Medyo dismayado pa rin ako dahil hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yung nangyaring kiss sa pagitan namin ni Ethan. Sa sobrang inis ko nga ay nai-text ko pa kay Joyce ang buong pangyayari. Gusto ninyo bang malaman kung anong mala-nobelang panemermon na naman ang nireply ng best friend ko? Alright. I'll show you.
From: Joyce
Bes, walang perpektong relasyon. Maybe in fairytales there is but, sa totoong buhay ay wala. Kahit nga parents natin nagkakaroon ng misunderstanding, eh. Ang importante ay kasama mo ang mahal mo. Just be thankful na mag-on na kayo at one month na kayo. Huwag mo nang asamin ang laging masayang pagsasama dahil walang ganun. Even twins have their own differences, mag-boyfriend and girlfriend pa kaya? Unawaan lang dapat. You need to be very broadminded para hindi mawala ang mahal mo. Gets?!Agree ba kayo sa mga ipinayo sa akin ng best friend ko? Ako? I don't know. Pero dahil halata sa mga sinabi niya na gusto niyang maging masaya para sa relasyon namin ni Ethan ay gusto kong maniwala at sundin ang mga ipinayo niya. Nag-isip na din ako ng maraming beses at na-realize kong bakit hindi na nga lang ako magpasalamat gayong nasa akin na ang lalaking buong buhay kong inaasam? At bakit ko nga ba siya hinahanapan ng mga bagay na hindi niya kayang ibigay? Kung hindi niya kayang ibigay, edi ako ang magbibigay.
Another day has come. At sasamahan ko ng isang pagbabago ang araw na ito. Starting today ay magiging caring, super lambing at super sweet na ako kay Ethan.
Nagpatulong ako kay Ate Len magluto ng magiging lunch namin ni Ethan mamaya. Nag-research pa ang ako recipe para maging unique ang dish na ito. Nang matapos kaming magluto ay umalis na ako dahil baka malate pa ako sa klase ko. Pero inasar ako ni Ate Len at ang sabi niya ay hindi naman daw totoong male-late na ako dahil sobrang aga pa para pumasok ako. Excited lang daw ako kaya nagmadali akong umalis. Psh! Ang yaya ko talaga. Tsismosa't intrigera.
Sa loob ng klase ay walang anumang kaalaman ang pumapasok sa isipan ko. Iniisip ko kasi lahat ng pwede kong gawin para maging masaya kami ni Ethan sa pagkain namin ng lunch nang sabay. Panay nga ang tingin ko sa orasan, eh. Argh! Parang ang bagal talagang tumakbo ng orasan kapag nasa classroom tayo, 'no?
Lumipas ang dalawang oras ng klase namin kaya heto, tuwang-tuwa na naman ang malandi kong puso. Syempre, masaya ako kasi lunch break na. All I just have to do is to look for my boyfriend and then proceed to my sweet plan for us.
Nagpunta ako sa classroom nila Ethan pero ang masama nito ay wala siya doon. Nagpunta rin ako sa gymnasium ng school at sa Food Point but still, wala pa rin siya sa mga lugar na iyon. Pumunta ako headquarters ng campus journalists and luckily, I found Ethan there talking with his friend Joven. Tinawag ko siya kaya napalingon siya sa akin tapos ay agad siyang lumapit.
Pagkalapit niya ay ngumiti siya sa akin saka siya nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Ahh.. Pwede ba tayong sabay kumain ng lunch?" tanong ko din.
"Ah-eh, hindi kasi ako pwede today. Tatapusin pa namin ni Joven 'yung documentary video namin. I'm sorry!" sagot niya.
"Ahh, ganun ba? Sige, iiwan ko na lang itong lunch na ginawa ko para sa 'yo," sabi ko habang inaabot 'yung isang baunan na kinuha ko sa paper bag.
"Wow! Ang sweet mo naman. Salamat," sagot niya na may kasamang matamis na ngiti. "Sige, balik na ako sa loob. Thank you again," sabi niya tapos ay bumalik na siya sa pakikipag-usap kay Joven matapos ko siyang tanguan.
Naglakad na rin ako paalis sa puntong iyon. Well, kahit na hindi natuloy ang plano kong sabay kaming mag-lunch ay masaya pa rin ako. Ngitian ba naman ako ni Ethan at pasalamatan, eh. Solve na ako doon.
Umupo ako sa bench na nadaan ko at dito ko na rin binalak kainin ang lunch ko. Nang bubuksan ko na ang baunan ko ay biglang napukaw ang atensyon ko ng dalawang taong naglalampungan, ay este nagmamahalan sa harapan ko. Medyo malayo naman sila sa akin at saka nakatalikod sila kaya hindi nila mapapansing nakatingin at naiinggit ako sa kanila.
The boy kissed the girl in her forehead then he said, "I love you baby ko!"
Then, the girl hugged the boy so sweet and so tight then the girl answered back, "I love you, too baby ko!"
Matapos kong marinig ang conversation nila ay bigla-bigla na lang pumasok sa isipan ko na bakit nga pala wala kaming terms of endearment ni Ethan? Kaya ayun, napaisip ako.
Wala akong maisip na iba kaya ginaya ko na lang ang endearment dati nila Ate Zareah pati ng boyfriend niya. "Ney" short term ng "Honey."
Nang mapagdesisyunan ko nang iyon na ang magiging tawagan namin ni Ethan ay agad ko siyang tinext.
From: Angel
Huwag kang magpapalipas ng gutom. I love you, ney!Wala pang isang minuto nang mag-reply siya.
From: Ethan
Ney? That's nice.Nang mabasa ko ang reply niya ang bigla akong nalungkot at biglang pumasok ang tanong na ito sa isipan ko.
"Tama bang ganun ang reply niya? Parang ang ironic yata ng dating?"
Ewan! Ano na naman ba itong iniisip ko. Haaay! Ikakain ko na nga lang ito. Baka nagugutuman lang ako.
Nang buklatin ko ang paper bag ko ay napansin kong dalawa pa rin ang kutsara at tinidor sa loob ng paper bag ko. Ibig sabihin, hindi ko pala nabigyan ng kutsara at tinidor ang boyfriend ko. OMG! Ang tanga ko talaga. Psh!
Dahil doon ay isinara ko ulit ang lunch ko at inilagay ito sa paper bag saka ako nagmadaling bumalik sa headquarters ng campus journalists. Argh! Hindi na matuluy-tuloy itong pagkain ko nang dahil sa katangahan ko. Ugh!
Pagbalik ko sa headquaters ay dumiretso na ako sa loob dahil naisip kong baka nagugutom na si Ethan. Pero pagpasok ko ay wala na si Ethan sa loob at ang nandoon lang na kilala ko ay si Joven kaya nilapitan ko siya.
"Joven, pasensiya ka na sa istorbo pero pwede bang itanong kung nasaan si Ethan?" sabi ko kasi kumakain si Joven nang lapitan ko.
"Ahh, si Ethan. Nasa headquarters siya ng dance club para panoorin ang performance ni Lily. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?" sabi naman ni Joven.
Sobra akong nabigla sa sinabi ni Joven. Hindi ko alam. Parang huminto saglit ang mundo ko. Natauhan lang uli nang magsalita si Joven.
"Huy? Okay ka lang ba, Angel?" tanong niya.
"Ha? Oo. Okay lang ako!" sabi ko tapos bigla akong napatingin sa kinakain ni Joven.
Pamilyar sa akin ang pagkain na iyon, ha? Pati 'yung hugis at kulay ng baunan. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang pagkain at baunan na iyon ay ibinigay ko kay Ethan kanina. Ibig sabihin... Teka, parang may mali sa mga nangyayari.
"Joven, pwedeng magtanong ulit ako sa 'yo?" tanong ko.
"Oo naman! Basta ikaw!" pabiro niyang sagot.
"May documentary video ba kayong ginagawa ni Ethan?" siryoso kong tanong kay Joven.
"Huh? Documentary video? Eh wala namang prof ang nagpapagawa sa amin ng ganun, eh!" sagot ni Joven.
Nang marinig ko ang sagot ni Joven ay dali-dali akong lumabas. Parang pakiramdam ko, anytime pwedeng sumabog ang katawan ko dala ng matinding galit at inis. Hindi man sabihin ni Ethan pero isa lang ang alam ko, nagsisinungaling siya sa akin.
*****
Tumblr post by: AngelOnTheBlog
"Ang tiwala ng tao ay parang pambura. Unti-unting lumiliit sa tuwing magkakamali ka."
#DontLie #TiwalaNaNawala #Trust
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Roman d'amourSino sa kanila ang pipiliin mo? Ang taong minamahal ka, o ang taong minamahal mo? 2014 © Eson Vitug Created: 10/21/14 - 05/12/15 http://www.facebook.com/esonvitug http://www.twitter.com/esonvitug http://www.instagram.com/esonvitug Do not judge this...