PROLOGUE

311 11 0
                                    

DEAR DIARY,

     Simula pa lang noong una ay lagi na akong nag-iisa. Hindi dahil sa galit ako sa mga tao kun'di ito ay dahil lagi nalang akong kinukutya. Minsan, napapaisip nalang ako kung paano ko ito maiiwasan. Napapaisip ako kung paano at saan ko dadalhin ang aking sarili sa pinakatahimik na lugar. Iyong malayo sa mga taong mapanghusga.

     Kapag lagi ko itong iniisip ay sumasakit na naman ang aking ulo na minsan ko ding hiniling na matanggal na ito sa buo kong katawan. Pero, charooot lang iyon, diary, ayaw kong mawala sa mundong ito na gutay-gutay ang katawan. Gusto kong buo pa rin ako habang nakahimlay sa puro puting higaan, walang labis walang kulang. Ni minsan, diary, ay hindi ko hiniling na magkaroon ng kaibigan dahil natatakot ako na ako'y kanilang saktan. Pero minsan, may mga tao talaga na hindi natin maintindihan. Hindi ko inakala na may tutulong sa akin at naging mabuting kaibigan.

     May isang bagay na bumabagabag sa aking isipan, Diary. Bakit ako nabuhay sa mundong ito? Ano ang purpose ko dito sa mundo? Na laging kinukutya ng mga kapwa ko tao?

     I am Hanna Amber Kinley. The girl who is living with nothing.

———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now