Kabanata 1

60 3 0
                                    

"Elissa, bumaba na kayo diyan at handa na ang meryenda!"


Dinig kong sigaw ni Manang Sally mula sa labas ng kwarto ni Elissa.


"Okay po, manang!" Sigaw ni Elissa pabalik at nakangisi akong tinignan at tinaasan ng dalawang kilay.


"Narinig mo 'yon? Sigurado ako na bababa na rin sina Brixton niyan!" Masigla niyang balita saakin. Impit naman akong napatili.


"Sa tingin mo namumukhaan niya pa ako?" Tanong ko.


Ngumuso siya at tinignan ako. "Oo naman! Isang linggo pa lang ang lumipas." Sagot niya.


Lumawak ang ngiti at ang kilig na nararamdaman ko pero kaagad din namang bumagsak ang balikat ko nang maalala kong hindi nga pala maganda ang dahilan ng pagkakaroon namin ng interaksyon.


"E 'di naalala niya pa na ako 'yung babaeng tinamaan ng bola sa ulo at naligo sa lemon juice?" I whined.


"Tsk! Ano ka ba? Ayos lang 'yon! Maraming nagkakatuluyan sa mga ganyan."


I just shrugged. Sabagay, ganoon naman ang madalas mangyari sa TV di'ba?


Lumabas na kaming dalawa ni Elissa sa kwarto niya at dinig ko pa rin ang mga halo-halong boses sa loob ng kwarto ni Beaumont. Mukhang nandito may ginagawa pa sila. Bumaba na kami ni Elissa at dumiretso sa dining area nila. Nagniningning ang mga mata ko nang makita ko ang carbonara sa hapag.


"Oh, kayong dalawang dalagita, kumain na kayo bago pa bumaba ang sina Beaumont at ang mga kaklase niya."


Sabi ni Manang Sally at ipinag-serve na kaming dalawa ni Elissa. Magkatabi kaming umupo at kinain ang carbonara na niluto nila Tita Medina at manang Sally.


"Sarap naman nito, manang!" Hindi ko mapigilang sabi.


Tumawa siya ng bahagya. "Si Medina halos lahat ang nagluto niyan." Aniya. Napatango-tango naman ako. Kahit kailan talaga ay napakasarap magluto ni Tita Medina. Habang tahimik kaming kumakain ni Elissa ay narinig ko ang mga yabang ng mga paa na pababa ng hagdan at pati na rin ang tawanan at kwentuhan galing sa mga iba't-ibang boses.


I stiffened and Elissa elbowed me. Nagkatinginan kaming dalawa at tinanguan ang isa't-isa. After that we were back in our business at patay malisya lang kaming dalawa. Pero ang pintig ng puso ko ay palakas ng palakas habang papalapit ng papalapit ang mga boses at yabag na naririnig ko.


"Sino niyan ang gagawa ng powerpoint?" Boses iyon ng isang lalaki.


"Nagtanong ka pa, ikaw na Troy. Baka kay Beaumont mo pa ipagawa, hindi ka na nahiya!" Sunod ko namang narinig 'yung boses ng babae kanina. Troy pala ang pangalan niya.


"Huwag na kayong mag-away diyan, ako na lang ang gagawa." Napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Brixton. Sabay kaming napatingin ni Elissa sa may doorway nang isa-isa silang pumasok papunta dito sa dining area. Lahat silang apat ay nakatingin sa amin. Dalawa lang ang hindi pamilyar sa akin. 'Yung isang babae at 'yung isang lalaki na Troy ang pangalan base sa pagkakarinig ko.

Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon