Kabanata 22

21 2 0
                                    

Bago pa man ako makasagot ay may narinig akong katok mula sa aking pintuan bago ito tuluyang bumukas. Parehas kaming napatingin ni Beau sa may pintuan. It was my mother, nakaawang ang kanyang bibig sabay baba nang tingin sa may hita ko na kung saan nakapatong ang kamay ni Beau na hawak ko.


I felt my body tensed as my heart starts beating fast. Alam ko naman na wala akong ginagawang mali but the way my mom looks at us? Damn!


Mula sa pagkakaupo ni Beau ay kaswal siyang tumayo na naging dahil upang mabitawan ko ang kamay niya.


"Magandang tanghali po..." Bati ni Beau kay Mommy. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa kama ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi.


Humakbang palapit si Mommy sa amin sabay baba nang tingin sa kamay ni Beau na kaninang hawak ko. Napalunok ako sa sobrang kaba. Why is she looking at Beau's hand with that stoic expression?


I found my body slowly relaxing when my mom's eyes narrowed. Nakita na siguro niya ang mga daliri ni Beau. Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako sa iniisip niya kaysa sa malaman niyang nadisgrasyo ko ang kamay ng kuya ng best friend ko.


"What happened to your fingers, dear?"


Nagbaba nang tingin si Beau sa kanyang mga daliri. "Oh, this is nothing, Tita." I can feel him smiling through his voice.


Binalingan ako nang tingin ni Mommy, raising a brow at me. She's urging me to tell what's going on.


I looked at her with full of guilt. "It's... It's my fault. Naipit ko siya."


"Dios mio, Aelia!" Gulat na reaksyon ni mommy. Napatayo ako ngunit hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin but I know that I must calm her.


"Beau, pasensya ka na hijo kay Aelia. Sigurado ka bang ayos ka lang? Ikaw naman, Aelia bakit hindi ka nag-iingat? Alam mo namang importante ang mga kamay ng Kuya Beau mo dahil isa siyang piloto."


I secretly grimaced at the word 'kuya'. I'm not sure if I can consider Beau as my 'kuya'. Hindi ko alam bakit pero hindi gano'n ang tingin ko sa kanya.


"Don't worry, Tita. I assure you this is nothing. Naigagalaw-galaw ko pa naman, I'm pretty sure I can still maneuver a plane back and forth... And this nurse right here is really good..." Beau said, looking at me with a grin. Hindi ko alam kung iirapan ko ba siya o ano. Really good ka diyan e ako nga ang dahilan kung bakit ka naipit ang mga daliri mo!


Mommy looked at me, slightly shaking her head. Ngumuso lang ako sa kanya. Muli lang siyang umiling bago muling ibinalik ang tingin kay Beau.


"Beau, since you're already here dito ka na lang mag lunch... I have a friend coming over. Sumabay ka na sa amin."


"Sige po... I'd love that." Beau said, briefly glancing at me.


"By the way, ikaw ba ang may dala ng ice cream cake sa ref, hijo? Okay lang ba kung iyon na lang ang i-serve natin sa dessert?" Tanong ni mommy.


Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon