinalikuran ang dalawa.Pero di pa siya nakakalayo ng humarang si Noriko sa dinadaan niya.
Matalim na tinignan niya ito."W-Where is she? Sacha?"
kunot noong tanong nito.Huminga siya ng malalim.
"Nanganak na siya. Room 606."
maikli at walang ganang tugon niya saka nilagpasan ito.
Nababanas siya sa lalaking iyon, kaugali nito ang isa pang hencher ni Sacha na singkit ang mata. Fück them!Nang makarating sa room ni Sacha, napasukan niya itong nakasimangot tila naiiyak. Mabilis na nilapitan niya ito.
"W-What happened?--"
labis siyang nag-aalala para sa kalagayan nito."Yung sugat ko masakit!--di ako makagalaw." iritableng sabi ni Sacha.
He sighed.
"Its normal, baby. May gamot naman para diyan..just don't move okay?--ako na bahala mag-asikaso sayo."
kalmadong turan niya.Naninibago marahil ito dahil iba ang normal delivery sa cesarean section. Pag normal ang panganganak ng isang babae, minuto lang pwede na ito magkilos-kilos unlike pag c-section para kang bedridden. Iniiwasan kasi bumuka ang pagkakatahi ng sugat at katulad sa ibang pasyente para kang naoperahan na bawal kumilos.
"N-Nasaan ang mga babies ko?"
kapagkuwa'y tanong ni Sacha.
Bumalatay sa mukha nito ang pangamba.He smiled and touched her cheeks.
"Okay silang tatlo. Nasa incubator pa sila, kailangan muna nilang mag stay dito ng two weeks."
paliwanag niya.Umiling ito at nalukot ang mukhang tumingin sa kanya.
"No. Hindi ako aalis dito nang di kasama ang mga anak ko. I want to see them--"
biglang lumungkot ang boses nito at naluha.Niyakap naman niya agad ito upang patahanin.
"sshh--wala akong sinasabe na iiwanan sila dito. Magpagaling ka lang. Siguro bukas pwede ka nang tumayo, dadalhin kita doon sa kanila--"
hinaplos-haplos niya ang buhok nito.
Narinig pa niya ang malalim na paghinga nito."--di kapa pwedeng kumaen, baby. Maybe later pwede kana siguro uminom ng water at--"
Bumukas ang pinto. Naputol ang sinasabe niya dahil sa pagsulpot ni Noriko.
"M-Miranda?--"
mahinang usal ni Sacha.
Bakas sa mukha nito ang pagtataka habang nakatingin sa bastos na bisita nila. Ni hindi man lang kumatok ang walang hiya.Kaagad ito lumapit kay Sacha.
"You good? Tumawag na ako kay Fuji. Papunta na sila dito ni Zeki."
wika ni Noriko.Tumango-tango naman si Sacha.
"Thanks, Miranda.--"
mahinang wika nito saka sumenyas kay Noriko na lumapit tila may nais itong ibulong sa lalaki.Kumilos naman ang lalaki at inilapit ang tenga sa mukha ni Sacha.
Nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa dalawa."Onu tekrar incitmesin. Seni ölümüne döveceğim."
If you hurt him again. I will beat you to death.
usal ni Sacha kay Noriko.Hindi niya maunawaan ang sinabe ni Sacha, pero mukhang nagbabanta ang dalaga dahil biglang namutla ang lalaki saka matalim na tinapunan siya ng tingin.
He smirked. Whatever my baby says--its sounds like a death wish.
Tumango-tango naman si Noriko. May sinabe din ito kay Sacha, tahimik lang siya nakamasid sa dalawa wala naman kasi siya maunawaan. Nang matapos mag usap ng dalawa ay nagpaalam na si Noriko.
"--istorbo."
pabulong na paanas niya.Tila narinig naman ng lalaki at tiim bagang tumitig sa kanya.
"e kung dukutin ko kaya mata mo."
panakot naman ni Noriko.He chuckled.
"Go ahead."Nanggigigil na kumuyom ang kamao nito. Humarap ito bigla kay Sacha.
"Wag kang makikipag-balikan sa lalaking 'yan. Ang panget!"
paasik na sabi nito kay Sacha at saka naglakad palabas ng pinto pero bago nito sinara ang pinto tinaas ng lalaki ang gitnang daliri patutya sa kanya.Napatayo siya sa inis.
"Aba't ! tanggalan kita ng kulit makita mo! Fück you too!--"
pasigaw niyag sabi.Bwiset!
"Ayusin mo sarili mo. Dahil yang suntok ni Miranda--madadagdagan yan pagdating ng kambal ko."
seryosong saad ni Sacha.Tinignan siya nito 'yun tingin na nagsasabing.. you can hide but you can't run.
He sighed. Tsk. Kung gusto niyang maging maayos ang relasyon niya kay Sacha at sa mga anak niya, maigi nang ayusin muna niya ang tiwala ni Zeki White.
잘자~⋆。˚⋆。˚
BINABASA MO ANG
REAL THING [Completed]
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Nagkatagpo ngunit hindi nakatadhana? When Sacha meet the handsome doctor Taner Rugger. Suddenly the wind blew for Sacha. Her heartbeat dribbling so fast when everytime he sees Taner. At dahil siya si Sacha White..Sh...