Chapter 12

59 1 0
                                    

"Ready ka ba?" bungad na tanong sa akin ni Galden nang makapasok ako sa orchestra stage. Nandoon na rin ang ibang kaklase namin. 

Halatang handa naman ang lahat. Itong dalawa para kasing kiti-kiti. Paulit-ulit na akong nagsasabi na handa naman ako. Marami akong alam 'pag ang usapan ay piano. 

Ayoko lang ang sumayaw. Dahil hindi nakikisama ang katawan ko. That's why I hate PE na rin. 

Nakita ko ang maarteng paglakad ni Professor Lortis palapit sa amin habang hawak ang isang papel sa kaliwang kamay nito. She looks at us one by one. 

"Let's start. Kung sino man ang hindi nakadalo sa 1st task niyo, sabihin niyo sa kanila na tanggal na sila sa class ko. Understood?" 

"Yes, Prof." 

"Good. Now, the representative of each group, please come here. We'll do the draw number and whoever pick the first number, will be the first to perform." 

Ako ang tinulak nung dalawa. Sinamaan ko muna sila ng tingin bago ako naglakad kasama ang iba pang representatives. 

Ewan ko ba kung bakit ako pumayag na maging ka-grupo ang dalawang iyon. Parang dumedepende lang naman sila sa akin, at take note, hindi naman talaga nila gusto ang course na 'to kaya ako ang pinagtutulakan nila. 

May isang jar na tinaas ng prof. May mga papel na nakarolyo do'n. Pumila kami para hindi magulo ang sequence ng pagbunot. Pangatlo ako sa unahan. Nang ako na ang bubunot ay ginulo muli ni Prof ang mga papel na nasa loob. 

Kumuha na ako ng rolyong papel. Nang makatabi ko ulit sina Klarisse at Galden ay do'n ko pa lamang iyon binuksan. 

11th. 

"It's not bad," sabi ko. 

"Huli ka 'ata." ani Klarisse na pasimpleng ngumunguya ng bubble gum niya. Pinalobo niya pa nga ito at pinutok gamit ang hintuturo niya. 

Binilang ko ang group isa-isa. 11 group, consist of 3 members. That means, kami nga ang huli. 

Ano ba naman 'yan? Pang-huli pa talaga? Okay sana kung mauuna na ako para matapos na agad-agad. 

I blew up my side bangs and rolled the paper again. 

Professor Lortis clapped her hands, grabbing the attention of us. "Magsisimula na tayo. Hindi ko na kayo dapat tawagin pa isa-isa. Alam niyo na kung anong number kayo. Ang iba ay maupo muna at tahimik na manood." 

Sabay-sabay kaming naglakad patungong auditorium. Nasa aisle pa lang kami ay tinawag na ang 1st performer. Sa second row kami naupo para malapit at mabilis na makaalis. 

"1st performer, please step out." Nakita ko si Carolyn, isa sa maingay kong kaklase na naglakad papunta sa gitna. "What are you gonna be performing, sweetie?" 

"The Promise by Michael Nyman," Carolyn answered. 

"You may start." Tumayo lang si Professor Lortis sa habang mataray na tiningnan niya si Carolyn na nagsisimula na. Nasa bandang likuran siya nito, 3 meters away from Carolyn's place. 

She was good. But she lacks emotion, the tune of The Promise describes what the heart desires most – pleasure. In lieu of it, it will seek leaving life without suffering pain, and then painkillers, sleep and finally death. Carolyn just have her blank face, and in the mean time she will look at us and smiling. 

Hanggang sa mabagot na ako kakapanood sa mga sumunod na nag-perform. Mayroon pa nga nag-perform ng Happy Birthday kaya labis ang inis ni Prof sa kanya.

"Next! The last performer, please step in the stage!" sigaw ni Prof. Tinapik ako nung dalawa.

"Good luck!" Klarisse whispered. 

Think of Laura ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon