Photo Feed: Meet Gelo
*****
"Bebe girl, gising na. Nasa baba na si Sir Gelo."
Alam kong boses iyon ni Ate Len at naiinis akong ginugulo niya ako mula sa mahimbing kong pagkatulog.
"Bebe girl, wake up na day. Uy!" sabi niyang muli habang niyuyugyog ang buong katawan ko.
"Bakit ba?!" naiirita kong sagot.
"Nandiyan na Sir Gelo. Nakalimot ba nimong mag-alarm?" sabi naman ni Ate Len.
Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay bigla akong natauhan. Tama si Ate Len. Nakalimutan ko na naman ang mag-set ng alarm. Kasabay niyon ay akin ding naalala na sabay nga pala kaming papasok ni Gelo ngayon sa school. Ano bang nangyayari sa akin? Parang nagiging ulyanin na ako nitong mga nakaraang araw?
Mula sa aking kuwarto ay bumaba ako sa bilis ng aking makakaya. Sa aking pagmamadali ay hindi ko na namalayan na pumunta ako sa sala na gulo-gulo ang buhok at nakasuot pa ng damit-pantulog. Nagmadali ako dahil nakahihiya naman kung mag-aayos pa ako at kung paghihintayin ko pa nang mas matagal si Gelo.
Agad namang tumayo si Gelo nang makita niya ako. Tinitigan niya ako nang sandaling iyon na bahagyang natatawa na may halong pagtataka.
"Sorry, Gelo pero nakalimutan kong mag-set ng alarm. So I'll suggest, mauna ka na. Baka ma-late ka pa nang dahil sa 'kin," nahihiya kong sinabi na kakamot-kamot pa sa ulo.
"Hindi. Okay lang. Hihintayin na kita," sabi niya nang nakangiti.
"Baka ma-late ka kung hihintayin mo pa ako?" paalala ko.
"Hindi. Maaga pa naman," mabilis niyang sagot.
"Okay, sige. Bibilisan ko na lang magbihis," saad ko tapos ay mabilis akong umakyat pabalik sa kuwarto ko upang mag-shower at magbihis.
Dahil kaunting minuto na lang ang mayroon ako kaya naman sobrang bilis ko lang na naligo, nag-toothbrush, nagbihis ng uniform, at nagsuklay. Titiyakin ko na magse-set na talaga ako ng alarm sa susunod para hindi na maulit pa ito. Kainis.
Matapos kong mag-ayos ay napagdesisyunan kong magpahatid na lang kami ni Gelo sa driver namin dahil hindi na sasapat ang oras kung maglalakad pa kaming dalawa.
"Maglakad na lang tayo. Nakakahiya," pagtanggi ni Gelo sa naging desisyon ko.
"Ano ka ba? Male-late na tayo, Gelo. Isa pa, bakit ka ba nahihiya? Parang sasakay lang ng kotse. Bilis na, sakay na. Kailangan na nating magmadali," sabi ko habang hinihila siya.
"Nakakahiya talaga," tugon naman niya.
"Come on, Gelo! Dapat nga, ako pa mahiya kasi pinaghintay kita," sagot ko.
Dahil ayaw niyang magpatalo sa akin sa puntong iyon ay tiningnan ko siyang maigi tapos ay tinaasan ko siya ng kilay saka ako nagsalita.
"Kapag nag-inarte ka pa at hindi ka pa sumakay, hindi na kita kakausapin forever. Take note, FOREVER!" pananakot ko.
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
RomanceSino sa kanila ang pipiliin mo? Ang taong minamahal ka, o ang taong minamahal mo? 2014 © Eson Vitug Created: 10/21/14 - 05/12/15 http://www.facebook.com/esonvitug http://www.twitter.com/esonvitug http://www.instagram.com/esonvitug Do not judge this...