LIVING ENTRY #8

182 5 0
                                    

DEAR DIARY,

     “HANNA!” Isang malakas na sigaw ang sumalubong sa akin pagkadating ko sa bahay, diary. Nakita ko silang tatlo na galit na galit ang pagmumukha na naka-upo sa sofa sa sala.

     “Tiya, bakit po?” magalang kong tanong kay Tiya Marcela kahit na alam ko na kung ano ang dahilan ng ikinagalit niya, iginagalit nila.

     “Naubos ba ang mga paninda mo?” Bigla na lang lumiwanag ang mukha ko sa tanong na iyon dahil naaalala ko na naman ang nangyari kanina. Iyong pagtulong ni Kuyang Kulot kaya hindi ko napigilang maikwento kay Tiya Marcela iyon.

     “Opo, Tiya! Mabuti na lang po at may tumulong sa akin kanina kaya mabilis na naubos ang paninda na pinadala ninyo, at dahil po sa kanya ay nakapasok po ako sa iskwelahan kanina.”

     “Hindi ko tinatanong kung may tumulong ba sa iyo kanina o wala, at wala din akong pakialam doon. Oh, asan na ang benta?” sabi ni Tiya Marcela, diary. Kaya dali-dali kong hinalungkat ang bag ko saka binuksan ang sikretong lagayan nito. Pagkakuha ko sa pera ay binigay ko na ito kay Tiya Marcela.

     “Ito na po, Tiya.”

     “Aba! Mabuti at buong limang daang piso 'to, mayaman siguro. —Hep! At saan ka pupunta, Hanna? Hindi pa tayo tapos mag-usap,” agaran na sigaw sa 'kin ni Tiya nang makita niya akong akma nang tumalikod sa kanila para makapunta na sa kwarto ko.

     “Ano po ang pag-uusapan natin, Tiya?”

     “Ha! Tinatanong pa ba 'yan, Hanna? P*tangina ka, bakit mo tinawag na kuya si Kuya Aldrin kanina sa harap ng mga kaklase natin? Lalong-lalo na kay Mia?!” nanggigigil na sigaw sa akin ng isang anak ni Tiya Marcela. Ang kanyang unica hija na si Edrilyn.

     “H-hindi ko naman 'yon sinasadya, Edrilyn. Nabigla lang ako kanina dahil gusto kong humingi ng tulong dahil sa sakit ng likod ko nang mabagsak ako ng malakas sa sahig,” pagpapaliwanag ko sa kanya.

     “At kay Kuya Aldrin ka pa talaga humingi ng tulong? Sa tingin mo ay tutulungan ka niya sa harap ng mga kaklase natin at sa harap mismo ni Mia? Baliw!” singhal pa ulit nito.

     “Hanna, hindi ba't sinabi ko sa iyo na hindi mo pwedeng tawaging kuya si Aldrin sa iskwelahan o sa labas man ng pamamahay na ito dahil walang pwedeng makaalam na magkamag-anak kayo? Pati na din itong si Edrilyn?” bigla namang sumabat sa 'min si Tiya Marcela.

     “T-tiya, alam ko naman po 'yon. Hindi ko po talaga sinasadya 'yong kanina, maniwala po kayo.”

     “Puro ka na lang hindi sinasadya hindi sinasadya! Tumahimik ka, Hanna! Wala ka talagang kwenta kahit kailan. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko, hindi sana kita kukupkuping h*yop ka. Dahil wala kang kwenta, dahil malas ka!” sigaw nito sa mukha ko. Dinudutdot pa nito nang madiin ang kanyang daliri sa aking sintido. Muntikan pa akong matumba dahil sa pagkabigla sa kanyang ginawa.

     “T-tiya.”

     Mahigpit kasing ipinagbabawal ni Tiya Marcela, diary, na tawagin kong gano'n si Kuya Aldrin at ang mapalapit kay Edrilyn sa loob o labas man ng iskwelahan. Bakit? Dahil 'yon ang gusto nila, diary, na hindi ako kilalaning pamilya dahil kilala ako ng mga tao na isang dukha dahil sa paglalako ko ng mga paninda. Kapag nasa bahay, diary, ay halos wala kaming makain pero kapag nasa iskwelahan, si Edrilyn at Kuya Aldrin ay kilala sa buong campus bilang isa sa mayayaman na istudyante.

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now