TW: Violence, Aggresive words.
---
"Babalik ka dito?!"
Nailayo ko ang telepono sa biglaang sigaw ni Ate Kat. Pagkatapos ay binalik din ito sa tainga ko. "Yeah. I also miss that place, Ate. Kahit huwag niyo na akong sunduin sa terminal. Abala pa."
Pinaglaruan ko ang bus ticket ko papuntang Tanay. Dalawang taon lang naman ako nawalay sa kanila pero parang 1 dekada na akong nawala. Sa Maynila ko na kasi tinapos ang pag-aaral ko. Pinag-aral ako ni Tita Same, Ate ni Nanay sa isang publikong unibersidad sa Maynila.
Ang akala ko nung una ay madali lang ang pamumuhay sa Maynila pero ang laki ng adjustment ko nung unang sabak ko sa malaking populasyon. Kaya ngayon na nakapagtapos na ako, babalik na ako sa totoong tirahan ko.
"Ay, hindi! Susugod kami kasama mga ka-bario natin! Naku! Matagal ka na nilang hinihintay! Siya nga pala, excited na kami ni Nanay sa maipapakilala mo sa amin sa pagdating mo." she suddenly changed the topic.
I sighed, smiling. "Wala."
"Huh? Wala?! Sabi nila maraming maganda d'yan sa Manila? Bakit wala kang natipuhan?" I can imagine her furrowed brows while she was talking.
"Marami nga. Hindi ko naman type."
Sinusubukan ko pero wala talaga akong interest sa mga babae na nandito. Hindi rin naman ako nagmamadali. Sila lang naman itong atat na atat na magkaroon na ako ng kasintahan. Nasa tamang edad naman na ako pero sadyang wala pa akong nakikitang babae na challenging.
Ang daming nagbago sa lugar. Tinotoo nga ng mga Trinidad ang ipinangako nila noon na gagawin nilang mala-lungsod ang bario at ang bayan namin. Maganda ang pamamahala ni Senior Carson.
I am not expecting everyone to know me after 2 years I've gone to this place, but to my surprise they still know me!
Siguro wala rin nagbago sa hitsura ko. Sa pangangatawan ko lang lumaki.
Masaya akong makita na nandoon pa rin ang mga alaga kong kabayo sa likod ng bahay. Ang tanging napamana lang sa amin ni Tatay ay itong pangangabayo.
Sa unang gabi nang uwi ko ay nawalan pa ng tubig sa bayan. Nagkaproblema sa dum na dinadaluyan ng tubig mula sa bawat bayan dito sa Rizal. Dahil sa nakasanayan kong maligo tuwing gabi ay nag-isip ako ng paraan para makaligo.
Napadpad ako sa hacienda ng mga Trinidad. Doon ako sa likod ng malaking barn ng mga kabayo nila ako tahimik na naligo. Inalis ko ang itim na sando. Tanging jeans lang ang suot ko habang binabasa ang katawan ng malamig na tubig.
Then I saw a shadow from my right. Hindi ako nag-iisa. Mukhang ginaganahan na panoorin ang pagligo ko. To my surprise, it was a small figure of a girl hiding behind the pile of napier grass.
She tried to run but I did not allow it. And when I saw her, I stunned.
Really? The daughter of Senior Carson is peeking at me?! Laura Trinidad? Bakit naman niya ako sinisilipan? Hmm...type niya siguro ako.
Well sa gwapo ko ba naman 'to, wala talagang 'di mahuhumaling sa akin. Hindi ko nga lang inaasahan 'tong anak ni Senior Carson na sisilipan ako.
Sarap niyang asarin lagi.
Whenever she talks, and raising her brows at me makes me turn on. She became more maldita when I start my moves on her. Hindi siya yung tipo na babae na mahinhin o natatakot sa sasabihin ng iba. Ikaw pa mismo ang matatakot sa kanya.
She was too bold, and I like it...so much.
This is it. I have found my type...
Ikalawang linggo ko ay sobra akong natutuwa na maging coach niya para sa darating na Horse Racing. Equestrian pala siya, hindi halata. Akala ko nga boxing e.
BINABASA MO ANG
Think of Laura ✔️
RomanceOur souls recognized each other before our lips met. We fell in love in a place between heaven and earth before the stars began burning...and when you think of me just laugh and don't cry because if you do, I will cry in silence too... Date Started:...