KABANATA 11

678 37 3
                                    

--Sacha--

HINDI NAKALIGTAS sa kanyang mga mata ang madilim na mukha ni Fuji habang pinakikinggan nila ang sinasabe ni Reese at Twix.

"Carlo Horquez ang pangalan ng bastardong anak ni Don Luis--"
ani ni Twix habang nakaupo sa reclining chair. "--base sa information na nakuha rin ni Reese, mula nang mamatay ang Lola ni Carlo napunta ito sa isang bahay ampunan sa Surigao."

"Ang huling balita ay inampon si Carlo ng isang mayamang negosyante."
pagpapatuloy naman ni Reese.

Tumango-tango siya saka pinagsiklop ang dalawang braso sa dibdib.
"Tapos? 'yun lang?"

Tumayo si Reese at nagtungo sa kusina.
"--dead end na. Walang information kung sino ang umampon kay Carlo, dahil two months after ma-ampon siya ay nasunog ang bahay ampunan. Namatay lahat ng tauhan sa bahay ampunan."
paliwanag ni Reese saka nagbukas ng isang beer in can.

Tsk. Shit! Mukhang mahihirapan silang mahanap ang isa pang anak ni Don Luis.

"A-Ano pala balita sa pag-uusap ninyo ni Eden?--"
si Fuji na ang nagtanong.

Umiling siya.
"I'm not sure kung sasama sila..pero kailangan mong magpaiwan, once na pumayag si Eden, dalhin mo sila agad sa White Fence. Samahan mo sila. Kailangan ko munang mauna, Zeki needs me."
saad niya.

Ilan araw na mula nang makuha ni Judas Horquez si Zeki ay wala pa rin silang balita. Mamayang gabi na ang alis niya kasama si Tanner patungo Los Angeles.
Hindi sasama ang triplets na Donovan, sapat na ang naitulong ng mga ito sa kanila. Nagsabi na lang siya na i-update kaagad siya, once may bagong information na nakuha ang mga ito tungkol sa Carlo Horquez na iyon.

Huminga siya ng malalim.

Pinagdadasal din niya na sana'y mapatawad ni Eden ang kapatid niya. Masyadong mabigat ang nangyare sa nakaraan ni Eden at may kasalanan din si Zeki. Pero naniniwala siyang magiging maayos din ang lahat para sa dalawa.

Nagpasya na siyang umalis at magpaalam. Nasa parking lot na siya pasakay na sa kanyang Red Ducati, pagsuot niya ng helmet saka biglang may pumigil sa braso niya. Si Fuji.

"What?--"
puno ng iritasyon tanong niya.

Pero imbes sumagot ang Hapon na ito, inalis nito ang suot niyang helmet at walang takot na hinalikan siya sa labi.
What the hell?--

Mabilis niyang tinulak si Fuji at sinapak sa mukha. Hindi ito natumba, nang akmang hahalikan siya uli ni Fuji, tatadyakan sana niya ito pero nasalag nito ang paa niya.

"W-What the hell is that?! Baliw ka ba?!"
hiyaw niya.

Nakakagigil ang Hapon na ito. Kapal ng mukhang halikan siya ng ganoon na lang.

Napangiwi ito sabay himas sa pisngi.
"--Tsk. You can say that but kukunin ko na--"
ngumisi ito sa kanya.

Nag-isang linya ang kilay niya at puno ng pagtatakang tinitigan si Fuji.
Anong kukunin nito? Naka-drugs ba itong gago na 'to?

"--kukunin ang alin?"

"--puso mo."
maikling sagot ni Taka sabay balik sa kanya ng helmet.
"--susunod ako sa'yo agad. Isasama ko si Eden at Zephyr. Take care"
wika nito sabay dampi ng halik sa pisngi niya at saka umalis na.

Natigalgal siya. Ano raw? Kukunin nito ang puso niya? Nanggigil siya. How dare him kissed her?! May boyfriend na siya. She love Tanner. Sigurado siyang may binabalak si Fuji. Siraulo talaga!

Sumakay na agad siya sa Ducati at tumalilis. Pupuntahan na niya si Tanner, kailangan na nilang umalis.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

REAL THING [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon