Kabanata 48

35 1 0
                                    

Pinagmasdan ko ang isang luxurious wrist watch na nakapaloob sa isang kwadradong salamin. It says Breitling.


Colt Automatic 44mm. It's an aviation wrist watch, sa may leather nito ay may disenyo pa itong isang maliit na wing. Dalawa ang pinagpipilian ko, this colt and that Breitling Aerospace.


Noon ko pa 'to pinag-iipunan, I found out about this store when I was already in my second month of working in a public hospital here in Angeles. I was planning to give it to Beau as an anniversary gift pero nang mag anniversary kami ay hindi ko pa afford ito dahil kulang pa ang ipon ko galing sa mga sweldo ko.


Pero ngayon ay kaya ko na itong bilihin dahil lahat ng sweldo ko simula sa unang buwan ng pagbabalik ko sa trabaho hanggang ngayon ay naipon ko na. Kahit kasi singko ay walang nagagastos sa sinusweldo ko, ayaw ni Beau. He's the one who's providing for everything, he told me to save all my salary instead para kapag may gusto daw ako ay mabibili ko kaagad.


I am beyond grateful and blessed to have a husband who values our relationship more than the material things and money pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mahiya sa kanya. He always reminds me not to feel bad about him providing for everything, he said that he's doing it not because it was his duty as a husband but because it was one of his ways to express how much he cares for me.


Hindi ko alam kung bakit ganyan si Beau, minsan gusto ko na lang siyang isako o di kaya'y ikulong ko na lang siya sa kwarto ng kaming dalawa na lang dahil gustong-gusto ko siyang ipagdamot. Ayaw ko na siyang bitawan pa.


Kahit na ang tanging paraan lang para mapatawad ako ni Elissa ay ang iwan siya ay hindi ko magawa. Beau has already became a part of me, he was my sanctuary, and my wild place, all at once. All those spectacular days, afternoons, evenings, and midnights with him is something that I will never trade for anything in this world.


Just the thought of walking out from our relationship makes me feel a pang here in my chest. Elissa can make me kneel or kiss her feet but leaving Beau in exchange for her forgiveness will never be an acceptable option.


"Bibilihin niyo na po ba, Ma'am? Ang daming nagbabalak bumili ng mga 'yan, Ma'am! Baka maunahan ka pa!" Magiliw na sabi sa akin ng saleslady. Of course it's called sales talking.


Naging pamilyar na ang hitsura niya sa akin dahil halos buwan-buwan yata ay nagpunta ako dito just to check if nandito pa ang dalawang pinag-pipilian ko.


Ngumiti ako. "Oo sana. Kaso hindi ko alam kung alin sa dalawa..."


"Para kanino po ba 'yan, Ma'am? Sa boyfriend niyo?"


Umiling ako at bahagyang natawa. "It's for my husband."


She gasped. "Ay kasal na pala, Ma'am?!"


Tumango ako. "Yeah," I was smiling when I showed her my ring.


"Hindi halata, Ma'am! Mukhang dalaga ka lang! Hindi 'to sales talk Ma'am, ha? 'Yung kanina pwede pa..." Humagikgik siya at napatakip sa kanyang bibig.

Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon