Kami na nga ni Ethan ngunit saktong isang buwan na ang lumipas at hindi ko pa rin maramdaman na mag-on na kami. Regular naman siyang mag-text, tumawag at bumisita sa bahay pero parang kulang sa lambing. Dahil ito ang first relationship ko, hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan dahil nga hindi ako sanay makipag-relasyon kaya ang resulta ay parang walang namamagitan sa amin kasi nga walang sweetness. Parang walang love between us.
Alam ninyo namang lahat na si Ethan ang una kong pag-ibig, kasintahan at kaulayaw. Siya ang kauna-unahan kong nakarelasyon at inaasahan kong mangyayari sa amin ang mga relasyong kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula at telebisyon. O mga relasyong kagaya ng mga nababasa ko sa libro at Wattpad. 'Yung maraming lambingan, sobrang attached sa isa't isa pero hindi kami naging ganoon ni Ethan. Parang may distansya sa pagitan namin, parang may wall, parang may gap, parang may bakod.
Akala nga ng maraming estudyante sa Easternwood College ay si Gelo ang boyfriend ko kasi siya ang palagi kong kasama sa pagpasok sa school, sa pagkain ng lunch at siya din ang kasama ko sa pag-uwi. Iyon ang mga bagay na ang boyfriend kong si Ethan ang dapat na gumagawa at hindi si Gelo na kaibigan ko lang. Ewan ko pero parang mas mahal pa yata ni Ethan kaysa sa akin ang pagiging varsity player niya at ang pagiging officer niya sa iba't ibang mga organization at club ng campus. Ni bisitahin man lang ako sa classroom ay hindi niya magawa dahil sa pagiging sobrang busy niya. 'Yung totoo, mag-boyfriend-girlfriend ba talaga kami?
"Bes, first monthsary na namin ngayon pero hindi pa rin ako napapasaya ni Ethan. Alam mo 'yun? Parang wala kaming commitment. Feeling ko nga, nakalimutan na niyang girlfriend niya ako, eh!" malungkot kong sinabi habang kausap si Joyce via Skype.
"Bes, baka nag-aadjust lang si Ethan. You know naman na kaka-break lang nila ni Lily bago naging kayo, 'di ba? So let's just assume na nagmo-move on pa siya dahil malamang sa malamang ay nasanay siyang si bruhang Lily ang palagi niyang kasama. Ikaw, gusto mo bang kasama mo nga siya pero si Lily naman ang naiisip niya? Gusto mo bang laging ganun ang mangyari?" tanong ni Joyce.
"Syempre, hindi!" mabilis kong sagot
"Then, let him do the moving on stage! Tao lang din 'yung boyfriend mo at hindi siya robot na pwedeng magbura ng painful memories agad-agad," pangangaral sa akin ni Joyce.
"Pero parang ang unfair naman nang ganito sa parte ko. May boyfriend nga ako pero hindi ko naman ramdam," reklamo ko.
"Well, ganyan talaga dahil naging atat ka. Kung nagpaligaw ka muna sana diyan sa knight in shining armor mo, edi sana unti-unti siyang nasanay sa 'yo at unti-unti niya ring nakalimutan ang bruhang Lily na iyon!" sabi naman ni Joyce.
"Oo na, oo na! Kasalanan ko na!" sagot ko sa kanya.
Ayan! Ganyan lagi ang usapan namin. Palagi niya akong pinapagalitan at pinangangaralan. Kasi naman, eh! Bakit ba kailangang maging ganito ang sitwasyon? Bakit kailangang mahirapan ang puso ko? Feeling ko nga, para akong nakipagrelasyon sa may karelasyon na, eh! Feeling ko, kabet ako. Para akong kerida na nakikihati lang sa pagmamahal ng lalaking mahal ko. Ano bang meron sa Lily na iyon at hindi siya magawang kalimutan ng boyfriend ko? Ugh! Nakakainis.
Kinahapunan, habang gumagawa ako ng assignment ko dito sa laptop ko ay bigla na lamang nag-vibrate ang phone ko. It means, may nagtext. Syempre, agad ko rin iyong tinignan.
From: Ethan
Happy first monthsary! Mag-ready ka mamaya, may dinner date tayo. Sunduin kita 8pm. See you!And this text was brighten up my day. Kinilig ako matapos kong mabasa itong text niya. Akala ko kasi, nakalimutan na niyang monthsary namin ngayon. I guess, I was wrong. Mali siguro talaga ang mga iniisip ko about him. Tama nga siguro 'yung sinabi ni Joyce na nag-aadjust pa si Ethan. Matagal-tagal din kasi silang nagsama ni Lily kaya dapat intindihin ko na he's trying to forget her. At dapat ko ring itatak sa isipan ko na ako na ang mahal ni Ethan at hindi na si Lily, tama ba?
Matapos kong mabasa ang text sa akin ng boyfriend ko ay nagmadali na akong tapusin ang homeworks ko para makapag-prepare sa dinner date namin. Halata bang masyado akong excited? Eh kasi naman, sa loob ng isang buwan parang ngayon lang ulit kami magsasama nang sweet. Kasi kapag nagpupunta siya dito sa bahay ay normal lang kami kung mag-usap, walang sweetness tapos sandali lang siyang dumalaw, hindi siya gaanong nagtatagal. Aaay! Ayaw ko nang isipin ang mga malulungkot na pangyayari. Dapat puro positivity lang ngayon, puro good vibes lang because today is our very special day at ayaw kong masira ito.
Gaya ng sinabi ni Ethan, sinundo niya ako dito sa bahay. Palagay ko nga ay excited din siya kasi 7:34pm palang nang dumating siya. Ewan ko pero kinilig ako sa pagdating niya nang maaga. Tapos lalo pa akong kinilig nang hawakan niya ang kamay ko habang palabas kami ng bahay hanggang sa makapasok ako sa loob ng kotse niya. He's getting sweeter than before. Sana ganito kami lagi.
Hindi na ako umangal na tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse niya. Ngayon, naiintindihan at iniintindi kong part ito ng adjustment niya kaya naging masaya na lang ako habang tahimik siyang nagdi-drive. Ang importante naman ay magkasama kaming dalawa, hindi ba?
Matapos ng ilang minutong pagbiyahe ay huminto itong kotse ni Ethan sa tapat ng isang eleganteng restaurant. Agad na bumaba ng kotse si Ethan at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko ay hinawakan niya ang kamay ko saka niya ito inilagay sa braso niya. Emegesh! I think, I'm going to love this day. Sobrang kinikilg ako dahil ngayon nararamdaman ko nang may boyfriend ako.
Nang mai-link na ni Ethan ang kamay ko sa braso niya ay nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob nitong eleganteng restaurant na ito. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang waiter.
"Reservation for Mr. Ramos," sabi ni Ethan doon sa lalaki.
"Okay. This way sir," sagot ni kuyang waiter sa kanya tapos sinundan lang namin siya ni Ethan.
OMGASDFGHJKL! Kinikilig lang ako. Sana lagi kaming ganito ni Ethan. Sweet kahit naglalakad lang. Yieee!
Nang makarating kami sa pwestong ipina-reserve ni Ethan ay hindi ko inaasahang 'yung kilig na nararamdaman ko ngayon ay lalo pang madadagdagan. It was a candlelight dinner date on the rooftop. Full of red roses mula sa wall hanggang sa sahig, may mga taong nagpa-play ng sweet songs using instruments, may food at may champagne.
Nabigla naman ako nang abutan ako ni Ethan ng boquet of roses. He looked into my eyes in almost a minute and after that was a gentle kiss from him. Gagantihan ko na sana 'yung kiss niya kasi akala ko ay medyo tatagalan niya ang paghalik sa akin pero hindi pala. Parang smack lang ang ginawa niya. Ni hindi man lang inabot ng three seconds. Parang humalik lang siya sa mahal niyang ina.
Honestly, I feel bad dahil sa ginawa niya. Alam ko na dapat akong matuwa dahil hinalikan niya ako kaya lang hindi ganoon ang aking naramdaman. Hindi ko na mapigilang maiyak kaya nag-excuse ako at dali-dali akong pumunta ng washroom. I feel his kiss, and there's no love. It's just a simple kiss, a kiss without love. Too bad.
*****
Tumblr post by: AngelOnTheBlog
"If you kiss on the first date and it's not right, then there will be no second date. Sometimes it's better to hold out and not kiss for a long time. I am a strong believer in kissing being very intimate, and the minute you kiss, the floodgates open for everything else." - Jennifer Lopez
#Disappointed #KissOrSmack #IDontLikeItThatWay
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
RomansaSino sa kanila ang pipiliin mo? Ang taong minamahal ka, o ang taong minamahal mo? 2014 © Eson Vitug Created: 10/21/14 - 05/12/15 http://www.facebook.com/esonvitug http://www.twitter.com/esonvitug http://www.instagram.com/esonvitug Do not judge this...