Ikaanim na Kabanata

489 20 1
                                    

Photo Feed: Meet Angel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photo Feed: Meet Angel

*****

Ngayong araw nakatakdang idaos ang College Ball. Nagsimula na akong ayusan ang sarili ko kahit na pinilit lamang akong sumama ng mga kaibigan ko sa pagdiriwang na ito dahil kasama rin sila rito. Ang totoo niyan ay alas-6 pa naman ng gabi ang simula ng event at sobrang aga pa ngayon. Ngunit alam ninyo naman kaming mga babae, kulang ang pitong oras sa pag-aasikaso lalo na kung alam mong nandoon din ang taong gusto mo. Kaya naman heto ako, todo kung magpaganda.

Napagdesisyunan kong magsuot lamang ng cocktail dress ngayon. Ayaw ko kasing magsuot ng gown dahil ayaw kong makuha ang atensyon ng karamihan. Alam ninyo namang isang atensyon lang ang gusto kong makuha, subalit sa kasamaang palad ay nakuha na ito ng iba. At saka, mas komportable rin kasi ako rito kaya ito ang isinuot ko. Parang ang laking abala rin kasi kapag naka-gown ako. Isa pa, alam ko sa sarili kong hindi ako magiging komportable kapag iyon ang isinuot ko.

Lumipas ang maraming oras. 5:27pm na ngayon at sa puntong ito ay natapos na rin akong magpaganda. Pakiramdam ko nga ay mababasag na itong salamin sa kuwarto ko dahil magdamag na akong nakaharap dito. At habang nakangiti ako sa harap ng salaming ito ay biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Come in," sagot ko kaya bumukas ang pinto at nakita ko si Ate Len.

Oo, nandito pa si Ate Len. Mabait naman ako kahit papaano kaya pinatawad ko na siya sa kasalanang nagawa niya sa akin.

"Bebe girl, nandito na po si Sir Gelo," sabi ni Ate Len.

Okay. Hayaan ninyo akong magpaliwanag. Gusto ko lamang ipabatid sa inyo na napapayag lamang ako ni Gelo kahapon na maging escort ko siya sa College Ball namin dahil lumuhod siya sa harapan ko habang nakapalibot at nakatingin sa amin ang napakaraming estudyante sa central ground ng campus.

Nagbabasa kasi ako roon kahapon nang biglang magpakita sa harapan ko si Gelo. Pagtayo ko sa upuan ay siya namang pagluhod niya kaya naman sobrang nabigla at nahiya ako. Hindi nagtagal ay tinanong niya ako kung puwede bang siya ang maging escort ko sa Ball. Noon din ay biglang nagsigawan ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin kaya naman sobrang nagulo ang emosyon ko. Pakiramdam ko nga ay wala na akong iba pang pagpipilian noong sandaling iyon kung hindi ang magsabi ng "yes" dahil iyon ang isinisigaw ng lahat. Hindi lang iyon, nadala pa ako ng nakakaawang hitsura ni Gelo kaya pumayag na ako sa hinihiling niya. Isa pa, wala pa rin naman akong escort samantalang isang araw na lang ang mayroon ako upang maghanap ng kapareho. Natural ay nagtatalon si Gelo noong oras na iyon dahil sa sobrang tuwa. Yayakapin pa nga niya dapat ako ngunit inambaan ko siya ng suntok kaya naman hindi na niya tinuloy iyon at natawa na lamang siya.

"Sige po, Ate Len. Pakisabi na lang sa kanya na bababa na 'ko," sagot ko kaya lumabas na siya.

Gaya ng sinabi ko ay pagkalipas lamang ng ilang minuto ay bumaba na ako sa receiving area. At pagkakita sa akin ni Gelo ay bigla siyang tumayo at saka ngumiti. Sige, ngayon ay aaminin ko na sobrang kisig ni Gelo sa suot niyang black suit. Halatang naghanda siya para sa araw na ito kasi naka-wax or gel ang buhok niya kaya naging maayos itong tingnan. At hindi katulad ng mga karaniwang araw, ang bango-bango niya ngayon. Parang imported na pabango katulad ng sa daddy ko ang ginamit niya. Kaya masasabi kong hindi na masamang siya ang magiging escort ko.

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon