Kabanata 9

18 2 0
                                    

"Sandali! Ako na!"


Pigil ko kay Beaumont nang akmang babayaran na niya ang ensaymada at iced coffee ko. Hindi niya ako pinansin at binigay niya lang kay ate 'yung pera niya.


"Hindi mo yata kasama 'yung girlfriend mo ngayon?" Tanong ng nagtitinda kay Beaumont na mukhang nasa mga nasa 40's na. Parang parating bumili dito si Beaumont base sa pagkakakilala noong babae sa kanya.


"May klase pa siya, ate..." Sagot ni Beaumont. Balita ko kay Elissa, Architecture daw ang kinuhang course nung girlfriend ngayon ni Beaumont. Four months na nga daw sila. Well, that's new. Looks like Beaumont wants to take it to the next level.


Mukhang naisipan na niyang mag seryoso ngayon. Two months na kasi ang pinaka matagal kapag nagkakaroon ng girlfriend si Beaumont.


I've seen the girl once, maganda siya. Parati namang maganda ang mga nagiging girlfriend ni Beaumont. Maputi at mahaba ang kanyang buhok, madalas kong makita noon ang mukha niya sa mga tarpaulin na naka display sa may boulevard... Parati siyang nakikisali sa mga pageants nitong university.


"Siya nga pala si, Aelia... Best friend nung kapatid ko." Pakilala niya sa akin.


Tiningnan niya ako bago niya binigay ang sukli kay Beaumont. I heard Beaumont mutter at thanks.


"Junior? Hindi ba't may klase sila ngayon?"


I just smiled awkwardly. Bakit naman kasi ipinakilala pa 'ko. Baka isipin ni ate pala cutting ako.


Tumango si Beaumont. "Opo, isinama ko na lang sa'kin kaysa saan-saan magpunta..." Aniya at mabilis akong sinulyapan.


"Ganon ba? Mabuti na lang wala yung girlfriend mo. Alam mo naman selosa 'yon..."


Napanganga ako at nagtatanong na tiningnan si ate. Ano ang ibig niyang sabihin?


"Huh?"


Nginitian niya ako. "Ang ibig kong sabihin ay baka kasi pagselosan ka nung girlfriend niya." Paliwanag niya sa'kin.


Natawa ako. "Wala naman siyang dahilan para magselos, ate. Grade 10 palang ako, oh, para na 'kong nakababatang kapatid ni Beaumont. At saka ang pangit-pangit ko para pagselosan niya!" Natatawa kong sabi.


"Lahat pinagseselosan no'n..." Sagot ni Beaumont.


Natawa iyong si ate. "Oo, may makatapat lang si Beaumont na babae sa tuwing bumibili sila dito ay naiinis na."


"Nakakairita na nga minsan..."


Pero bakit 'di mo magawang iwan? Kasi mahal mo na?


Maging ako ay nagulat sa aking sariling naisip. Kahit kailan hindi ko pa naimagine na si Beaumont ay magmamahal. Parang ginawa nga lang niyang libangan ang page-girlfriend.

Curse of the Sun (Selenelion Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon