LIVING ENTRY #13

172 5 0
                                    

DEAR DIARY,

     Umagang-umaga may bumulabog sa akin sa kwarto, and I was expecting na si Tiya Marcela iyon dahil 'yon naman ang lagi n'yang ginagawa sa akin para maaga akong magising upang matulungan ko siya sa pagluluto. Pero, pagkabukas ko ng pintuan ay isang malakas na sampal ang bumungad sa akin. Gulat na gulat kong tiningnan si Edrilyn. Oo, diary, si Edrilyn ang sumampal sa akin.

     Si Edrilyn na pinsan ko, si Edrilyn na bestfriend ni Mia, si Edrilyn na anak na babae ni Tiya Marcela, si Edrilyn na nakababatang kapatid ni Kuya Aldrin, at si Edrilyn na tahimik lang pero masakit kung manakit sa physical. Ang sakit, diary, sobrang sakit no'ng pagsampal niya kanina lalong-lalo na't hindi ko pa alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ako sinampal. At ito pa, mas lalo akong nagulat sa kanyang binitawang salita pagkatapos niya akong sampalin.

     “Pësti ka talaga, Hanna! Hindi ka lang walang kwenta kun'di malandi ka rin pala! Layuan mo si Moumin, Hanna. Kun'di, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin. Ito ang tandaan mo, Hanna. AKIN. LANG. SI. MOUMIN. GRAE. COSAIN.” 'Yan ang sinabi sa akin ni Edrilyn kaninang umaga.

     At bago niya ako tinalikuran ay binigyan niya muli ako ng isa pang sampal, sa kabilang pisnge naman. Napatulala ako sa kawalan nang ilang minuto, diary. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Edrilyn sa akin. She just woke me up early and släp me just because she wanted me to know that Kuya Moi is her property.

     Omygad, diary, napapa-english na ako dahil sa pinsan ko. Diary, wala naman sigurong mali sa pagkakaibigan namin ni Kuya Moi, hindi ba? 'Di ba, diary?

     Tapos kanina, pagdating ko naman sa iskwelahan ay mga masasamang tingin naman ang bumungad sa akin pagkapasok pa lang namin ng gate. Oo, diary, namin. Kasabay ko kasi si Kuya Moi papasok sa campus dahil hinintay pala niya ako sa labas. Nagulat pa nga ako pagkadating ko sa harap ng gate dahil sumigaw pa ito ng, “Amber, wait!” Tapos tumayo pa ito mula sa pagkakaupo sa gutter sa tapat ng gate ng campus. Iyong gutter na inupuan niya kanina, diary, ay 'yong pwesto ko noong una kong nakilala si Kuya Moi na tinatawag ko pang Kuyang Kulot dahil hindi ko pa alam ang kanyang pangalan. Iyong gutter kung saan una kong naramdaman ang tulong ng kapwa ko tao.

     Tinanong ko si Kuya Moi kanina kung ano ang ginagawa niya doon sa labas ng campus, ang sabi naman niya ay hinihintay niya daw ako. Mga 6:30am daw ay nasa iskwelahan na siya, pero lumabas ulit pagkalipas ng ilang minuto dahil wala daw siyang makausap sa room namin.

     Napagdesisyonan na lang daw niya na hintayin ako sa kung saan kami unang nagkakilala. May iba naman daw na kaklase namin na nandoon na sa loob ng classroom namin kaso naiinis lang daw siya dahil puro pa-cute lang daw ang mga ito sa kanya kahit alam naman ng buong mundo na siya ang pinaka-cute na namumuhay dito. Assuming lang si Kuya Moi, diary, eh no?

      Nung papasok na kami sa room namin ay nakasalubong namin sina Mia at ang bestfriend niyang si Edrilyn, na napatigil sa paglalakad nang makita niya si Kuya Moumin.

     “Grae,” mahinang sambit ni Edrilyn. Pero tila walang narinig si Kuya Moi dahil abala ito sa pang-aasar sa kanyang pinsan na si Mia. Kahit na nakayuko lang ako kanina ay naramdaman ko pa rin ang masasamang tingin ni Edrilyn sa akin. At alam mo na, diary, kung ano ang sunod na nangyari.

     Pagkauwi ko dito sa bahay ay mag-asawang sampal na naman ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang, hindi iyong pagka-dada ni Tiya Marcela na kailangan ko nang magbihis dahil magtitinda pa ako.

     Diary, ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang mali sa pagkakaroon ko ng kaibigan? Wala naman akong ginagawang masama. Mali ba ang mabuhay ako sa mundong 'to? Mali ba ang mabuhay dito? Sa pagkaka-alam ko kasi, diary, hindi mali ang mabuhay dito kun'di ang mali ay ang mga mapanghusgang mga tao.

—Hanna



———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now