Ikalabing-anim na Kabanata

427 18 5
                                    

"Buntis ako!" sagot ni Joyce.

Sobrang nagulat ako sa naging pahayag sa akin ni Joyce. Mas masaklap pa itong inamin niya sa akin kaysa sa inaasahan ko. Akala ko, kaya siya nag-eemo dahil break na sila ni Glenn pero hindi pala. Nagdadalang-tao pala siya. Juice colored! Napakabigat na problema pala ang hinaharap ng best friend ko ngayon at wala man lang akong magawa para sa kanya.

Niyakap ko lang nang sobrang higpit si Joyce sa pagkakataong iyon. Wala akong magawang iba kungdi ang iparamdam sa kanya na nandito lang ako, iparamdam na hindi ko siya iiwan. Na handa akong tumulong at dumamay sa kanya sa abot ng aking makakaya.

"Alam niya ba ito?" tanong ko kay Joyce makalipas ang ilang minutong yakapan namin.

Tumango siya.

"Kaya ba hindi na rin siya nagpapakita?" tanong ko pa.

Tumango uli si Joyce pero ngayon ay may kasama ng malakas na iyak. Niyakap ko siyang muli. Well, medyo tama rin naman pala ang hinala ko kasi parang break na rin sila dahil nawala na nga na parang bula si Glenn. Mas masaklap nga lang ito kaysa sa hinala ko. Bakit? Kasi nga may nabuo. Haaay! Boys will be boys. Remember that.

"Pa'no na ako, Bes?" tanong ni Joyce sa akin.

"Anong pa'no ka na? Hello?! Nandito pa ako, nandito pa si Derick, nandito pa si Ethan, sila Gelo at Carl. Tutulungan ka namin. Para saan pa't naging magkakaibigan tayo kung hindi tayo magtutulungan, 'di ba?" sabi ko.

Yeah! Tama. Dapat maging matatag ako para sa kaibigan ko. Paano ko siya matutulungan at saan siya huhugot ng lakas kung magiging mahina din ako, hindi ba?

"No! I mean, pa'no itong baby ko? Ayaw kong lumaki siya na walang kikilalaning daddy!" umiiyak na sabi ni Joyce.

Nang sandaling iyon ay huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita.

"Bes, 'wag nating tignan ang mga pangyayaring wala na tayong pwedeng gawin. Ang dapat nating pagmasdan ay ang mga bagay kung saan ay may magagawa pa tayo. Ikaw ang nagsabi sa 'kin na 'wag dapat nating aksayahin ang oras natin sa mga bagay na nagpapahirap sa 'tin, dapat ilaan natin ang ating oras sa mga bagay na kung saan ay pwede tayong maging masaya. At iyon ang dapat nating gawin. Hindi natin hawak ang kasagutan kung babalik pa ba si Glenn o hindi na. Pero pwede nating pagtulung-tulungang palakihin nang maayos 'yang bata sa sinapupunan mo. At magagawa lang natin iyon kung sisimulan mong ayusin ang sarili mo, kung sisimulan mong ayusin ang buhay mo ngayon!" mahabang paliwanag ko.

Wala nang sinabi pa si Joyce at umiyak na lang siya nang umiyak.

"Sige, Bes. Ngayon, hahayaan kitang umiyak nang umiyak but tomorrow, I won't let you. Dapat bukas simulan at tanggapin mo na ang malaking pagbabago sa buhay mo," sabi ko tapos niyakap ko siya.

Alam kong dapat ngayon sy ubusin na niya ang lahat ng iluluha niya. Alam kong dapat lang siyang umiyak nang umiyak para malawa 'yung sakit kahit papaano. Pero sa mga susunod na araw, dapat mas maging mature na siya. Masaklap man pero hindi na siya bata ngayon, at iyon ang katotohanang dapat niyang tanggapin sa sarili niya.

Dalawang buwan ang lumipas. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay naging masaya ako. Unang dahilan nito ay hindi ko na masyadong nakikita si Ethan. Kung hindi ako nagkakamali, dalawang beses palang yata nag-krus ang landas namin ni Ethan sa loob ng two months. Dahil dito ay hindi ko na siya madalas maisip. Kung dati ay minu-minuto ko siyang naiisip, ngayon ay gabi-gabi na lang. Ewan ko ba kung bakit baliw ako sa kanya. Yeah! Kung dati ay baliw na baliw ako kay Ethan, ngayon baliw na lang. Hahaha!

Hindi na rin ako ginugulo ni Lily. Siguro, naambunan siya ng kaunting kabutihang mula sa langit kaya hindi na niya ako pinagmamalditahan. Ewan ko lang kung sa iba ay nagmamaldita pa rin siya. Sana rin, hindi na siya malandi. SANA!

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon