LIVING ENTRY #23

168 5 0
                                    

DEAR DIARY,

     Gaya nga ng sinabi ko kanina, ito na ang pinakamasamang kaarawan na natanggap ko. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko, diary. Sobrang sakit na. Ang sakit sakit na, diary. Hindi ko matanggap ang bagay na nangyari ngayon mismo, ngayon mismo sa harapan ko.

     Saktong alas singko y medya dumating si Kuya Moi sa k'warto ko dito sa hospital. Nginitian pa ako nito nang bongga ng makitang gising ako saka lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko gamit ang kanan niyang kamay. Tinanong pa ako nito kung kamusta ako, at sinagot ko lamang siya nang pilit na ngiti. Alam kong alam ni Kuya Moi kung ano ang kalagayan ko, kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Siguro tinatanong lang niya iyon para malaman kung medyo okay na ba ang pakiramdam ko.

     Sumimangot siya saglit nang makita niyang pilit lang akong ngumiti. Sabi pa niya, “Okay lang 'yan, Amber. As long as that I am here, you will never hurt again. I will protect you. I will help you. And I will always love you. Remember that.” Saka ulit siya lumapit sa akin at hinalikan ang sintido at noo ko. Naiyak na naman ako nang dahil sa sinabi niya, diary. Siya lang. Siya lang talaga ang nag-iisang taong pinapahalagahan ako nang sobra. At mas lalo pa akong naiyak ng yakapin niya ako nang mahigpit pagkatapos niya iyong sabihin. Pagkakalas niya sa yakap naming dalawa, saka niya hinawakan ang pisnge ko at sinabi ang katagang, “Happy 20th Birthday, Amber!”

     Diary, akala ko ay mababawi ko ang sinabi ko kanina na ito na ang pinakamasamang kaarawan na natanggap ko dahil sa pagbati ni Kuya Moi sa akin. Pero hindi, diary, eh, mas lalo pang naging masama ang kaarawan kong ito nang mangyari ang hindi ko inaasahang mangyari, ang hindi inaasahan nang lahat na mangyari.

     Alas singko k'warenta ng hapon ay nagpaalam si Kuya Moi sa doktor kong si Mrs. Cagas na kung pwede ay lumabas muna kami dahil may ipapakita siya sa aking importante. At laking tuwa naman niya nang payagan siya nito.

     Alas singko kwarenta y singko pinagbihis niya ako dahil ang dugyot ko na raw tingnan, nagpasama pa ako ng nurse sa loob ng banyo dahil nahihirapan akong magbihis lalo na't may nakakabit sa kamay ko.

     Alas singko singkwenta y singko nang makalabas na kami sa hospital. May dala pa kaming stroller dahil sa lagayan ng dextrose ko. Hindi na nila pinatanggal pa dahil kailangan daw ito ng katawan ko. Okay lang din kay Kuya Moi dahil nasa kabilang kalye lang naman daw ang ipapakita niya sa akin.

     Papatawid na kami ng kalsada nang may sasakyang humarurot ng takbo. Nasa kalagitnaan na kami ni Kuya Moi sa pedestrian lane. Alam naman nilang naka-stop na iyong light para sa mga nakasasakyan, pero bakit gano'n? Bakit hindi itinigil ng nagmaneho no'ng sasakyan na 'yon kahit na alam naman nang lahat na may tumatawid, diary? Bakit gano'n ang ibang tao? B-bakit?

     Mabilis ang pangyayari, diary, na halos parang isang kidlat ito. Itinulak ako ni Kuya Moi para hindi ako mapuruhan. Napadapa ako sa kalsada kasama ang stroller ng dextrose kong natanggal na sa pagkatusok sa kamay ko. Nagsigawan ang mga tao nang marinig ang dalawang bagay na nagsalpukan. Nakaligtas ako sa binggit ng kamatayan,diary. P-pero si Kuya Moi?

     Diary, hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na wala na siya, diary. Niligtas niya ako kapalit ng buhay niya.

     Pagkakitang-pagkakita ko sa nangyari kanina, diary, pumasok bigla ang mga ala-alang hindi ko kayang kalimutan. Ang ala-alang paano ako umiyak at yumakap sa aking pinakamamahal na Ina na wala nang buhay.

     Gumapang ako papunta sa kinaroruonan ni Kuya Moi, diary. Nakadapa ito sa kalsada, puno ng dugo ang buong katawan. Halos hindi ko na siya makilala sa kanyang itsura, diary, durog pa ang kaliwa nitong katawan. Wala na, wala na itong hininga nang makalapit ako sa kanya. Diary, sobrang sakit. Ang sakit sakit, diary. Hindi ko matanggap, hindi ko matanggap na ang taong mabait at marunong magpahalaga sa kapwa ay siya pang nawala.

     At sa pangalawang pagkakataon, sinabi kong muli sa sarili ko ang katagang ‘Wala akong pakialam kung ano man ang itsura ngayon ng kanyang katawan. Durog man ito o buo, amoy dugo man ito o pabango, malinis man ang damit o puno ng dugo. Basta ang importante sa akin ay mayakap ko ang taong mahal ko sa huling sandali.’

     Kuya Moi, akala ko ba walang iwanan?

     Kuya Moi, bakit?

     Kuya Moi, paano na ako ngayon kung wala ka na sa tabi ko?

     Kuya Moi, bumalik ka na . . . please?

     Kuya Moi, gisingin mo na ako sa bangungot na ito.

     Kuya Moi . . . maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin. Maraming salamat sa pagmamahal. Maraming salamat dahil sa 'yo naramdaman ko kung paano magmahal, kung paano minahal at kung paano pinahalagahan.

     Kuya Moi, hintayin mo ako diyan, ah? Malapit na din akong sumunod sa iyo. Alam mo namang may taning na ang buhay ko. Diyan siguro ay magiging masaya na ako, tayo.

     Kuya Moi, mahal na mahal kita hindi lang bilang kaibigan o kuya kun'di mahal kita bilang ikaw, bilang isang Moumin Grae Cosain.

—Hanna

———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now