Chapter 19

55 1 0
                                    

There is the season of a year when people get closer, the fire gets warmer and brighter, communication gets deeper and gifts are the most precious.

The day when people were loved by all over the world for their magic and special spirit. The time, when we believe in Santa Claus, giving us a gift that we wrote in our wishlist and put it on the red sock we hang on our doors or on our windows. Building new dreams and hopes for the future.

It's Christmas Day.

After the incident at the rooftop, Oliver avoided me, and I was doing it too. Mas naging ka-close si Akio nitong mga nakaraang buwan pagtapos na sabihin na siya ang pinili ko.

But I never that he will be so himself too much unlike Oliver na may limitation.

May isang beses pa na inihatid niya ako pauwi. Bago pa ako lumabas sa kotse niya ay hinawakan niya bigla ang magkabilang pisngi ko at sinubukan na halikan.

I slapped him for his sudden moves. Masyado siyang nagmamadali na sasagutin ko siya. Hindi ko naman siya sinabihan na magkakaroon siya ng pag-asa.

I hate myself for not vocalizing to him that he doesn't have any little chance to have me in his life.

Ang akala ko talaga ay titigilan niya ako pagtapos ng nagawa ko sa kanya, pero hindi. Hinayaan ko siya na gawin ang gusto niya. He was so clingy to me in school kaya naiisip ng iba na may namamagitan sa aming dalawa.

Wala naman magagawa ang pagsasabi ko na wala. Hindi nila ako papakinggan.

Part of me wants to push away Akio. Dahil alam kong may isang tao na bumabagabag sa isipan ko.

Sa tuwing nagkakasalubong kami ni Oliver ay siya ang lumiliko ng daan o bumabalik sa dinaanan niya. Para akong isang virus na dapat niyang iwasan.

I know it was my fault. He was hurt, I knew it...

Pero...gusto ko rin sabihin sa kanya na kung bakit hindi ko siya magawang piliin. I know the consequences of it...despite wanting him...

Tinignan ko ang paghila ng mga guards sa maleta nina Mommy at Daddy papasok sa itim na van. Inalis ni Mommy ang itim nitong sunglasses, si Daddy ay inaayos ang end sleeves ng plain black polo long sleeve niya.

Nandito lang ako sa gate, pinapanood at hinihintay ang pag-alis nila.

Pupunta sila ng Cebu. Titingnan nila ang bahay na pinagawa pa nila at ang bukid na binili ni Mommy sa kumare niya.

"We have to go, anak." ani Mommy at hinalikan ang magkabilang pisngi ko. "If you want something, utos mo na lang sa mga kasambahay."

I want to spend Christmas day with both of you. That's all I want.

Tinango ko na lang ang ulo ko at ngumiti ng pilit. Naunang pumasok si Daddy, ni hindi man lang nagpaalam o binigyan ako ng tingin. He is still mad at me. Natatakot na rin naman na akong lumapit sa kanya.

Lumayo ang loob ko sa kanya pagtapos niyang pagbantaan na kayang-kaya niyang patayin si Oliver.

Parang hindi na siyang Daddy ko noon...he became a merciless, aggressive father.

Kinaway ko na lang ang kanang kamay ko nang magsimula nang lumayo ang itim na van nila. Pumasok na ako diretso sa bahay. Ang mga gwardya na lang ang nagsarado ng gate.

Naglakad ako ng walang gana sa loob ng mansion. Pinalibot ko ang tingin sa bahay, at malaking bahay na mayroon kami. Ang tahimik nito. Ang lungkot. Nakakabinging katahimikan.

Ang mga kasambahay ang makakasama ko sa kainan mamaya.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at pabagsak na humigang padapa sa kama. Tulalang tinitingnan ang puting kurtina sa bukas na balkonahe na tinatangay ng malakas na hangin.

Think of Laura ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon