"Bakit ba ang takaw parati ni Ellia?"
Nakanguso kong sabi habang nakatingin sa pet na rabbit ni Elissa... well, namin pala. Ang sabi ni Elissa sa aming dalawa ni Ellia. Mixture pa ng pangalan namin ang name ng pet.
Paano ba naman kasi parati namin siyang pinapakain. Sa tuwing ipapalinis namin ang kulungan niya ay bibigyan na namin siya ng pagkain pero parang isang oras lang ang epekto no'n sa kanya at gutom na naman siya.
Nagkibit balikat si Elissa. "I don't know but it's better that way, don't you think? Dapat kumain siya nang kumain para tumaba siya! Ang cute-cute siguro niya lalo kapag tumaba!" May gigil sa tono ni Elissa habang pinapanuod na kumakain si Ellia.
Napangiti ako. "Oo nga..." My smile suddenly turned into a frown when I realized something.
"Bakit ganun, Elissa? Kapag animals ang tumataba lalo silang minamahal ng mga tao pero kapag mga tao ang tumataba wala nang nagmamahal sa kanila?"
"Oo nga 'no? 'Di ba sa mga movies na napapanood natin laging lapitin ng tukso ang mga matataba?" Napaisip siya.
"What is wrong with being fat, anyway? Fat or skinny, white or black, we are still created from the image of God and it's our right to be treated equally..."
"Damn!" Sabay kaming napalingon ni Elissa sa boses ng lalaking nagsalita and there we saw Liam with Beau and Lander. Nakasuot pa rin sila ng uniporme at nagkanya-kanya ng upo doon sa may round table pwera kay Beau na nakatayo pa rin.
Ang mga bags nila ay nasa may round table na. Mukhang kakauwi lang nila galing school. Wednesday ngayon at half day lang kaming lahat including senior high. Pero mas nauna pa kaming umuwi ni Elissa, magda-dalawang oras na nga kami dito.
Si Liam ay may pagkamangha pa ring nakatingin sa akin.
"How old are you again? You're scaring me..." Aniya at natawa ng bahagya.
"Yeah right, Liam. It's really scary to know that a twelve year-old girl is more mature than you." Sabat ni Lander at sumandal sa kanyang upuan.
Naningkit ang mga mata ni Liam. "You're scaring me, too, Lander. I didn't know that pussies can talk."
Lander just smiled sarcastically before flipping his middle finger in the air.
"Will you two shut the fuck up? Anong gusto niyong kainin? Papaluto ako kay manang Sally." Sabi ni Beau habang isa-isang ina-unbutton ang polo niya.
"Kahit Pancit Canton na lang... It's been a while since I ate that." Liam suggested.
"Beau, kami rin ni Aelia! Ayaw namin ng spicy, calamansi lang ang gusto namin." Nakangiting sabat ni Elissa na tila ba nakalimutan na ang pinag-uusapan namin kanina.
Naningkit ang mga mata ni Beau. "Huh?"

BINABASA MO ANG
Curse of the Sun (Selenelion Series #1)
Novela JuvenilSELENELION SERIES #1 Aelia Soldevilla, a med student born with silver spoon in her mouth. With a snap of her finger, she can get whatever she wants. Until she met Beaumont, a student pilot who did not know what his intentions were to her. Cover is n...