"Stop moving, Sierra!" suway ko.
I continued brushing his feet, removing the hoof.
Naging normal na araw na lang sa akin pagtapos ng pasko at ng kaarawan ko. Mabilis dumaan ang araw. Bagong taon naman. But, there's one thing in my mind I cannot forget.
I kissed his cheeks. Sarili ko na ang may kagustuhan na gawin iyon.
Pagtapos ko siyang halikan, tulala lang siya na nakatingin sa akin hanggang sa nagpaalam na siya. Hindi makatingin ng diretso sa akin. Kahit na madilim na ang paligid ay kita ko ang pagpipigil ng ngiti niya, at ang pulang mukha niya.
Nagulat din ang sarili ko dahil sa ginawa pero may parte sa akin na sumaya nang makita ang reaksyon niya.
I looked down and grabbed the necklace he gave to me.
Excited pa ako na suotin ito dahil pagkagising ko pa lang ay sinuot ko na siya. Tinanggal ko lang nang naligo ako at binalik muli ito sa leeg ko nang makabihis na para ma-check ang barn ng mga kabayo ko.
Magkano kaya bili niya dito? Nag-sideline pa kasi siya para lang mabili itong necklace.
I have lots of jewelry but this one, I'll forever wear this.
"Manong, may natira pa na sabon sa katawan ni Sateiro. Paliguan niyo ulit." sabi ko sa taga-pangalaga na siyang nagpaligo kay Sateiro. Naglalakad ako ngayon sa loob, abala sa pagtingin isa-isa sa mga kabayo.
Pinapakain ang iba, ang iba ay pinapaliguan, nililinis ang mga talampakan. Ako na ang gumawa nung kay Sierra dahil sa makulit itong linisan ng dumi sa talampakan niya. Sa akin lang kasi iyon nakikinig. Kapag sa iba, nagwawala siya kaya takot din ang ibang taga-pangalaga na linisan siya kasi naninipa.
I'm wearing my casual clothes. Pinaresan ko na lang ng brown ankle boots. Nabasa pa nga ang pantalon ko nang pinaliguan ko si Sierra. Wala naman problema sa akin na mabasa. Hindi dapat ako nag-iinarte, dahil iniisip ko na mabuti ay tubig ang nagiging dumi sa mga mamahalin kong damit. Ang mga nagtratrabaho sa bukid ay halos maligo na putik.
"Ma? Kailan ba kayo makakauwi dito?" tinawagan ko si Mommy habang pinapanood ang pagpapakain sa kabayo.
Ang sabi nila ay after the day of Christmas ay uuwi na sila para sama-sama kami sa Bagong Taon pero apat na araw na nila ako hindi tinatawagan hanggang sa umabot na ng 31 ang petsa, hindi pa rin sila nakakauwi.
I heard her deep sigh.
"We don't have any idea pa, 'nak. Gusto ko na rin talaga umuwi pero kailangan daw na sabay na kami. Ewan ko ba! Ang daming problema ng lupa na kakabili ko pa lang dito!" galit na usal ni Mommy sa kabilang linya.
"Pwede ba ma? Itabi niyo muna 'yang business matters niyo. Kailangan ko kayo dito! Isipin niyo naman ako dito!"
"Nandyan naman si Kuya Jnyx mo 'nak—"
"Palagi rin siyang wala rito sa bahay! May nabili siyang maliit na bahay na may lote para sa kanila ng girlfriend niya. Live in ang balak,"
"Ano?! Sino ba ang girlfriend ng Kuya mo?"
Ngumuso ako. "Siya ang magsasabi, hindi ako, Ma. Umuwi na kasi kayo rito." nagmamakaawa na ang boses ko.
May kumalabit sa likod ko. Nilingon ko 'yon at tumili, natapon sa ere ang cellphone na hawak ko dahil sa gulat.
Luckily, he catched it. Narinig ko ang histerikong pagsasalita ni Mommy sa phone. Inabot niya sa akin ito na kinuha ko naman. Nanginginig kong pinunta muli ito sa tainga ko habang nakatingin sa kanya.
He mouthed "Sorry."
Naiwas ko ang tingin ko at tumalikod.
"What happen?! Anak! What happened?!" sunod-sunod na ang tanong ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Think of Laura ✔️
RomanceOur souls recognized each other before our lips met. We fell in love in a place between heaven and earth before the stars began burning...and when you think of me just laugh and don't cry because if you do, I will cry in silence too... Date Started:...