Kabanata 3

21 3 0
                                    

"Hindi ba 'yung boyfriend niya iyon na kaklase mo?"


School sucks, isn't it? I mean, not just because every student thinks that it does but it sucks in so many aspects. In school, gossips are everywhere and walls have ears. Iba't-ibang mga chismis ang aking naririnig. Kesyo 'yung isa niyang kaklase ay napaka parasite at pabuhat lang tuwing mayroong group projects.


"Besh! Alam ko 'yung hubog ng katawan ni Shawn kaya hindi siya 'yon!"


Out of all these morning gossips, may isang nakakuha ng atensyon ko. Two senior high school girls who are talking about Ianna Gomez and her Instagram story update last saturday night. These two were running late pero nakuha pa nilang pag chismisan iyon.


Shawn? Oh my gosh! Naalala ko tuloy si Shawn Mendes. Anyway, back to reality.


"Talaga? E, sino naman kaya?"


It's fun to watch people dying because of curiosity if you yourself already knew the answer to the thing that they were curious about.


It's just the playboy... Beaumont Vincent Ignacio, you people!


"Ewan, basta hindi si Shawn iyon. Tsaka kakabreak lang nila last two weeks ago."


I didn't even gasped of what I heard. I know that. Dati ko silang nakikita palagi sa canteen noong boyfriend niya tuwing recess namin. Nagagandahan pa nga ako noon sa kanya, e, kaya nga nang in-add niya ako sa Instagram story ay in-add ko rin siya pabalik. Pero nakakadismaya siya dahil mabilis pa siya kay flash kung mag move on.


Hindi ko na lang pinakinggan pa 'yung dalawang senior high at binilisan ko na lang ang paglakad ko at dumiretso ng canteen. 7:30 pa naman ang klase ko at gusto ko at hindi pa ako nakapag-almusal kaya bibili na lang ako ng burger sa canteen. Pagdating na pagdating ko sa canteen ay likod ng isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin na bumibili rin ng burger.


Biglang bumilis ang pintig ng puso ko at nabuhayan ang dugo ko sa katawan. Oh. My. God! It's Brixton Duval! Hindi ko alam kung aatras ba ako o magpapatuloy lang sa paglalakad dahil nagsisimula na akong pawisan. Kung minsan ay ayoko na lang na magka-crush e! Malaki kasi ang posibilidad na makagawa ako ng katangahan at ipahiya ang sarili ko sa harap mismo ng crush ko.


Calm down, Aelia. Chin up! Act cool. Plano mo na talagang mag-almusal bago mo pa siya nakita kaya bakit ka aalis ngayong nakita mo lang siya? I breathe in and breathe out before walking casually towards the stall.


"Anong sa'yo, ganda?" Tanong noong lalaking nagkokolekta ng pera. Naramdaman ko bigla ang paglingon sa akin ni Brixton at nagpapatay malisya na lang ako habang kumukuha ng pera sa wallet ko.


"Burger with bacon po..." Sagot ko at inaabot ang bayad. Inulit niya 'yung order ko doon sa nagluluto.


"Hi, Aelia! Nandito ka pala." Brixton greeted me, flashing his perfect white teeth. Dang! Nasilaw ako doon!


"Uhm... Hello, Brixton!" Bati ko pagbalik at awkward na ngumiti. Ibinigay na ang order niya kaya saglit niya akong tinalikuran pero kaagad din naman niyang ibinalik ang atensyon sa akin matapos niyang makuha 'yung burger niya.

Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon