Simula

76 4 0
                                    

"Three points from Duval!"


Isang malakas na tilian ang narinig ko mula sa mga babaeng nasa bench at pinapanood ang game nila Brixton Duval. He's really popular with the girls here in University, huh? Naglalaro lang siya ng basketball ay parang may giyera na dahil sa mga tilian. Ngayon kasi ang intrams ng mga senior high at napasakto yata ang recess namin sa game nila Brixton.


"Hala, si Brixton, naglalaro!" Elissa exclaimed.


She tiptoed to see the players behind those benches. Ako naman ay nagta-tiyaga na lang na sumusulyap sa mga siwang. Sakto kong nakita ang pawisan at gwapong mukha ni Brixton. Nakaawang pa ang kanyang bibig at namumula ang mukha.


Ngumiti ako. "Narinig ko nga, naka three points siya." Sabi ko.


Elissa shot me a malicious look. "Tara panoorin natin!"


Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sinabi ni Elissa pero kaagad din iyong humupa nang maalala kong five minutes na lang at mag-uumpisa na ang klase namin.


"Papagalitan tayo ni Ma'am Hazarina."


She frowned. "Come on, Aelia. Grab the opportunity. Si Brixton Duval 'yan oh!" Panunulsol niya pa. She took a sip of her lemonade while waiting for my response. Ano ngayon kung mapapagalitan kay Ma'am Hazarina, right? Kayang-kaya namang lusutan.


I shrugged. "Okay, let's watch." Sabi ko.


She shrieked in excitement before dragging me to go inside the covered court. Umupo kami sa unang row ng bench at doon kami sa bandang sulok. Mukha kaming outcast dahil lahat ng mga nanunuod dito ay naka civilian at mga senior high school na. Kami nalang ni Elissa ang natatanging Grade 6 students.


May mga iilang tumingin sa amin pero nang may maka-score na naman ay tila ba nakalimutan na nila na nandito kami ni Elissa.


"Nice rebound from Ignacio!" The announcer exclaimed. Pinukulan ko ng tingin ang lalaking naka jersey na color blue na mayroong number 03 sa likod. Seryoso ang mukha niya sa paglalaro pero nang marinig niyang isinigaw ng mga babae ang pangalan niya ay bigla siyang napangisi. Another popular from the girls in this university.


I saw Elissa, who's sitting beside me, frowned as she took another sip of her lemonade. She finds it disgusting when someone is fangirling over her brother and I highly agree to that.


"I can't believe Beau has fangirls!"


Nakangiwing sabi ni Elissa. Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya. His brother is now jogging inside the court and as he unconsciously ran his fingers through his quiff hair. Although Elissa and Beau are siblings, magkaiba sila nang pinagmanahan sa buhok. Elissa's inherited her curly hair from Tita Medina while Beau has their father's hair.


Muli kong itinuon ang atensyon ko sa nag-iisang dahilan kung bakit pinili kong manuod dito kaysa pumasok sa subject ni Ma'am Hazarina, kay Brixton. Tumatakbo siya habang dini-dribble ang bola at ganoon din ang bantay niya. God, his muscles are flexing!

Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon