It's been two days simula noong magkasakit si Gelo, and today is the first day of our Finals examination. Makakapasok na kaya ngayon si Gelo? Sana makapasok na siya at sana magaling na siya.
Iniwasan kong isipin muna pansamantala si Gelo at nag-focus akong sagutin ang set of examinations. Finals na ito at hindi dapat ako bumagsak.
After several hours ay natapos din namin ang madugong pagsasagot sa pesteng test papers. Pagkadismiss sa amin ng proctor namin ay agad akong lumabas ng classroom dahil ayon sa reply sa akin ni Carl sa text ay pumasok na daw si Gelo.
Nagmadali akong pumunta sa building ng College of Music para puntahan doon si Gelo. Sakto ang dating ko dahil labasan palang nila. Great!
Ilang minuto lang ang lumipas at namataan na ng mata ko si Gelo. Sa punto ding iyon ay napatingin siya sa akin pero nagulat na lamang ako dahil hindi niya ako pinansin at nilagpasan niya lamang ako.
"Hoy, Gelo! Nandito ako!" sigaw ko.
"Alam ko," cold niyang sinabi paglingon sa akin kaya nagtaka ako.
"Anong meron? Bakit ganyan ka? Bakit parang iniiwasan mo 'ko?" naguguluhan kong tanong.
"Angel, alam mo na ang lahat, 'di ba? Kaya dapat ngayon, iniiwasan mo na ako. Hindi tayo magka-level, Angel. Masyadong malayo ang agwat natin sa isa't isa," sabi ni Gelo.
Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang siya. So, iiwasan niya ako dahil nalaman ko kung saan siya nakatira at nalaman ko ring mahirap siya? Eh, ano naman ngayon sa akin kung mahirap at sa squatters siya nakatira? Hindi ko naman kailangan ng kaibigan na mayaman, eh. Tsh!
Ilang sandali lang ang lumipas at nilapitan ko na siya. Piningot ko ang tenga niya sabay sabing, "Alam mo ang drama mo! Tigilan mo na 'yan, hindi bagay sa 'yo!"
"Angel, siryoso ako!" sagot niya matapos kong bitawan ang tenga niya.
"Bakit ako ba hindi?" mabilis kong sinabi. "Gelo, hindi ko kailangan ng mayamang kaibigan. Ang kailangan ko ay totoong kaibigan," sabi ko pa.
Hinawakan ko siya sa braso nang sandaling iyon at saka ako muling nagsalita.
"Please, sana walang magbago sa atin. Okay?" pakiusap ko.
Ngumiti ako sa kanya. Hindi nagtagal ay ngumiti na din siya. Haaay! Sa wakas, natapos na din itong pag-iinarte niya.
"Sabi mo sa post mo, maarte ako. Eh ikaw pala itong maarte, eh! Maarte na, madrama pa!" pang-aasar ko.
"Binabasa mo pati mga post ko?!" gulat niyang tanong sa akin.
"Don't worry! Binasa ko lang at hindi ko fina-favorite," sabi ko matapos kong magsimulang maglakad.
"Hala! Maduga ka. I-favorite mo naman!" sigaw niya sa akin.
"Ayaw ko! Hindi ko gusto 'yung pinost mo tungkol sa akin," sigaw ko na patuloy pa rin sa paglalakad.
Sa pagkakataong ito ay hinabol na rin niya ako saka siya nagsalita.
"Bakit ayaw mo?" tanong niya.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Kasi hindi English 'yung post mo!" sabi ko sabay tawa.
Haaay! Salamat at bumalik na din sa dati ang lahat. Wala nang drama, wala nang problema.
Lumabas kami ng campus ni Gelo at naglakad-lakad dahil ramdam naming pareho na ayaw pa naming umuwi. Sa hindi kalayuan ay may nakita kaming upuan na nakaharap sa magandang tanawin. Doon ay umupo kami upang magpahinga at magpalipas ng oras.
Matagal-tagal din kaming nakatitig sa tanawin bago kami nagkatinginang dalawa. Ewan ko kung bakit ngunit sa puntong iyon ay unti-unting naglapit ang mukha namin hanggang sa tuluyang magkadikit ang mga labi namin. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang pigilan ang sarili kong mangyari ito. Imbes na itulak ko siya palayo ay nagawa ko pang labanan ang halik niya. Siguro dahil malambot at masarap ang labi niya kaya parang nawala ako sa sarili at tuluyan akong natangay. O siguro, may nararamdaman na yata ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
RomanceSino sa kanila ang pipiliin mo? Ang taong minamahal ka, o ang taong minamahal mo? 2014 © Eson Vitug Created: 10/21/14 - 05/12/15 http://www.facebook.com/esonvitug http://www.twitter.com/esonvitug http://www.instagram.com/esonvitug Do not judge this...