Chapter 22

54 2 0
                                    

A new year begins, which means we need to make changes in our lives. To start a new path. Do more things. Accept good opportunities, and say goodbye to our old, past self.

Bumalik sina Mommy at Daddy dalawang araw matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon. May mga regalo pa nga sila na binili sa akin na hindi ko naman kailangan. Hindi ko naman hiningi o sinabi sa kanila na kailangan pag-uwi nila dito ay mayroon silang pasalubong sa akin. Ang kailangan ko noong Pasko at Bagong Taon ay sila. 

My actions became languorous towards them. Magsasalita lang ako kung tinatanong o kinakausap nila ako. Noon kasi ay ako ang nag-o-open ng topic. Tikom ang bibig ko. Tumatambay na ako madalas sa barn para iwasan sila. 

Lumayo ang loob ko sa kanila lalo na't nalaman ko ang ginawa ni Daddy noon. Hindi na rin ako nakakatulog nang maayos. It became my nightmare...

Classes starts at the first Monday of January. Ang iba pinagmamayabang ang mga bago nilang gamit. Lahat ay bagong gupit for the change na raw. Yung iba ay wala lang. Katulad ko. Nakatingin lang sa pisara na hindi pa nabubura ang naisulat last year. 

Ngayon araw na rin ito ay iiwasan ko na si Oliver. Bahala na. Baka nga nag-utos pa si Daddy sa mga guards niya na bantayan ako, na sundan bawat galaw ko dito sa school. At once na nahuli ako na kasama ko si Oliver o mapalapit lang man sa kanya, mahirap na. 

Kada nagkakasalubong kami, ako ang naglalakad paatras o paliko. Minsan ay tumatakbo ako. Hindi naman niya ako hinahabol o tinatawag. And good thing iyon. 

Hindi pa rin kami magka-ayos ni Clea. Lagi ko siyang nakikita na kasama niya ang mga alipores niya kasama sina Oliver at Akio. Kung noon ay nagbibiruan pa ang dalawang ito, ngayon parang makikipagpatayan na ang titig nila sa bawat isa. At alam ko iyon kung bakit. 

Pilit akong nilalapitan ni Oliver kapag nakikita niyang mag-isa ako pero mabilis akong umaalis o hindi pinapatapos ang salita niya. Sumama na si Akio sa aming tatlo. Hinihintay niya ako lagi sa gate at sinisigurado na makakapasok ako sa van. 

Oliver was there too, looking at me...no, probably us. Nakatayo lang siya sa malayo. 

Nahahalata niya kaya siguro na umiiwas ako? Hindi naman 'di ba? O halata na? 

Umabot ng dalawang linggo ang pag-iwas ko sa kanya. 

I'm now in my locker, cleaning my stuffs. Ako lang ang nasa locker room dahil lecture time naman talaga kaso nakalimutan ko dalhin ang libro ko na kailangan na kailangan ko. Mabuti nga ay hindi ako napagalitan. Mukhang good mood ang professor. Panay ang ngiti sa amin...o baka naman may ipapagawa siya sa amin na talagang matatambakan kami. 

I was busy humming a soft sound when a hand grabbed my elbow to turn around. 

Nanlaki ang mata ko. 

"What are you doing here?! This is girl's locker room!"

"Wala akong pakiealam, Laura." ani Oliver.  

"Are you out of your mind? Umalis ka dito!" Tiningnan ko ang buong paligid. Isang janitor lang ang kasama namin dito. 

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya. 

Gulat ko siyang binalingan ng tingin. I flinched my elbows to get out his grasp. 

"No." maikling sagot ko. 

He smirked, smugly. "Yes. You are avoiding me, Laura. Bakit? Anong nangyari sa pag-uusap niyo ng Nanay ko? May sinabi ba siyang masaki-"

"Wala! Wala!" depensa ko. Nalaman ko lang naman ang totoo na masama nga ang nakalakihan kong pamilya. Ayaw lang kita madamay. 

Think of Laura ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon