Chapter 4

92 4 0
                                    

Ang pagkatalo ay isa rin sa ayaw ko.

Lumaki ako na dapat nananalo ako sa lahat pero sa totoo lang, gusto ko rin naman ma-experience na matalo para makita ko kung sino talaga ang mga taong minahal ako, hindi dahil sa palagi akong nananalo kundi sa pagiging ako. 

I pushed Oliver's chest but he did not flinch for a bit.

Nakahawak pa rin kasi ito sa beywang ko.

Nilingon ko si Oliverio na nagtanggal ng pang-itaas niya. Ang t-shirt nito ay nasa uluhan na niya kaya siguro hindi niya nakita itong ginagawa ng kapatid niya. 

I shifted my eyes at Oliver.  

"Let go of me," gigil kong bulong sa kanya. 

"You must win, Laura. "

"Sira ulo ka ba?! Syempre, mananalo ako! Mayayari ako kila Mama at Papa kapag hindi ako nanalo do'n."

"Let's see about that..." Oliver smirked. 

Gusto ko siyang tadyakan sa kayaman niya kaso kailangan kong magpigil. Baka magsumbong na naman siya kay Papa, madagdagan pa ulit ang weeks ng parusa ko.

Masyado niya 'ata akong china-challenge?

Baka maisampal ko sa'yo ang trophy kapag ako talaga ang nanalo. 

"Hoy! Hoy! Bakit mo hinahawakan ang Laura ko, bunso?!"

Nang marinig ang boses ni Oliverio ay doon pa lang niya ako binitawan. Naibalanse ko naman ang tayo pero inirapan ko ang bunsong kapatid nito na ngumisi muna sa akin bago tiningnan ang Kuya nito sa taas ng waterfall cliff. 

"Muntikan na siyang mahulog, Kuya, sinalo ko lang!"  Tumawa si Oliver. 

Pinagpag ko ang damit kahit hindi naman nalukot o nabasa iyon. Basta pinagpag ko lang para maramdaman niya na nandidiri ako sa kanya.

Iniwan ko na siya mag-isa do'n at naglakad paalis sa batis. Pinanood ko na lang si Oliverio na tumalon mula sa mataas na waterfall cliff. 

I smiled when I saw him successfully landed in the water. He shouted 'woo' after he jumped. 

Out of nowhere, I feel someone is staring directly at my soul. I looked at Oliver. Surprisingly, our eyes met.

Naiwas ko ang tingin. His stares are so seductive.

Para bang nang-aakit siya!

Pinilig ko ang ulo. Lumapit si Oliverio sa akin. Hinalikan niya ang noo ko bago nagpunas ng basang katawan niya.

Nakaramdam ako ng mainit na presensiya sa likod ko. Alam ko na kung sino iyon dahil narinig ko ang mahinang pagtawa nito. 

"Wala kang pamalit, Kuya. Ano? Ihahatid mo si Laura na basa ang damit mo tapos ay hubo't hubad ka pa?" 

"Well, yeah, I guess. " Nilagay ni Oliverio ang basang damit nito sa kanang balikat niya at tiningnan ako.

He snaked his arms to my waist and pulled me closer to him.

"Iuuwi na kita. Baka magalit na si Tito." 

"H-huh?" 

Bakit ang bilis naman? Ilang oras na ba kami nandito sa batis? Tanghaling tapat pa lang naman e. Baka pwede pa ako hanggang sa lumubog ang araw. 

Pinalungkot ko ang mukha. Magpapalambing sana ako kaso tumunog ang phone niya.

Naudlot tuloy. Panira naman!

"Who's that?" sinubukan kong sumilip sa screen ng phone niya kaso inilayo niya ito at sinagot ang tawag. 

"Si Ate Katherine," sagot niya saka tumalikod na sa akin. Naglakad na siya palayo sa pwesto ko. 

Think of Laura ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon