Ikalabinlimang Kabanata

397 17 2
                                    

Ngayong araw ay magkasama kaming tutungo ni Joyce sa Easternwood College upang sabay na ma-enroll. Talagang hindi ako nagtagumpay na tanggihan ang best friend ko kaya ang plano kong lumayo ay napako. Ako ay nagbibihis na sa mga sandaling ito dahil nararamdaman kong sa ilang sandali na lamang ay parating na siya.

Ilang minuto nga lang ang nagdaan nang dumating na si Joyce dito sa bahay para sunduin ako. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin kaming umalis.

Pagkarating namin sa aming paaralan ay pumila agad kami sa dean's office upang humingi ng clearance slip. Pagkakuha ay pinapirmahan namin iyon sa mga naging instructor and professor namin last semester para makuha namin ang classcards namin. Sa kabutihang palad ay natapos namin ang mga dapat naming gawin kaya nagkapag-enroll na rin kami nang matiwasay ni Joyce.

Pagkatapos naming magtiyaga sa pagpila at mag-enroll ay nagsimula na kaming maglakad palabas ng campus. At habang naglalakad kami ni Joyce ay natanaw ko sa hindi kalayuan sina Lily at Ethan na magkasama at walang kasingtamis ang pagtingin sa isa't isa.

"Huwag mo na lang silang tingnan," sabi bigla ni Joyce kaya inalis ko agad ang tingin ko kina Lily at Ethan.

"Wala naman talaga akong balak na tingnan sila. Nagkataon lang na napadpad ang mga mata ko sa kinaroroonan nila," sagot ko tapos ay naglakad na ako kaya naglakad na rin siya.

Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad pauwi ay biglang may tumawag sa pangalan ko kaya natigilan kami ni Joyce. Paglingon ay nakita namin si Gelo na nakaangkas sa motor na minamaneho ni Carl.

"Uy, Gelo. Ikaw pala," sabi ko paglingon.

"Hi, crush!" pagbati naman ni Joyce kay Gelo kaya bumati din ito ng "hi" sa kanya.

Haaay. Ang landi talaga nitong best friend ko. Kung umasta ay akala mo, wala siyang boyfriend.

"Hi, Carl!" pagbati ko naman kay Carl.

"Hi, Angel!" sagot ni Carl.

"Kilala mo 'yung kasama ni Papa Gelo?" gulat na tanong sa akin ni Joyce.

"Yeah, I know him. Pinakilala siya sa akin ni Gelo nang nagkita kami noong nakaraan," sagot ko.

"Nagkikita kayo ni Crush? Nako, bes. Parang iba na 'yan," pang-aasar sa akin ni Joyce kasabay nang pagbunggo niya sa akin ng balikat niya habang kinikilig siya.

Napa-iling na lamang ako sa sinabi niya.

"Galing ba kayo ng school?" tanong sa amin bigla ni Gelo.

"Ah, oo. Nag-enroll kaming dalawa. Ikaw, nakapag-enroll ka na ba?" tanong ko din pabalik.

"Hindi pa. Sa susunod na linggo pa 'ko mag-eenroll kasi sinusulit pa namin ni Carl ang bakasyon. 'Di ba, brad?" sabi ni Gelo.

"Ah, oo. Tama," sagot naman ni Carl.

"Ah, gano'n ba? Oh, siya. Paano ba 'yan? Mauuna na kami," pagpapaalam ko.

"Sige, ingat kayo. Bye-bye!" paalam ni Gelo.

"Bye, Crush! Bye, Carl!" pagpapaalam naman ni Joyce.

"Bye, beautiful ladies," sabi naman ni Carl saka niya pinaandar ang motor na sinasakyan nila samantalang kami naman ni Joyce ay nagpatuloy na ulit sa paglalakad pauwi.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang noong pumasok ako sa paaralang ito tapos ngayon, second year college na ako. Ngunit hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong malungkot dahil alam kong nasa iisang paaralan pa rin kami ng taong mahal ko na pinapahirapan ako nang husto. Sabi ko pa naman sa sarili ko noong bakasyon ay lilipat na ako ng school para maka-move on pero hindi ko nagawa. Ewan ko ba kung bakit mahal ko siya. Dapat nga ayawan ko na siya dahil alam kong hindi niya ako gusto at puro pasakit lang ang idinudulot niya sa akin subalit patuloy ko pa rin siyang minamahal.

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon