Kabanata 15

29 2 0
                                    

I only have three freaking days left. Handa na ang mga papeles namin at maging ang mga bagahe ko... Nakausap na rin ni daddy ang eskwelahan tungkol sa gagawin kong pag-alis ngunit pumapasok pa rin ako para kahit papaano ay makasama ko pa rin si Elissa .


Basically, kami pa lamang tatlo nila Elissa at Brixton ang nakakaalam tungkol sa pag-alis ko.


Maging kina Tita Medina ay hindi ko pa nababanggit. Ayaw din kasi ni mommy. She doesn't want people to worry about her condition... Kung magpapalam man daw ako kina Tita Medina kapag aalis na 'ko ay sabihin ko na lang daw na doon na ako sa Los Angeles mag-aaral kasama ang mga pinsan kong nandoon.


"May mga bisita ba kayo?" Tanong ko kay Elissa nang nakapasok kami sa gate. Dito pa lang kasi sa labas ay dinig na dinig na namin ang mga boses sa loob.


Kunot noo niya akong tiningnan saka nagkibit balikat. "Hindi ko alam... Baka sina Lander lang? Matagal na kasi silang hindi nagsasama nila Beau."


Napatango-tango na lang ako. Baka nga, iba-iba na kasi ang mga kurso nilang tatlo ngayon at pare-parehas na graduating. Ang kaso sina Beau at Lander ay itutuloy pa ang pag-aaral dahil piloto at abogado ang kinukuha nila pero si Liam ay hindi ko alam... basta ang alam ko lang ay hindi na siya nahihirapan dahil civil engineer naman ang ama niya.


Pagpasok namin ay puro mga naka aero na uniporme ang nadatnan namin sa loob. Sabay-sabay silang tumigil sa ginagawa nila at napatingin sa amin at halos manigas ako dito sa kinatatayuan ko nang makita ko si Brixton .


Nakatitig siya sa akin habang nakaawang ang bibig ngunit hindi nagtagal ay tipid na lang niya akong nginitian. Ngumiti na lang ako pabalik at nag-iwas nang tingin.


"Oy, nandito rin pala si New Girl!" Biglang sabi ni Ciel at kinawayan ako habang nakangisi. I waved back at him awkwardly.


"Bakit New Girl?" Kunot noong tanong ni Brixton .


Pumalatak ito. "Ah basta, ayoko nang magpaliwanag. Manood kasi kayo ng series minsan!"


Napansin kong may kasama pa silang isa ngunit hindi ko kilala, bago siya sa panigin ko. Si Beau naman ay hindi ko nakita. Baka nasa kusina o ano. Ewan.


"Tara..." Elissa said under her breath. Tumango naman ako at umakyat na kaming dalawa sa taas.


"Si Brixton , ah, kung makatingin sa'yo." Nakangising puna ni Elissa nang makapasok na kami sa kwarto niya.


I exhaled through my nose as I shake my head slightly. "Nako, Elissa wala na akong panahon sa mga ganyan... Alam mo naman ang lagay ni mommy."


Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at sinipat ko siya, hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya at malungkot lang siyang nakatingin sa akin.


"O, bakit naman ganyan ang mukha mo?" I said with a wry smile.


She bit her bottom lip. "Nothing... I just feel bad that you have to get through all of these. You don't deserve any of this, Aelia. Not even one bit."

Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon