Halos matagal-tagal na akong nag-aaral sa paaralang ito at matagal-tagal na rin akong nagkakagusto sa taong hindi ko dapat ibigin. Eh sino ba naman kasing babae ang hindi magkakagusto sa lalaking katulad niya? Gwapo, matalino, mayaman, desenteng magsalita, maginoo, matangkad, napakahusay maglaro ng basketball o sa madaling salita, he is the perfect boyfriend material.
Ethan Ramos, 'yan ang pangalan niya. Unang araw pa lang ng first semester ay madalas ko nang marinig ang pangalan niya sapagkat siya ay sikat at madalas na pag-usapan sa buong campus. Ngunit wala pa akong ideya sa puntong iyon kung sino siya at kung ano ang hitsura niya dahil hindi ko pa siya nakikita at nakikilala. Pero noong dumating ang Philippine Literature class namin nitong ikalawang semester, doon ko na nakita at nakilala kung sino ba siya.
Second year college na siya sa kursong Mass Communication habang ako naman ay first year college pa lang sa kursong Computer Science. Oo, aaminin kong gwapo nga siya at sa hitsura niyang iyon ay hindi ko maitatangging humanga ako sa kanya, like I have this feeling what we commonly call a crush.
Eh bakit ko nga ba sinasabing hindi ko siya dapat ibigin? Ito ay sa kadahilanang sobrang natatakot ako. Ayaw kong masira ang best friendship na mayroon kami nang dahil lang sa letcheng pag-ibig na ito.
Oo, tama ang inyong nabasa. Mag-best friends kami ni Ethan. Paano nangyari iyon? Ganito kasi. Ang katabi ko sa upuan sa Philippine Literature class namin ay si Joyce sa kanan at si Derick naman sa kaliwa. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay best friend ng dalawa kong katabi si Ethan kaya naman naging magkakaibigan kaming apat.
Noong una ay okay pa naman ang pakikitungo ko kay Ethan. Subalit dumating ang isang araw na nagbago ang lahat nang magsimula akong makaramdam ng kakaibang pagtingin sa kanya dahil sa isang panaginip na hindi nagpatulog sa akin at nambulabog nang husto sa puso't isipan ko.
6:27pm na raw noong araw na iyon nang matapos kong gawin ang tungkuling iniutos sa akin ng professor namin sa Algebra. Madilim-dilim na noon kaya naman sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko nang mabilis upang makakauwi na rin ako agad. Talagang naramdaman kong malas ang araw na iyon hindi lamang dahil sa madilim na at mag-isa lang akong uuwi, kung hindi dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan.
Habang ako ay nasa kalagitnaan ng paglalakad pauwi ay bigla na lamang may lalaking tumabi noon at nakisukob sa payong ko. Paglingon ko ay agad kong nakita si Ethan sa tabi ko na basang-basa sa ulan.
"Oh, sa'n ka nang galing at bakit basang-basa ka?" tanong ko sa kanya.
"Eh kasi...," ilang sandali pa siyang nanatiling nakatingin sa daan bago siya tuluyang humarap sa akin, tinitigan niya ako sa aking mga mata at saka muling nagsalita, "hinihintay kasi kitang matapos kanina. Medyo nainip ako kaya nag-ikot-ikot muna ako sa campus. Pero noong bumalik ako sa faculty room kung saan kita inaabangan ay wala ka na. Kaya heto, hinabol kita kahit na wala akong dalang payong at kahit na malakas ang patak ng ulan."
Hah? Tama ba ang narinig ko? Hinihintay niya ako? Ang weird lang. Katulad ng pagngiti niya sa akin ngayon, ang weird.
May isa pa akong napansin. Bakit ganoon? Alam kong gwapo na siya subalit bakit parang mas kumisig siyang tingnan ngayong basa ang buo niyang katawan? Oh my goodness! Ano ba itong sinasabi ko? Bakit ako may ganitong mga saloobin? Erase, erase.
At habang naglalakad kami sa gitna ng napakatinding buhos ng ulan ay bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya napilitan din akong tumigil dahil nasa ilalim lang kami ng iisang payong. Pagtingin ko sa kanya ay saktong paglingon niya rin sa akin. Ilang sandali pa ang nagdaan nang bigla niyang inagaw ang payong mula sa kamay ko at saka niya ito inihagis palayo sa amin. Magtatanong palang sana ako kung bakit niya ginawa iyon ngunit bigla-bigla ko na lamang naramdaman ang mabilis na paglapat ng labi niya sa labi ko. And there you go. We're kissing passionately in the middle of the rain.
At pagkatapos ng wirdong panaginip na iyon, doon na nagsimulang maging miserable ang buhay ko. Doon na ako nagkaroon ng bwisit na first love at doon na rin ako nagsimulang mailang kay Ethan. Sa tuwing nakikita ko siya sa klase at sa kung saan man ay bigla-bigla na lamang akong nakakaramdam ng hiya. Sa tingin ko nga ay nagagawa ko pang dumistansya sa kanya dahil parang hindi ako mapakali at sobrang naaasiwa ako kapag nasa paligid ko lamang siya. At kahit kaming apat na magkakaibigan pa ang magkakasama ay hindi pa rin ako komportable. Bakit kasi sa dinami-rami ng puwede kong ibigin at magustuhan sa mundong ito, bakit sa best friend ko pa?
Ayan tuloy, ang dami ko nang naikuwento sa inyo subalit nakalimutan ko namang ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Angel. Nakakahiya mang aminin ngunit gaya nga ng ikinuwento ko sa inyo ay isa akong hopeless romantic. Bukod doon, isa rin akong certified blogger sa Tumblr. At kanina, may na-reblog akong post na sobrang tinamaan ako.
*****
Tumblr post by: StupidLover
Reblogged by: AngelOnTheBlog"In love ka? Kanino? Sa taong walang gusto sa 'yo? Congrats! Ang tanga mo!"
#Congrats #HopelessRomantic #AngTangaMo
*****
Angel of Mine
Written by EsonVitug
https://www.facebook.com/EsonVitug
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
RomanceSino sa kanila ang pipiliin mo? Ang taong minamahal ka, o ang taong minamahal mo? 2014 © Eson Vitug Created: 10/21/14 - 05/12/15 http://www.facebook.com/esonvitug http://www.twitter.com/esonvitug http://www.instagram.com/esonvitug Do not judge this...