Ikadalawampu't Pitong Kabanata

333 19 1
                                    

"Anong meron si Gelo na wala ako, Angel?" seryosong tanong ni Ethan na halatang kakatapos lang lumuha.

Sa pagkakataong iyon ay inalis ko ang pagtitig ng mga mata ko sa kanya at saka ako umupo sa kama kung saan nakalatag ang mga gamit kong hindi ko pa tuluyang naeempake. Kasabay ng pag-upo ko ay ang pagpunas sa mga luhang dumaloy mula sa namumugto kong mga mata. Sa sahig ko itinitig ang mga mata ko bago ko tuluyang sinagot ang tanong niya.

"Wala, Ethan. Hindi kailanman bumaba ang uri mo laban sa kanya. In fact, sa lahat ng aspeto ay nakahihigit ka kaysa sa kanya. Pero hindi ang mga aspeto at mga uri na iyon ang naging basehan kung bakit ko siya nagustuhan," Sa puntong ito ay sinadya kong tumingin kay Ethan bago ko itinuloy ang aking pagsasalita. "Gusto ko siya dahil ang saya-saya ko kapag kasama ko siya."

Nagbago ang expression ng mukha ni Ethan at tumalim ito.

"Sasama ka ba sa kanya?" madiing tanong niya.

"Oo!" tuwiran kong sagot pakaraan nang ilang sandali.

"Sana nag-iisip ka, Angel!" bulyaw sa akin ni Ethan.

"More than one year na akong nag-iisip, Ethan! One year na akong nag-iisip kung si Ethan ba talaga ang right guy para sa 'kin. Oo, siya lang at wala nang iba. Huwag kang maghanap ng iba, huwag kang magmahal ng iba dahil siya lang, si Ethan lang. Ganun! Ganun ang andar at takbo ng isip ko Ethan for almost two years. 'Yung Tumblr account ko, punung-puno ng mga bagay tungkol sa 'yo dahil halos dalawang taon kong kinumbinse at pinaniwala ang sarili kong ikaw lang at wala nang iba!" Tumayo ako at saka muling nagpatuloy sa pagsasalita habang nananatiling nakatingin kay Ethan. "But suddenly, there's this man with a lot less than you, than what you have. But only this man who made me realize and feel suddenly that I am a girl. A girl that should be happy with her life. Two years Ethan, two years akong nagpaka-manang nang dahil sa 'yo and I never enjoyed it!"

"Tama na, Angel! Tama na! Hindi na ikaw 'yung Angel na nakilala ko with those words!" singhal sa akin ni Ethan.

"I'm happy now, Ethan. Naalala mo ba noong nagpunta tayo sa fashion show ng clothing line ni Lily? Napakatanga ko dahil doon ko palang na-realize na hindi mo talaga ako mahal because you let me go home alone," pag-amin ko sa kanya.

"Pero ginusto mo 'yon, hindi ba?"

"Oo, Ethan! Desisyon ko 'yon! Pero hindi ka nakaramdam nang sandaling 'yon. Sinabi ko lang na gusto ko nang umuwi para lambingin mo 'ko at para pigilan mo 'ko. Pero ano? Hinayaan mo 'kong umuwi mag-isa. And you know what? Never akong iniwan ni Gelo gaya nang ginawa mo. He's always there whenever I need him. At ikaw, mas pinili mo pang magpapansin sa Lily na 'yon imbes na samahan umuwi ang girlfriend mo," mahabang litanya ko sa kanya.

Hindi na nakasagot pa sa puntong iyon si Ethan. Bakit kaya? Dahil ba tama lahat ng sinabi ko? Tama ba ang pakiramdam kong hindi totoo ang mga sinasabi niya at nagsisinungaling siya? Tama ba na hindi niya ako mahal at si Lily pa rin ang laman ng puso niya? Kung ano pa man ang sagot niya ay wala na akong pakialam dahil nagising na ako sa katotohanan, katotohanang hindi na siya ang laman ng puso ko dahil si Gelo na ang nagmamay-ari nito ngayon.

Makalipas ng ilang sandali ay nagawa ring makapagsalita ni Ethan.

"Mag-isip kang mabuti, Angel! Pag-isipan mo kung dapat mo ba talaga akong ipagpalit sa lalaking gaya niya," paalala niya sa akin.

"Si Gelo? Well, napag-isipan ko na nang mabuti 'yon at na-realize ko na may isang bagay pala ang meron siya na wala ka, may isang bagay ang pangit sa 'yo kumpara sa kanya. Si Gelo, mayroong busilak na puso na hinding-hindi ko nakita sa 'yo. Paano ko nasabi? Kasi hindi na niya kailangan pang gumamit ng Lily para malaman na si Angel pala ang tama para sa kanya. The moment na magkatitigan ang mga mata namin, alam na niyang ako ang tama para sa kanya, na ako lang at wala nang iba," madiin kong sagot sa kanya.

Natameme si Ethan nang sandaling iyon at halatang nagtitimpi. Sa totoo lang, naawa ako kay Ethan kasi alam kong sobra ko siyang nasasaktan ngayon. Pero masisisi ninyo ba ako? Siya naman ang unang nanggamit at unang nanakit, parang ito lang 'yung karma niya. Isa pa, tao lang din naman ako, nagagalit at napupuno. Kasalanan ko bang sa kanya ko ibunton ang lahat ng pasakit at galit na siya rin ang gumawa, nagparamdam at nagbigay?

"Okay, Angel! I guess we're over. Good luck na lang sa inyo, and thanks for everything!" sabi ni Ethan at saka siya tuluyang umalis.

Paglabas ni Ethan sa kwarto ko ay siya namang pagpasok ni Gelo at Carl dito. Agad na lumapit sa akin si Gelo nang makita niya ako at timingin siya sa akin ng diretso. Nabasa ko ang mga titig niya. Nagtatanong ang mga mata niya, halatang naguguluhan at gustong malaman kung anong nangyari.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at saka ako nagsalita.

"Malaya na 'ko Gelo! Malayang-malaya na," sabi ko.

Ngumiti ako sa puntong iyon kaya ngumiti rin siya. Unti-unti niyang hinaplos ang mukha ko at hindi nagtagal ay saka niya ako hinagkan nang napaka-alab.

*****

Tumblr post by: AngelOnTheBlog

"What makes you a real man? Stay faithful to one girl."

#ItsOver #RealMan #BeFaithful

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon