LIVING ENTRY #7

180 4 0
                                    

DEAR DIARY,

    “Pass your papers! 1---2---3---Miss Kinley, I said pass your paper!” I immediately passed my one-fourth sheet of paper kahit na kaunti lang aking nasagutan, diary. No'ng pagpasok ko kanina ay halos mangalahati na sila sa exam. Mabuti na lang at may naabutan pa ako, dahil kung hindi ay lagot na naman ako kay Tiya kapag nalaman niyang bagsak ang mga grado ko.

     Nagkanya-kanyang tayo at labasan sa classroom ang mga kaklase ko pagkatapos kaming i-dismiss ni Mrs. Sandoval. Samantalang ako ay naiwan sa tahimik na silid habang nakaupo sa pinakasulok na upuan.

     Mas mabuti na dito na lang ako, diary. Fifteen minutes lang naman ang break time, saka hindi pa naman ako nagugutom dahil madami ang kinain kong biko kaninang umaga pagkatapos naming magluto ni Tiya Marcela. 'Yon ang kadalasan naming pang-umagahan, diary, kapag nagtitinda kami ng kakanin dahil wala kaming sapat na pera para pambili ng bigas at ulam.

     Sobrang tahimik ng silid, diary, sinasabayan pa ng katamtamang laming nang simoy ng hangin mula sa paligid. Tumingin ako sa labas. At dahil nasa tabi ako ng bintana at nakatapat pa sa parteng likuran ng skwelahan ay nakikita ko ang ilang mga ibon na nagliliparan, mga punong taimtim na nagsasayawan, mga patay na dahon na unti-unting nahuhulog sa kulay berdeng mga damo, at ilang mga istudyanteng kumakain at naglalaro sa parteng iyon.

     Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko nang makita ko silang masayang tinitingnan ang paligid at masayang nakikipag-kwentuhan sa isa't isa, diary. Dahil minsan ko na ring pinangarap na sana, sana ay ganyan na lang lahat. 'Yong tipong, buong araw ay tawa lang ang inyong ginagawa dahil sa tuwa na makita ang isa't isa, hindi 'yong puro iyak ang iyong mararamdaman araw-araw. 'Yong tipong, alam mong may nagmamahal at nagpapahalaga sa iyong presensya, hindi 'yong puro pangungutya. 'Yong tipong, ramdam mong hindi ka nag-iisa. Diary, sana may magmamahal at magpapahalaga din sa isang Hanna Amber Kinley na walang ibang ginawa kun'di ang mag-aral at mag-trabaho nang husto para mabuhay ang sarili.

     Gamit ang dalawang kamay, dali-dali kong pinunasan ang aking munting luha nang makarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok mula sa labas ng classroom namin. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta doon. Sa pagbukas ko ng pinto ay isang papel na naman ang nadatnan ko, diary, na nasa sementadong sahig. Pero hindi na ito katulad kahapon na gusot-gusot na papel. Ang sa ngayon kasi ay malinis na ito. Actually, diary, ito'y isang sticky note, butterfly ang desinyo nito at kulay dilaw pa.

     I look around para masigurong hindi na naman ito pakana ni Mia. Walang tao sa buong hallway, diary, kun'di ako lang. At sa tingin ko ay para sa akin nga talaga ang note na nakasulat sa papel na nasa sahig. ‘SMILE’ ang nakasulat dito nang pulitin at mabasa ko ito. But I'm curious, diary. Kanino kaya ito galing? Wala naman akong kaibigan sa loob at labas ng iskwelahan? Napakaganda pa ng pagkakasulat nito. Imposible namang galing ito kay Mia o kay Edrilyn na bestfriend niya? Sila ang dahilan kung bakit halos araw-araw na namumugto ang aking mga mata tapos sasabihin nilang ngumiti ako? Kanino nga kaya ito galing, diary?

     Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na ang bell, senyales na tapos na ang breaktime at magsisimula na ang susunod na klase. At dahil sa kakaisip ko kung kanino galing itong papel ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang iba kong mga kaklase, at dahil hindi ako nakatabi sa gilid at nakaharang ako sa pintuan, wala akong alin-langang binangga ng mga ito. Kaya ang resulta ay bumagsak ako sa sahig nang sobrang lakas, kasabay na din sa malakas nilang halakhak.

     Tatayo na sana ako, diary, ngunit bumagsak lang ako ulit. Tumingala ako para malaman kung sino ang tumulak sa 'kin para ako ay bumagsak ulit. At heto nga, si Mia at Edrilyn, kasama pa nila si Kuya Aldrin na nasa bandang likuran nilang dalawa. Tiningnan lang ako nito na walang bahid na kahit kaunting emosyon sa kanyang mukha nang makita niya akong nagkaganito ang itsura.

     “Lampa!” ani pa Mia.

     “K-kuya,” sambit ko dito na naging dahilan upang manlaki ang mata nilang tatlo, pati na din sa ibang studyanteng naki-usyoso. PATAY.

     “Wait, kuya? Bakit tinawag mong kuya itong future boyfriend ko, Hanna Poorita? Ha?!” nanlaki ang mata ni Mia nang itanong niya sa 'kin iyon, diary. Halos manlumo ako sa kanyang tanong, pati na din sa nabitawan kong salita. Paniguradong lagot na naman ako neto pagka-uwi ko mamaya.

     “Hey, Poorita! Sumagot ka, tinatanong kita!” Paulit-ulit na nagsisigaw si Mia para masagot ko ang katanungan niya pero kahit ni isang salita ay wala siyang narinig mula sa akin. Ayoko, ayaw kong magsalita, ayaw kong madagdagan ang pagkakamali kong pagtawag ng kuya kay Kuya Aldrin sa harapan ni Mia at sa iba pang mga istudyante dito.

     Diary, please tulungan mo ako. Pakiusap! Masakit pa ang tagiliran ko, hindi pa kaya ng katawan ko para sa panibagong kurot ni Tiya. Diary, ano na ang gagawin ko?

—Hanna

———
Thank you for reading!
@Un_iiink

Living With Nothing | Published Under Ukiyoto Publishing HouseWhere stories live. Discover now