"What are you doing here, Aelia?"
Namumutlang tanong ni Beaumont. Hindi ko pinansin ang tanong niya at masama pa rin ang titig na ibinigay ko sa kanya.
Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at habang masamang nakatitig kay Beaumont. They both looked surprised of my sudden appearance. Hindi ko iyon inalintana at nagpatuloy lamang ako sa pag-martsa palapit sa kanila.
"How could you say that to a girl, Beaumont?! Pinaiyak mo na nga siya pero wala ka pa ring pakialam!" Asik ko sa kanya.
Kahit kailan ay hindi ko nakitang umiyak ang Mommy ko dahil kay Daddy. My dad said that boys must never mistreat or make a girl cry.
His jaw clenched. "Pumasok ka sa loob, Aelia..." Madilim niyang sabi ngunit hindi ako nagpatinag. How could he act like this? How could he be this hard when there's a girl crying in front of him? And what's even worse is he's the reason why this girl shed a tear.
"How could you! Mag-sorry ka sa kanya!" Maawtoridad kong sabi. Nagtagis lang ang kanyang bagang at sinamaan ako nang tingin bago muling hinarap si Celestina na ngayon ay umiiyak pa rin pero bakas ang gulat sa kanyang mukha. Maybe the sight of a 6th grade student yelling at a senior high school guy hasn't still sunk in, in her mind.
"Go home, Celestina... Mag-usap na lang tayo bukas." Pakiusap ni Beaumont. Napaawang ang bibig ko at hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. I thought he'll apologize! Pero talagang pinapaalis niya pa ito!
Hindi pa rin nakalagaw si Celestina kaya si hinawakan siya ni Beaumont sa braso at siya na mismo ang nag-akay sa kanya palabas. Nakanganga pa rin ako habang pinapanood siyang akayin ang tulala ngunit umiiyak na si Celestina palabas ng kanilang gate. May sinabi pa siya kay Celestina bago niya tuluyang isara ang gate saka na muling humarap dito sa gawi ko. He looked at me with flames in his eyes.
Sunod-sunod akong ginawa kong pag-iling at sabay linga sa may damuhan. Nakahanap ako ng maliit na bato malapit sa kinatatayuan ko. Pinulot ko iyon at galit na galit na nagmartsa palapit sa kanya na nakatayo sa may gate nila saka ko siya binato habang nagngingitngit ang mga ngipin ko sa inis.
Naisangga niya ang braso niyang malaki at maugat kaya doon siya tinamaan noong maliit na bato. The small rock looked helpless the moment it landed on Beaumont's muscular arm. Nag bounce lang ito at muling nahulog sa damuhan, it didn't even made him flinch.
"What the fuck is your problem, Soldevilla?!" Galit niya akong binalingan ng tingin at mahigpit na hinigit sa braso. Napalunok ako nang makasalubong ko ang naglalagablab niyang mga mata. Parang handang-handa na ang mga ito na tupukin ako anumang oras.
Kahit ganoon ay hindi ako nagpatinag. Galit ako sa kanya! Naiinis ako sa kanya!
"You! You made Celestina cry! At hindi ka man lang talaga humingi ng tawad sa mga pinagsasabi mo sa kanya!"
"What do you fucking know about this, Aelia? You're just a kid!" Aniya at napahilot sa kanyang sentido.
![](https://img.wattpad.com/cover/264234700-288-k257124.jpg)
BINABASA MO ANG
Curse of the Sun (Selenelion Series #1)
Teen FictionSELENELION SERIES #1 Aelia Soldevilla, a med student born with silver spoon in her mouth. With a snap of her finger, she can get whatever she wants. Until she met Beaumont, a student pilot who did not know what his intentions were to her. Cover is n...