LIVING ENTRY #21

159 5 0
                                    

DEAR DIARY,

     Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Nalaman nga nina Edrilyn at Mia ang nangyari kahapon. Kaya kanina, pagdating ko sa iskwelahan ay isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko mula sa pinsan kong si Edrilyn, saka sabunot naman mula kay Mia na kanyang bestfriend. Sobrang nakakahiya at nakakasakit na talaga ang kanilang ginagawa, diary. Nasa plaza pa ng Viwise Academy nila ako kinompronta kaya madaming istudyante ang nakiusyuso.

     Tawanan, insulto, at may ilang nagvi-video sa nangyari, diary. Paniguradong ako na naman ang laman sa page ng Viwise Academy. Paniguradong bagong pangungutya na naman ang aking matatanggap ko mula sa nakararami.

     Puro pasa sa katawan ang abot ko, diary. Nanghihina na ang buong katawan ko, at sumakit na naman ang aking ulo. Mas matinding sakit kaysa noong nakaraan. Kaya habang sinasampal ako ni Edrilyn at sinasabunutan ni Mia ay bigla na lang akong nawalan ng malay dahil sa hindi na nakayanan ng katawan ko ang pagod, kaya nagising ako kanina na puro puti ang aking nakikita. Akala ko nga ay nasa langit na ako. Akala ko makikita at makakasama ko na si Mama habangbuhay.

     Nagbabadya na ngang tumulo ang mga luha ko dahil biglang pumasok sa isipan ko na iniwanan ko na sina Papa, mga Kapatid ko at sina Tiya Marcela. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad kina Papa, hindi pa kami nagkakaayos ng pamilya ko, at ano na lang ang sasabihin nila Tiya Marcela gayong wala na ako. Kaarawan pa man din ngayon ni Edrilyn, walang ibang tutulong kay Tiya sa pagluluto kun'di ako.

     Pero laking gulat ko, diary, nang mapadpad ang paningin ko sa gilid ng aking hinihigaan nang makita ko ang nag-alalang mukha ng taong ito. Nakita ko sa kulay abo nitong mga mata ang sobrang pag-alala. Naging matamlay ang mukha nitong nakatutok sa akin, lalo na no'ng nakita niya akong nagmulat ng mata.

     “B-bakit, Kuya Moi?” Iyan ang unang lumabas sa bibig ko nang mapansing halos hindi na siya gumagalaw sa kanyang p'westo, diary. At mas lalong lumungkot ang mukha niya nang marinig ang aking sinabi.

     “Hanna, kailan pa?” Ako naman ang nagtaka no'ng tanungin niya ako. At nagulat din nang mapagtantong iyon ang unang beses na tinawag niya ako sa una kong pangalan.

     Ang sabi kasi ni Kuya Moi noong panahong nasa kalsada kami, noong nagtitinda ako ng balut na nakatulala na lang sa gilid dahil sa pag-iisip kung ano ang idadahilan ko na naman kay Tiya, noong unang beses na nalaman ko kung ano ang pangalan niya na 'Amber' ang itatawag niya sa akin kailanman at hindi magbabago iyon. Siya at siya lang daw ang tatawag sa akin ng gano'n.

     “Hanggang kailan mo itatago sa akin ang lahat, Hanna? Hanggang kailan mo itatago sa amin ang lahat? Hanna, naman, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Hanggang kailan ka ba magtitiis d'yan sa nararamdaman mo, ha?”

     “A-ano ba ang sinasabi mo, Kuya Moi?”

     “Huwag ka nang magmaang-maangan pa dahil alam ko na, nalaman ko na. Dok Cagas told me earlier that you are sick. That you have a brain tumor cancer, and at the same time you are over fatigue. At kaya ka nawalan ng malay kanina habang sinasaktan ka nila Edrilyn at Mia ay dahil hindi na nakayanan ng buong katawan mo, because you are so stress too. A-amber, kailan pa? K-kailan pa ito nangyari?” Basag ang boses niyang sabi, diary. At tila isang napakalakas na sampal ang natamo ko nang ibinunyag niya ang sikretong ilang buwan ko na ring tinatago.

     Oo, diary, tama ang narinig mo mula kay Kuya Moi. I have a brain tumor cancer kaya laging sumasakit ang ulo ko, at kaya din laging dumudugo ang aking ilong at nagdudura na may kasamang dugo dahil sa over fatigue.

     Noong nagpa-check up ako no'ng nakaraan, diary, doon ko pa lang nalaman ang dahilan kung bakit madalas sumasakit ang aking ulo. Habang itong over fatigue na naman ay hindi na ipagtataka dahil sa lagi akong pagod sa kakatrabaho. Buong buhay ko ibinuhos ko sa pagtatrabaho para lang makatulong sa Tiya ko. May nireseta ang doktor sa akin pero hindi ko naman naiinom dahil wala akong pera na pangbili nito.

     Nang malaman kong may tumor ako ay halos manlumo ako. Wala akong ibang gusto kun'di ang mabuhay nang payapa sa mundong ito, diary, at makatulong sa pamilyang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay dito. Pero ito ang natanggap ko. Kaya buong puso ko na lang itong tatanggapin dahil wala akong laban sa nagpahiram ng buhay sa akin. Nagpapasalamat na lang ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataong mabuhay at masilayan ang ginawa niyang mundo.

     Diary, kung saka-sakali man. Pakibantayan na lang ang mga taong mahal ko sa mundong ito.

—Hanna

———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now