Photo Feed: Meet Ethan
*****
"Anong ba'ng nangyari?" tanong ni Gelo.
Ngayon ay sabay kaming naglalakad pauwi. Tahimik lang kaming pareho noong una ngunit hindi na napigilan pang magsalita ni Gelo, marahil ay naririndi na siya sa sobrang katahimikan.
"Nakakainis! Ang sarap niyang kalbuhin!" nanggigigil kong sinabi.
"Sino? Kanino ka ba nagagalit?" naguguluhan niyang tanong.
"Kanino pa nga ba? Edi kay Lily. Siya lang naman ang laging nagpapakulo ng dugo ko," tugon ko.
"Ano ba kasing nangyayari at nagagalit ka nang ganyan?" tanong pa ni Gelo.
"Nagkasalubong kasi kami sa banyo then all of a sudden, si...," bigla akong tumigil sa pagsasalita dahil napa-isip ako kung dapat ko bang sabihin kay Gelo ang nangyari sa pagitan namin ni Lily.
"Si?" sabi ni Gelo na ipinapatuloy ang sinasabi ko.
"Sinigawan niya ako. Nakakainis!" sabi ko na lang paglipas ng ilang sandali.
Heto na naman ako. Nagsisinungaling na naman.
"Eh bakit daw?" tanong pa ni Gelo.
"Ewan ko ba sa kanya. Basta, I really hate her!" naiinis kong sinabi.
Hindi na nagtanong pa si Gelo sa puntong iyon hanggang sa makarating kami sa aming bahay. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay pumasok na ako. Dahil gusto ko nang tapusin ang nakakawindang na araw na ito, natulog na agad ako pagpasok ko ng kuwarto.
Dalawang araw ang lumipas. Imbes na kalimutan ay pasidhi nang pasidhi ang galit na nararamdaman ko para kay Lily. Sa tuwing susubukan kong kausapin si Ethan ay bigla na lamang siyang susulpot kaya hindi ako magkapagsumbong. Kapag tumatawag naman ako sa cellphone ni Ethan ay nagkakataong si Lily ang nakakasagot nito. Napakahusay at napakasama talaga ng ugali ng bruhang iyon.
Subalit ngayong araw ay nakasisiguro akong makakausap ko na si Ethan dahil Sabado ngayon at may Philippine Literature class kami. Sa oras na iyon ay nakatitiyak akong walang Lily ang susulpot dahil hindi naman namin siya kaklase sa subject na iyon.
Pagkalipas ng tatlong oras ay natapos na rin itong English class namin kaya lumabas na ako ng classroom. Paglabas ko ay pumunta na agad ako ng Food Point para kumain ng lunch. Mas pinili kong kumaing mag-isa sa puntong iyon kasi baka maikuwento ko lang kay Joyce ang plano kong ipagtapat na kay Ethan ang katotohanang niloloko lang siya ni Lily. Kilala ko ang best friend ko. Nakasisiguro akong tututol lang siya sa sandaling malaman niya ito. Kaya alam kong tama ang desisyon kong kumain na lamang nang mag-isa ngayon.
Matapos ang ilang minutong pagkain ko rito sa Food Point ay nagdesisyon na akong maglakad pabalik ng classroom. Ngunit hindi sa inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ko si Lily kaya natigil ako sa paglalakad. Mabuti na lamang at malayo ang agwat namin sa isa't isa kaya walang sabunutan at sampalang magaganap.
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
RomanceSino sa kanila ang pipiliin mo? Ang taong minamahal ka, o ang taong minamahal mo? 2014 © Eson Vitug Created: 10/21/14 - 05/12/15 http://www.facebook.com/esonvitug http://www.twitter.com/esonvitug http://www.instagram.com/esonvitug Do not judge this...