Chapter 9

61 4 0
                                    

Ano raw? Lambing? 

I cringe in embarrassment when I hear a shriek of the crowd and suddenly I felt his presence behind my back.

"Laura ko..." he called me. 

Gusto kong masuka sa narinig kong tono ng boses niya na parang naging malambot na kambing. Hindi ako lumingon. Kitang-kita ko ang ibang mga babae na kilig na kilig kay Oliver. 

Syempre gwapo kaya ganyan sila makaasta. 

"Baby Laur-"

Marahas akong lumingon kay Oliver.  "Stop calling me baby and Laura ko!" I saw his friends looking at us. 

Nakakadiri. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko nang babanggitin niya ang 'Baby Laura'

The girl named Clea give me a glare but I didn't mind it. 

Inayos ko ang pagkakasukbit ng sling bag sa kaliwang balikat ko. "Stop making a scene her-"

"Galit ka?" Oliver asked, his eyes became soft all of sudden. 

"Anong ikakagalit ko naman aber?" tumaas ang kilay ko.   

Mahinang natawa si Oliver sa inasal ko. Nalipat ko ang tingin nang maglakad sa pwesto namin si Cleamenti na may malaking ngiti sa labi niya. Maliit akong ngumiti.

Then she extends her left arm to me. Bumaba ang tingin ko roon. 

"Hello. I'm Cleamenti Versoza, Oliver's friend. Nice meeting you, Senorita Laura." she greeted me, respectfully. "You're the daughter of Brigitta and Carson, right?" 

I nod my head. As expected, everyone knows me. 

"Oh, your family are so rich pala noh? May balak 'ata si Dad na kausapin ang Dad mo para raw sa merge about farm?" patanong na sabi ni Cleamenti.

I shrugged my shoulders.  "I didn't hear about that." At wala akong pakielam.  

Si Daddy lang naman ang mayaman noon pa man. Ang trabaho kasi ni Mommy before niya pakasalan si Daddy ay sales clerk sa isang mall. Force marriage ang nangyari sa kanila at wala na akong alam sa love story ng mga parents ko.

Pinalaki pa lalo ni Daddy ang farm at ang business ng lolo niya nang kinasal na sila ni Mommy dahil tumulong na rin si Mom na magpatakbo nito. 

Napansin ko na dapat magsasalita pa sana si Clea pero narinig ko ang malakas na busina sa labas ng gate. I think it was my service. 

"I have to go," Iyon lang sinabi ko at tumalikod na ako sa kanilang lahat. 

"Laura! Hatid na kita hanggang labas!" sigaw ni Oliver. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa naging takbo na ito. Mabilis akong pinagbuksan ng driver at pumasok ako sa loob. 

Nakita ko ang pagtakbo ni Oliver sa van. Kumunot ang noo ko. Bakit niya pa ako hahabulin? Inalis ko ang tingin sa kanya at nilagay ang sling sa ibabaw ng hita ko. 

Malakas na sinarado ng driver ang pintuan pero narinig ko ang malakas na sigaw ni Oliver na tila naipit 'ata.

"Aray! Aray ko!" 

Taranta kong hinawakan ang handle ng pintuan na kakasarado palang at alalang tiningnan si Oliver na ngumingiwi, hawak ang mga daliri. 

A-ano ba kasi ang dapat kong gawin? 

"Ikaw kasi tanga-tanga ka rin e!" biglang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Oliver lifted his head at me. Nakita ko ang pangiti na pagngiwi niya. Nasaktan ba talaga siya? Tiningnan ko ang mga daliri niya. Wala akog nakitang pula o marka ng pagkaipit sa pagsarado ng pintuan. 

Think of Laura ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon