Ikalabindalawang Kabanata

381 17 0
                                    

Photo Feed: Meet Joyce

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photo Feed: Meet Joyce

*****

Masyadong naging masakit sa akin ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Ethan. Hindi ko na siya nakausap pa matapos ang tagpong iyon. Ngunit aaminin kong updated pa rin ako sa mga nangyayari sa kanya dahil syempre sa tulong ng best friend kong si Joyce. Alam ni Joyce na ang damdamin ko ay sensitibo sa mga usaping patungkol kay Ethan kaya pahapyaw lang siya kung magkuwento. O hindi kaya ay magku-kuwento lang siya kapag ako ang unang nagtanong ng mga bagay tungkol kay Ethan.

Tanga na kung tanga pero hindi ko alam kung bakit hindi magawa ng puso ko ang magalit kay Ethan sa kabila ng mga nangyari. Oo, nasasabihan ko siya sa isipan ko ng mga masasakit na salita subalit hindi iyon nagtatagal. Sandali lang ang lilipas at huhupa rin ang galit at inis ko sa kanya. Ano ba kasing klase ng puso ang mayroon ako? Nakakainis!

Dahil din sa nangyari ay nawalan ako ng ganang makipag-usap sa mga tao. Nililibang ko lamang ang sarili ko gamit ang Tumblr account ko at tinuon ko na lamang ang sarili ko sa aking pag-aaral. Mabuti na lang din at hindi na makulit si Gelo. Kapag ayaw ko siyang kausapin ay sumusunod naman siya. Sa sandaling magbigay ako ng senyales o sa tuwing mapapansin niyang asiwa ako ay lalayo na siya at hindi na niya ako kukulitin pa. Wala kasi talaga akong gustong kausaping iba kung hindi ang mga best friend ko lang na sina Joyce at Derick. Kung kumausap man ako ng ibang tao ay saglitan lang.

Sa kabutihang palad ay hindi pa muling nagku-krus ang landas namin ni Lily nitong mga nakaraang araw. Lagi na kasi akong lumalabas ng campus tuwing vacant time ko. At saka nakakauwi na rin agad ako kapag class dismissal na dahil nagpapahatid-sundo na ako sa driver namin. Huwag lang talagang magkakamaling magpakita sa akin iyang Lily na iyan dahil kung hindi, kakalbuhin ko talaga siya nang buhay. Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga kasinungalingan sinabi niya kay Ethan tungkol sa akin.

Dahil nga sa tinuon ko nang husto ang atensyon ko sa pag-aaral ko this mid-term and finals ay naging President's Lister ako. President's Lister din si Ethan, ibig sabihin ay makukuha niya ang dream car niya mula sa daddy niya. Si Lily? Hindi siya President's Lister. Maski ang pagiging Dean's Lister nga ay hindi niya narating. Paano niya makukuha ang mga ganitong recognition gayong mas makati pa siya sa hadhad at alipunga. Baka nga hindi niya alam kung paano magbukas ng libro. Ngunit sa aking palagay ay hindi naman niya alintana kung may recognition siya o wala dahil ayon kay Joyce ay sobrang masaya raw silang dalawa ni Ethan. Edi sila na masaya. Ako na bitter.

Natapos na ang second semester, ibig sabihin bakasyon na. Para maiba-iba naman ang atmosphere ko ay napag-desisyunan kong umuwi muna sa probinsya namin. Oo, mag-isa lang ako kasi hindi raw puwedeng iwanan ng mommy at daddy ko ang business at work nila kaya ako lang mag-isa ang lumuwas.

Si Ate Zareah na pinsan ko sa mother's side ay ang lagi kong kasama sa tuwing papasyal kami sa may tabing-ilog, aakyat ng bundok, o sa kahit saan. Maihahalintulad ko siya kay Joyce dahil siya ang best buddy ko rito sa probinsya. Laging kami ni Ate Zareah ang magkasama at magka-usap kaya nga nai-kuwento niya sa akin ang nangyari recently sa lovelife niya.

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon