LIVING ENTRY #10

176 4 0
                                    

DEAR DIARY,

     Nang gabing 'yon ay masaya kaming nagku-kwentuhan ni Kuyang Kulot, or should I say Kuya Moi. Isang taon pala ang tanda niya sa akin, diary, sakto pala na tinatawag ko siyang kuya. Hindi naman siya nagalit, diary, no'ng tinawag ko siya ng gano'n. Ang sinabi pa nga niya sa akin ay okay lang basta ako ang tatawag no'n sa kanya. At tama nga din ang hinala ko, diary, mayaman nga talaga si Kuya Moi. Naikwento niya sa akin noong huli naming pagkikita. Pero ang sabi niya ay iyong pera daw na kanyang ginamit pangtulong sa ibang tao ay galing mismo sa bulsa niya, hindi galing sa kanyang Mama at Papa. I ask him kung saan naman siya nakakakuha ng pera, ang sabi naman niya ay pinaghirapan niya itong pagtrabahuan sa isang Resto kaya nakapag-ipon siya nang ganoong kalaking pera.

     Noong makumpirma ko mula kay Kuya Moi na mayaman sila ay medyo nailang ako nang kaunti sa kanya. Paano ba naman kasi, e, isa siyang mayaman at ako naman itong dukha. Bakit pa lalapit sa akin 'yong mayamang kulot na iyon sa isang dukhang katulad ko. For my 19 years of existence, ngayon lang nangyari sa akin ito, diary. Na may lumalapit sa akin na hindi hinuhusgahan ang estado ng aking buhay. He even said at me that if it is okay na pwede ba daw kaming maging magkaibigan. Kung sa iba pa kasi 'yon, diary, ay pinangdidirian pa ako. He is so lovely, diary. Nagpapasalamat ako nang sobra sa kanya dahil sa ginawa niya, lalong-lalo na sa sinabi niyang pwede ba kaming maging magkaibigan.

     Sabado ngayon, diary, alas k'watro ako nagising upang maaga ako sa aking pagtitinda. Kung sa weekdays ay nagtitinda ako ng balut tuwing gabi, sa weekends naman ay nagtitinda ako ng basahan buong araw. Ganyan talaga ang buhay, diary, parang life. Kailangan talagang magtrabaho kahit pagod na pagod na para may laman ang iyong tiyan araw-araw, upang madugtungan pa ang ating buhay sa mundong ito.

     Mga alas sais ng umaga akong umalis ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga tao sa bahay dahil si Tiya Marcela ay pumuntang palengke, ang dalawa naman nitong anak ay pawang mga tulog pa. Paniguradong alas nuebe na naman ang gising ng mga iyon, lalong-lalo na si Edrilyn na sobrang napaka-tamad na kulang na lang ay magpasubo na kay Tiya Marcela sa pagkain. Kaya nilisan ko na lang ang bahay nang tahimik, ayaw kong mabulabog pa sila baka ibang eksena na naman ang mangyari ngayong araw.

     At parang sinuswerte ako ngayong araw, diary. Akalain mo 'yon, wala pang isang oras ang pagtitinda ko ay naubos na lahat ang mga basahang bitbit ko na halos umabot ng tatlong-daan ang bilang. Kadalasan kasi ay umaabot pa ako ng alas singko ng hapon, pero hindi pa rin ito nauubos. Kaya may ngiti na nakapaskil sa aking mga labi nang naglakad ako pauwi sa bahay.

     “Tiya Marcela!” sigaw ko dito nang makapasok ako sa bahay.

     “Ano ba naman 'yan, Hanna! Sigaw nang sigaw hindi naman ako bingi,” singhal nito pagkalabas niya galing sa kusina. Pero binaliwala ko lang ang pagsinghal niya sa akin saka tuwang-tuwa kong binigay sa kanya ang benta ng mga basahan.

     “Tiya, wala pang isang oras ay naubos ko na ang lahat ng basahan. Malakas po ang benta ngayon, Tiya, kaya nakauwi po ako kaagad dito,” tuwang-tuwang usal ko sa kanya, diary. Lumiwanag naman ang mukha ni Tiya Marcela. Ngayon ko lang nakita na masaya ang kanyang mukha nang malaman niyang naubos kaagad ang paninda ko at malakas ang benta. Sana, sana ay magtuloy-tuloy lang itong malakas ang benta ng aming mga paninda, upang araw-araw kong makikita ang mukha ni Tiya Marcela na masaya.

     “Hala sige! Tulungan mo akong magluto ng agahan, Hanna, at sasamahan kitang magtinda mamaya pagkatapos nating kumain. Alas otso pa naman, sayang ang oras kung hihilata lang tayo dito buong araw.”

     “Opo, Tiya.”

     Malaki ang ngiti na ipinakita ko sa kanya. At mas lalo pa itong lumaki nang makita kong pasimple ding ngumiti si Tiya Marcela. Diary, is this real? Totoo ba itong nakikita ko? Ang laging highblood na tiyahin ko ay ngumiti sa harapan ko mismo? How I wish, diary, na ganito na lang lagi. Na laging nakangiti. Walang iyakan at sakitan ang namumutawi.

—Hanna

———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now