LIVING ENTRY #20

157 5 0
                                    

DEAR DIARY,

     Buong araw sa iskwelahan ay lagi kong naririnig ang mga bukambibig ng mga kapwa ko istudyante sa Viwise Academy tungkol sa school intrams.

     Sobrang excited na nilang lahat sa intramurals, diary. Iyong iba excited sa laro dahil gusto na nilang madala sa intern, ang karamihan naman ay excited sa laro dahil gusto na nilang makita ang mga pinagpapantasyahan nilang mga crush na players. Samantalang ako? Tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang lahat, diary, dahil wala naman akong rason para maging excited sa intrams na 'yan. Wala namang laro na nababagay sa akin, at lalong wala din akong pakialam sa mga players. Pinagkaitan na nga ako ng mga tao, sa pamilya ko, sa talino, pati ba naman sa sports? Haaay naku, diary!

     Sana nga lang ay walang check attendance sa araw na iyon, diary, para hindi na ako pupunta. Magtitinda na lang ako, makakakita pa ako. Kaysa naman na a-attend pa ako eh wala naman akong gagawin dahil wala naman akong laro, tutunganga lang sa buong araw. Naku! Sayang lang sa oras, diary.

     Pero, diary, wala akong choice kung may check attendance man sa event na iyon. Iyong mga katulad kong walang sports at ayaw talaga um-attend sa intramurals ay mapipilitang makapunta dahil sa attendance. Kapag kasi wala kang attendance sa araw na iyon ay hindi pipirmahan ang clearance mo kapag end of school year na. Makakagastos ka pa nang malaking pera para lang mapirmahan ang clearance.

     Nga pala, diary, magkasama na naman kami ni Kuya Moi sa iskwelahan sa buong araw. Ewan ko kung bakit lagi na lang 'yong nakabuntot sa akin, eh marami naman siyang kaibigan sa iskwelahan. Nakakahiya na nga, diary, eh. Sa tuwing magkakasama kasi kami ay lagi na lang kaming pinagtitinginan ng mga kapwa namin istudyante. Kung sa kanya ay tingin ng paghanga, ang sa akin naman ay tinging pandidiri.

     Nilibre na naman ako ni Kuya Moi kanina, diary, sa recess at lunch. Lagi na lang din niya akong nili-libre, nakakahiya na talaga sa kanya. Sumusobra na siya sa kabaitan. Minsan nga sa sobrang pagkahiya ko ay nilalayuan ko na lang siya bigla, pero ang kulot na iyon ay ayaw naman akong tantanan. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, diary, pero kasi nakaka-trigger na kasi, lalo pa't nand'yan sina Mia at Edrilyn.

     Ahy! Speaking of Kuya Moi, diary. Isa din pala iyong excited sa school intrams. Actually, sobrang excited pa nga. Excited na daw siyang makapaglaro ulit ng basketball. Medyo matagal-tagal na daw kasi siyang hindi nakapaglaro dahil busy siya sa pagtulong sa kanyang Mama at Papa sa kanilang store. Hindi ko din alam, diary, kung anong store ang sinasabi niya, hindi naman kasi nito nabanggit, saka nahihiya din akong magtanong.

     Ayon nga, diary, dahil sa sobrang pagka-excited niya ay hindi nito namalayan na pinanggigilan na pala niya ang mukha ko. Grabe, diary, akala ko nga mapipisa na ang pisnge ko kanina dahil sa pagpisil ni Kuya Moi. Sobrang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko. Kung sa ibang p'westo 'yon, iisipin talaga nilang hinalikan ako nito. Nakuuu! Kung may nakakita man sa nangyari kanina baka mas lalo na naman akong pagtripan ng mga istudyante sa Viwise. Natatakot talaga ako, diary, baka may nakakita nga, tapos makarating pa 'yon sa pinsan niyang si Mia at lalong-lalo na din kay Edrilyn na may gusto sa kanya.

     Kuya Moi, bakit ba kasi napaka-excited mo sa intrams. Nakagawa ka tuloy nang hindi magandang tingnan sa ating dalawa. Kapag may nakakita talaga no'n at makarating kina Mia, 'yang kulot mong buhok magiging straight talaga 'yan bigla.

—Hanna

———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now