[Grace Celestine POV]
Kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Paulo dahil sa kaba at excitement na nararamdaman ko.
"Calm down Celestine, okay?"pagpakalma nito sa akin, tumango nalang ako sa kanya, dahil nandito na kami sa tapat ng maliit na gate, napatingin ako sa paligid dahil parang nagkagulo ang mga chismosang kapitbahay ko dahil sa taong kasama ko.
"Don't mind them, lets go inside your little house, they waiting for you Celestine, get ready and calm down. I remind you once again Celestine, maging maingat ka sa kinikilos mo huwag kang pasaway"Saad niya, umirap ako ng palihim at hindi na pinansin yung sinabi niyang 'little house' dahil kinakabahan ako at the same time na excite, namimimiss ko na ang mga kapatid ko.
"Oo na manyak, tara na sabik na sabik na ako sa mga kapatid ko"nakangiti kung saad at saka siya hinila papasok sa gate namin saka binuksan ang maliit na pintuan ng apartment.
Bumungad sa amin ang nakangiting mukha ng mga kapatid ko, na parang nanigas sa kinauupan nila habang nakatingin sa akin.
Naluha akong tiningnan sila isa-isa, sobrang namimiss ko silang apat.
"George, Georgia, Gerly, Geu"naluha kung sambit sa mga pangalan ng mga kapatid ko habang nakatingin sa kanila isa-isa, pero nanatili parin silang nakatingin sa akin.
"Namimiss ko kayo"naluluha ko pa ring saad, hinihintay kung lumapit sila sa akin para yakapin nila ako, pero bakit parang natulala lang sila sa akin habang nakangiti na parang may pag-alala.
Lalapit na sana ako sa kanila upang ako na mismo ang yayakap sa kanila pero natigilan ako ng nang may narinig akong pamilyar na boses na miss na miss ko.
"Mga anak, bakit natahimik kayo dyan? Nandyan naba ang ate niyo? Dumating naba sina Mr.Dizon at Grace Celestine?"rinig kung tanong ni itay sa mga kapatid ko, galing sa kusina ang boses ni itay.
"Tatay"mahinang sambit ko at dali-daling pumasok sa kusina.
"Celestine slow down...."rinig kung paalala ni Paulo na hindi ko pinakinggan dahil sabik na sabik na akong mayakap ang tatay ko.
"Tay"naluluhang tawag ko sa kanya at mabilis itong niyakap ng mahigpit.
"Anak.... sobrang mamiss kita"sabi nito at gumanti ng yakap sa akin.
"Kamusta kana anak?"tanong nito sa akin.
"Nakalaya kana tay"sa halip na masayang saad ko habang nakayakap parin kay itay.
"Kahapon lang ako nakalaya anak, tinulungan ako ni Mr.Dizon mulutas ang kaso ko at sa awa ng panginoon ay nanalo kami sa kaso, seguro sapat na ang ilang taon akong nakulong sa kulungan..."sagot ni tatay at saka bumuntong hininga.
"Namimiss kita nang sobra tatay"niyakap ko pa siya mahigpit.
"Namiss din kita anak"sagot niya, kumalas ako ng yakap at pinunasan ang tumutulong luha ko.
"Anak bakit ang iyakin mo na ngayon? Hindi ka naman ganyan ka drama dati ah?"natatawang saad ni tatay hinawi niya ang kamay ko at siya na ang nagpunas ng luha ko gamit ang towel na nasa balikat niya.
"Tay ang baho ng pawis mo, ilayo mo nga yang towel mo"nakasimangot kung saad sa kanya na tinawanan lang ni itay, naka-amoy kasi ako ng mabaho.
"Arte ng magiging apo ko"natatawang bulong niya.
"Po?"takang tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig.
"Wala nak, pumunta ka muna sa sala, tatapusin ko muna itong niluluto kung pamoroto mong pinakbit at Pansit"saad ni tatay at saka tumalikod sa akin hinarap ang niluto niya, mapangiti nalang ako at pinahid ang luhang tumakas sa mga mata ko, namimiss ko talaga si tatay.
Bumalik ako sa maliit na sala upang mayakap ang mga kapatid ko, namimiss ko silang lahat, tahimik lang sila habang nakatingin sa akin na parang naluluha ang mga mata nila
"George, Georgia, Gerly, Geu"maluhaluha kung tawag sa kanila at binuka ang kamay ko.
"Namimiss ko kayong lahat"saad ko habang naluha, tumayo si Geu at Georgia at saka niyakap nila ako ng sabay.
