Habang kaya kong umiwas, iiwas ako. Hindi dahil sa ayoko...natatakot lang ako sa pwedeng mangyari.
"May bisita ka," ani Mommy. Natigil ko ang pag nguya ko sa toasted butter bread ko.
Inangat ko ang tingin kay Mommy. Ang mukha nito ay dinaanan ng kamalditahan.
Sinilip ko sa likod niya kung sino ang bisita na sinasabi niya.
Nakita ko si Oliver na nasa pintuan. Hindi ito pumasok. Nasa labas lang siya ng pinto.
Naalala ko ang sinabi niya kagabi sa text. Hindi ko naman aakalain na sobrang aga naman niya pumunta.
Narinig ko ang malakas na pagsarado ni Daddy ng dyaryo at tumikhim. Tumingin siya sa akin.
I only shrugged my shoulders at him. Kunwaring hindi ko alam na may bisita ako ngayong araw.
Tumayo ako. Iniwan ang kinakain. Si Mommy ay bumalik sa dining area, tinabihan si Daddy na masama ang tingin sa akin.
Iniling ko na lang ang ulo. Nilapitan ko na si Oliver.
He is smiling. Ang buhok niya ay tinali niya na para bang isang babae. May iilan pa na natirang manipis na strands ng buhok niya sa buhok niya.
A blue button-down polo and a pair of faded jeans with black shoes. Ang simple at pormal na sa akin ng suot niya. Ang polo na suot niya ay naging hapit sa katawan niya.
"Gandang umaga," bati niya sa akin.
Tumikhim ako. "M-magandang umaga." Tiningnan ko muna ang mga magulang ko na pinapanood ako.
Mabilis kong hinawakan ang doorknob ng pintuan at sinarado ito. Hinila ko palayo si Oliver.
"You should text me before going here, Oliver."
"Nag-text naman ako sa'yo kagabi ah?"
Huminga ako ng malalim. "I know. What I mean is now, bago ka pumunta dito. Para hintayin mo na lang sana ako sa may bukid."
"E sa ayaw ko," aniya.
Tumaas ang kilay ko. "Ano ba ang pag-uusapan natin?"
He licked his lower lip, looking at me with admiration. "I'm sorry,"
Sorry? Bakit? Para saan ang sorry niya?
"Why—" Pinutol niya ang salita ko.
"I just want to. I feel like I have to say it to you."
Binaba ko ang tingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya nung hinila ko siya. Mabilis kong binawi ang akin at tinago sila sa likuran ko.
"How's Clea nga pala?" tanong ko.
"She's fine,"
"Hindi ba siya galit sa akin?"
"You should ask her. Kung magalit man siya sa'yo, say it to me. Kakausapin ko siya. E, laro lang naman iyon." Aniya.
"You don't need to. Kung magalit man siya sa akin, ako ang kakausap. Hindi ikaw." usal ko.
Alam kong may rason si Clea kung bakit ganoon ang biglaan niyang pakikitungo sa akin. She was still a friend to me. Kailangan ko lang malaman kung ano ang rason niya sa pag-iwas sa akin.
Oliver deeply sighed. Tirik na tirik ang araw. Nilipat ko ang tingin sa mga magsasaka na abala ngayon sa bukid, bilad na bilad sa araw. May iilan pa na tinitingnan kami pero bumabalik din sa trabaho.
"Pwede ba kitang anyayahan sa batis?"
He caught my attention.
"Ano naman ang gagawin natin doon?"
BINABASA MO ANG
Think of Laura ✔️
RomanceOur souls recognized each other before our lips met. We fell in love in a place between heaven and earth before the stars began burning...and when you think of me just laugh and don't cry because if you do, I will cry in silence too... Date Started:...