LIVING ENTRY #18

165 6 0
                                    

DEAR DIARY,

     Pangalawang linggo ngayon sa buwan ng kapanganakan namin ni Edrilyn. July 10 na, diary, ibig sabihin ay tatlong araw na lang ay kaarawan na niya at sa susunod naman na dalawang araw ay kaarawan ko na rin.

     Miyerkules ngayon, diary, at kanina lang nangyari ang long quiz namin. Laking pasasalamat ko talaga sa itaas nang makakuha ako ng passing score kanina sa dalawa naming subject. Fifty items ang quiz namin sa P.E, mabuti na lang at printed iyong iqu-quiz namin saka may choices, hindi katulad sa Cookery namin na dinidikta lang ni Sir John tapos puro enumeration pa na hanggang one hundred items.

     Grabehan na si Sir, diary, ha. Ang lakas magpa-long quiz samantalang boring naman mag-discuss. Hindi sa inaano ko si Sir John, diary, ha, pero sobra naman yata 'yong pa-quiz niya. Paano kung nakalimutan ng istudyante ang sagot sa ibang item o hindi kaya wala talagang ma-i-sagot? Out of 100 ay zero, o hindi man lang nakaabot sa kalahati ang score. Hindi ba siya naawa sa mga istudyante niya kapag gano'n na lang lagi ang items? Wala man lang ba siyang konsiderasyon sa mga istudyanteng katulad ko na kaunti lang din ang alam?

     Pero, bahala na nga, diary. Ang importante ay successful ang pangatlo at pang-apat kong quiz dahil walang sumabotahe. Walang nagbato ng papel papunta sa akin para pagbintangan na nag-cheat ako, at walang guard na humarang sa akin upang ma-late ako sa quiz.

     So ayon nga, diary. Nakakuha nga ako ng passing score sa dalawang subject, tatlo ang mali ko sa sixty items sa Physical Education at sampung mali rin sa Cookery. Mabuting na lang talaga na hindi nasayang ang mga gabing pinagpuyatan ko sa loob nang isang linggo para sa long quiz. Imbis kasi na matulog na ako pagkauwi ko galing sa pagtitinda ng balut, kahit na masakit na ang mata at ulo, ay pinipilit ko pa rin ang sarili na gising ang diwa para makapag-review man lang kahit na kaunti.

     Ang kulot namang si Kuya Moi ay perfect sa quizzes namin, diary. Oo, grabe. Perfect siya sa dalawang subject. Paano kaya niya nagawa 'yon? Hindi naman siya nag-cheat kanina dahil wala naman akong nakita sa gilid ko kanina na may hindi kaaya-ayang kilos. Tahimik pa nga 'yon kanina habang nag-quiz kami. Mukhang seryoso sa buhay si Kuyang Kulot, diary.

     Si Mia at Edrilyn naman ay nakakuha rin ng passing score, diary, kagaya ko. At 'yong iba naman naming kaklase ay nabigo sa pag-abot ng passing. Pero, diary, alam mo 'yon? Kahit na nakakuha ako sa passing score ay ramdam ko pa rin na hindi iyon na-appreciate man lang ng mga taong nasa paligid ko, maliban na lang kay Kuya Moi na ginulo pa ang buhok ko sa pagkatuwa nitong nakakuha ako sa passing score.

     Ganito naman kasi talaga lagi, diary, hindi ba? May nagawa man akong mali o wala, sa tingin nang nakararami ay mali pa rin ang kilos ko at walang silbi. Kahit naman siguro sabihin nating sanay na ako na lagi na lang akong ginaganito ng mga tao, wala pa rin akong magagawa dahil ito na ang kahihinatnan ko.

     Madaling sabihin na baliwalain at kalimutan na lang ito, oo, pero sa puso't isipap ko ay doon ko pa rin kinikimkim ang sakit na nararamdaman nito. I will accept it, diary, since I don't have a choice. I maybe living here in this world with this people, but for them I am nothing at all.

     Ikaw na lang talaga ang tanging katuwang ko sa buhay, diary. Ikaw ang tanging bunga sa hinanakit ng aking kalooban dahil ikaw ang lagi kong tinatakbuhan upang mapawi sandali ang aking mga kalungkutan.

     Kaya sana, diary, ay huwag mo na akong iwan. Hay! Iniwan mo nga ba talaga ako, diary, o mahulog ka lang? Kasi naalala ko na may kinakalikot pala ako sa bag ko noong nakaraang pagpunta ko sa clinic tapos may nakabangga sa akin.

     Diary, inaantok na ako, 10:16pm na pala, maaga pa ang gising ko bukas dahil tutulungan ko pa si Tiya Marcela. Paalam, diary!

—Hanna

———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now