"Namimiss kana rin namin ate Grace, palagi pong pumuputa si baby Mathew dito sa bahay ate, hinahanap ka kasama si kuya Ivan"salita ni Geu, napatigil ako sandali dahil sa narinig at mas lalong umaagos ang luha kung walang tigil sa pagbuhos, namimiss kuna rin ang mag ama, sobra sobra.
"Tumahimik ka nga Geu"rinig kung bulong ni Georgia kay Geu.
Pagkatapos nila Geu at Georgia ay sina George at Gerly naman ang sunod na yumakap sa akin.
Tahimik lang silang dalawa habang nakayakap sa akin.
•••
"Magkikita pa naman tayo manyak diba?"mangiyak-iyak kung tanong ko kay Paulo kahit ang sama-sama ng manyak nato sa akin noon ay kahit papano ay naging mabait siyang kaibigan ko kahit papano, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Tsssk of course Celestine, ano bang tanong yan? By the way nakausap kuna si Mr. Miracle, pumayag siyang lumipat kayong lahat sa bahay na binili ko doon sa manila for good, and for your safety, okay? Bukas na bukas na kayo lilipat"magrereklamo pa sana ako ng sinamaan niya ako ng tingin.
"No but's Celestine this is for your own good and for your baby, para narin malapit ka sa akin, okay? No worries ako na ang bahala sa pag-aaral ng mga kapatid mo"kunot noo ko siyang tiningnan at aakmanh magsasalita na sana ng takpan niya ang bibig ko.
"Shhh don't fvcking talk Celestine, I'm trying to help you, okay? sa kabila ng mga kasalanan ko sayo, kulang pa ang ginagawa ko....tsskk why I'm telling you this? Ugh...."napairap naman ako sa kanya nababaliw na naman itong manyak nato, ayaw pa akong pasalita-in?
"And by the way the next day don't forget your weekly check up for Dr.Red okay? I'll go ahead, my dad's calling me, see you tommorow at your new house, okay? Take care"saad niya at saka ako hinalikan sa noo saka tumalikod sa akin.
"Bye kuya Paulo"paalam ni Geu kay Paulo, bukod sa akin at kay itay si Geu lang kasi ang tanging pumapansin kay Paulo at yung tatlo ay kanina pa sila tahimik.
Napailing naman ako.
"Mag-iingat ka manyak"saad ko at kumaway-kaway tanging busina lang ang sagot ni Paulo.
Nakatingin ako kay itay ng umakbay ito sa akin, yumakap naman ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakatanaw kami sa papalayong sasakyan ni Paulo.
"Patawarin mo ako sa lahat lahat anak"panimula ni tatay at Alam ko kung ano ang sinasabi niya, Alam niya na nakaalala na ako tungkol sa nakaraan ko, bumuntong hininga ako.
"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa akin itay, naintindihan kuna naman po lahat, hindi ko lang talaga matanggap ang nakaraan ko"saad ko.
"naintindihan kita anak, sabihin mo lang sa akin kung handa kanang harapin ang iyong totoong magulang, naghihintay sila anumang oras na maging handa kanang harapin sila, anak."niyakap ko si tatay habang umiiyak saka umiiling-iling.
"patawad tay, s-sa ngayon, h-hindi ko pa k-kayang harapin sila, hindi ko pa kayang harapin ang nakaraan na ko, h-hindi ko pa sila kayang harapin"mahinang saad ko, tinapik-tapik ni tatay ang likod ko.
"Alam ko anak, alam ko! O siya tayo na at pumasok sa loob, para makapagpahinga kana"pinahid ni tatay ang natirang luha sa mga mata ko at ngumiti.
"Kailangan mo nang magpahinga anak makakasama sa bata ang mapuyat at mapagod, tara na at pumasok sa ating munting tahanan"ngumiti lang ako at sabay na kaming pumasok sa mumunting bahay na puno ng masayang memorya kasama si nanay Grasya, si tatay Celestino, ako, George, Georgia, Gerly at ang bunso namin na si Geu.
•••••
AN: sorry sa napakatagal na update.😘 Hope you like it parin kahit natagalan. Enjoy po, comments po kayo.
BINABASA MO ANG
Wanted Wife
RomanceSi "Grace Celestine Miracle" 25 years old single and NBSB(No Boyfriend Since Break) ang sipag girl ng pamilya, ang panganay na anak, ang nag aalaga ng mga kapatid, ang babaeng walang pahinga, ang babaeng hindi sumusuko kaagad, ang babaeng palaging t...