Kabanata 17

22 2 0
                                    

"Ah, shit!"


I silently groan while massaging my temples. Ang sakit ng ulo ko sa pinaghalong puyat at hangover.


Tiningnan ko ang phone ko at halos mapatalon ako sa kama nang puro messages ni Elissa ang nando'n sa lahat ng social media accounts ko! Shit! Oo nga pala, mag s-skype kami ngayon!


Kaagad akong bumangon sa kama ko at hindi inalintana ang kumikirot kong ulo. Dumiretso ako sa banyo para magtoothbrush at maghugas ng mukha at pagkatapos no'n ay nag high ponytail na lang ako.


Kinuha ko ang laptop ko at umupo sa kama at ipinatong iyon sa unan bago tuluyang binuksan. Hindi ko na nareplyan ang mga messages ni Elissa, tinawagan ko na siya sa skype agad-agad at hindi na ako naghintay nang matagal dahil kaagad na rin niya itong sinagot.


Bumungad sa akin ang best friend ko na kasalukuyang nakaupo sa kitchen nila. Yep, I can pretty much tell that she's in their kitchen. Kitang-kita ko kasi ang malaki nilang refrigerator sa likod niya.


"Hey, good evening to you!" I greeted and a nervous laugh escaped from my mouth. Dammit! I look so fucked up! I just hope she won't notice.


"Well, nabati na kita sa lahat ng social media accounts ko pero babatiin pa rin kita ngayon so, happy birthday, you filthy animal!"


Napangiti ako ng matamis at para bang tila nakalimutan ko ang kumikirot kong ulo. I will definitely check and reply to all her messages one by one pagka end ng call namin.


"Thank you, Elissa. I love you and I miss you!" Buong sinseridad kong sabi. Sobrang namiss ko si Elissa, ever since na maging mag best friends kami ay never kaming nagkahiwalay sa tuwing birthdays namin.


Pangalawang birthday ko na 'to nang hindi ko siya kasama.


"Aww, I love you more and I miss you more! Basta, basahin mo mamaya ang mga message ko sa'yo ah!"


"Oo naman! Sandali, bakit nga pala nandiyan ka sa kusina?" Natanong ko. She's just so random... Usually kasi ay nasa kwarto siya sa tuwing nag-uusap kami.


"Ah, oo! I'm having my dinner kasi at nag-aalala ako na baka tumawag ka kaya isinama ko na sa 'kin ang laptop ko. 'Yung ulam ko kasi is tilapia na ginisa sa kamatis baka mangamoy sa kwarto."


My mouth instantly watered after hearing Elissa's ulam. "Ah shit! Nakakagutom naman!" Nakanguso kong sabi.


"Huwag kang mag-alala, pag-uwi mo dito ipapaluto kita ng ganito kay mama... Kailan ka ba kasi uuwi? Miss na kita! Puro si Eli lang ang kasama ko araw-araw nakakasawa!" Her brows creased.


Oo, naikwento nga niya. Simula daw ng magkahiwalay kami ay puro kay Eli na lang siya nakikisama since we're on the same grade tapos ay naging magkaklase pa sila dahil pareho sila ng strand. Nabanggit din sa 'kin ni Elissa na gusto na rin daw niyang maging nurse dahil daw nage-enjoy siya sa science related subjects nila doon and I was delighted by it.

Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon