Chapter 11

64 2 0
                                    

"Laura!"

Nilingon ko ang nagtawag sa akin bago pa ako makapasok sa gate ng university. Kabababa ko pa lang sa van. It was Clea with her friends. They are all smiling at me. I bolt out of the blue when she kissed my both cheeks, happily.

"It's nice to see you again! Anong course mo nga ulit?" tanong niya.

"Bachelor of Music in Piano," sagot ko.

She nods her head. "Oh, that's great! I thought magbi-business administration ka or business marketing, kasi 'di ba you came from a family which is into business?"

Iniling ko na lang ang ulo. First day of school ngayon kaya maaga talaga ako pumasok. After a week of the competition, I prepare myself to concentrate in my course. Bali-balita pa rin sa lungsod ang pagkababa ng rank ko sa naganap na karera.

I think most of them are dissapointed at me...I'm just feeling it, kahit na hindi na nila sabihin.

And about Oliver, hindi ko na siya nakita after nung laban na iyon. Pasimple ko nga rin siyang hinahanap sa bukid at a likod ng mga barn baka nandoon siya, pero wala. Wala naman ako pwede pagtanungan sa kanya.

Totoo yung sinabi niya na ako na ang papalit sa ranggo niya. He's now in my place, and I'm in his place. For that, I'll be the one who will compete to the national eventing next year in March at Brazil.

Pero parang ang unfair naman sa kanya-No, I should not think about it. Binigay na nga sa akin, tatanggihan ko pa? Saka wala naman 'ata siya balak talaga na lumaban sa international kaya niya binigay sa akin ang spot niya.

"Sabay-sabay na tayo pumasok sa loob!" Clea clapped her hands. She encircled her arm on my left arm. They started babbled, while I'm looking every students walking pass by us.

May nakain ba itong si Clea? Bakit ang feeling close niya sa akin? Kung tatanggalin ko naman ang kamay niya nasa braso ko, baka maging masama pa ako sa paningin nila.

Ayoko masira ang araw ng unang pasukan ko kaya tamang pagtitimpi at go with the flow muna ako.

The sunlight dances across the serene water surface, reflects off the burgundy brick walls in harmony with the exquisite fields of flowers that surrounds the grand chapel. Sitting on top of a hill overlooking the beautiful lake with unbridled flows of water that gently hitting against the grassy meadow, the colonial blended with modern taste architecture buildings of the University.

It radiates the feeling of vibrant and blooms a new chapter of a life.

"Saan nga pala ang building mo?" Clea suddenly asked in my middle of my admiration. I looked at her once.

"Beside the accountancy building,"

"Ah, mauuna pala kami sa'yo. Sa likod pa pala yung banda iyo."

I remained silent. Hindi naman sa ayaw ko sila makausap pero ayaw ko lang talaga saka nakakapagtaka na ganito ang bigla niyang pakikitungo sa akin.

Gusto ko na nga tumakbo papuntang building ko e para makaupo na ako.

Tumigil sila sa paglalakad sa isang building. Baka ito na 'yon ang building nila. Ilang lakaran lang ang pagitan sa gate na pinasukan namin. Clea finally removed her arms and turned her attention at me.

Nandoon pa rin ang ngiti niya. Maging ang mga kasama niya ay nakangiti habang nakatingin sa akin. I feel something, but I have to stop. Nakikipagkaibigan lang naman siguro sa akin pero naninibago talaga ako. Ewan. Hindi ko maintindihan.

"Hintayin ka namin sa canteen mamaya. Gusto ka lang namin talaga makasama. And this is the start of our friendship." aniya.

Friendship? Hmm...come to think of it, ang mga naging kaibigan ko sa High School ay iniwan din ako. Sumisingit lang ako sa circle of friends nila. Si Einy lang ang tangi kong kinikilala na kaibigan ko noon pa man. Ang mga barkada na mayroon kami ay barkada niya rin na naging malapit sa akin after nung graduation.

Think of Laura ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon