8:45am na pero wala pa rin si Gelo para ihatid ako sa school. My gad! My class starts at exactly 9:00am. Nasaan na kaya 'yung baliw na iyon? Psh!
Dahil mauubos na ang oras ko para hintayin si Gelo ay sinimulan ko nang maglakad papuntang school. Habang naglalakad akong mag-isa ay hindi ko maiwasang luminga-linga, nagbabaka-sakaling nasa paligid lang si Gelo at gino-good time lang ako ngunit sa kasamang palad ay hindi ko siya nakita. Wala siya sa tabi-tabi.
Nakarating ako nang matiwasay sa campus na walang Gelo sa tabi ko. Nakakapanibago lang. Nasanay lang siguro ako sa paghahatid niya sa akin tuwing may klase ako.
"Huy, Angel! Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Andria, seatmate ko.
"Hah?!" wala sa sarili kong sinabi.
"Kanina ka pa kaya nakatulala. Eh wala ka pa ngang nasasagot sa test paper mo, oh! Maski pangalan mo, hindi mo pa naisusulat. Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Andria.
"Ah, oo. Ayos lang ako. May kaunti lang na gumugulo sa isipan ko," paliwanag ko.
"If I were you, mag-exam ka muna at mamaya mo na problemahin 'yang gumugulo sa isipan mo. Okay?" sabi niya.
Tumango lang ako. Sa totoo lang, si Gelo ang iniisip ko. Bakit kaya wala siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Busy kaya siya? Okay lang kaya siya? Siguro may importante lang siyang ginagawa ngayon. Haaay! Loko-loko talaga 'yung lalaki na iyon. Hindi man lang ako ininform na hindi niya ako ihahatid ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala. Haaay!
Eventually, natapos at nasagutan ko naman ang exam ko nang matiwasay. Ewan ko nga kung maipapasa ko ang exam na iyon dahil bukod sa hindi ko masyadong makapag-focus sa pagsasagot, ay hindi rin ako nakapag-review kasi nga nagkipagkulitan lang ako kahapon kay Gelo. Gusto ko kasi maiba naman ang ikot ng mundo ko kaya nakipagkulitan ako sa kanya. I want a positive atmosphere, hindi 'yung palagi na lang akong malungkot gawa ng katangahan ko.
Mag-isa lang akong kumain ng lunch ko ngayon dahil nga wala si Gelo. Nakakapanibago din. Wala naman akong ibang makasabay kumain. 'Yung mga classmate ko kasi, may kanya-kanya silang grupo. Si Joyce? Wala na nga siya dito, 'di ba. 'Yung boyfriend ko? May boyfriend ba ako? Hindi ko ramdam, eh. Wala naman kasing pakialam iyon sa akin. Haaay! Nakakainis! Ang loner ko ngayon. Ugh!
Natapos ko rin ang two subjects ko nang wala akong natutunan. Bakit? Naiisip ko pa rin kasi si Gelo. Ewan ko ba!
Nang matapos ang klase ay tumambay ako sa tindahan ng isaw kung saan madalas kaming tumatambay ni Gelo. Gusto ko sana siyang puntahan para malaman ko kung bakit wala siya ngayon pero hindi ko naman alam kung nasaan siya nakatira. Haaay!
Habang nakatulala ako sa kawalan ay biglang may ideyang pumasok sa isipan ko. Bigla kong naalala 'yung araw na may unknown number na nag-text sa akin noong paalis si Joyce. And that number was owned by Gelo. Tama! Mako-contact ko pala siya.
Dali-dali kong binuksan 'yung phone ko para hanapin sa inbox ko 'yung message niya using that unknown number. Hindi ko pa kasi nase-save ang number na iyon ni Gelo. Fortunately, nahanap ko naman 'yung number pagkaraan tapos ay nag-send ako ng text message.
Sender: Angel
Hoy, Gelo! Buang ka talaga. Hindi mo man lang ako sinabihan na hindi ka papasok. Hindi ko tuloy na paghandaan ang pagiging loner today. Nasaan ka ba? Gusto sana kitang puntahan kaso hindi ko alam kung saan ka nakatira. Angel pala ito.Ayan. Ang haba tuloy nang naitext ko. Kasi naman siya, eh! Inindian ako. Psh!
Ilang minuto lang ang lumipas nang naka-receive na ako ng reply.
Sender: +639*********
Sorry, Angel pero hindi ito si Gelo. Si Carl to.Oh! Si Carl. 'Yung bestfriend ni Gelo na somewhat friend ko na rin. Minsan kasi kasama namin siya ni Gelo kaya ayun, considered friends na rin kami kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
RomansaSino sa kanila ang pipiliin mo? Ang taong minamahal ka, o ang taong minamahal mo? 2014 © Eson Vitug Created: 10/21/14 - 05/12/15 http://www.facebook.com/esonvitug http://www.twitter.com/esonvitug http://www.instagram.com/esonvitug Do not judge this...