Episode 39 "Heart Disease?"

4.8K 208 98
                                    

[Grace Celestine POV]

"Still don't remember me my stupid little brat twin? Augh poor little stupid."inis niyang saad at tinaasan pa ako ng kilay.

Pati pagtaas ng kilay gayang-gaya, mula sa boses, sa katawan, hanggang sa medyo umbok na tyan, mas lalong lalo na sa mukha.

Parang hindi pa magsisink sa akin lahat, mula sa pagtawag niya sa akin na Brianna hanggang sa sabihin niyang kambal kami.

"Com-on Brianna, don't fvcking fool me , I know you, I know your just pretending na hindi mo ako nakilala, your pretending, I know you bitch, you won't fool me because I already know your behavior."madiin niyang saad sa akin na kinakunot ng noo ko, hindi parin ako makapagsalita dahil nakatitig pa ako sa mukha niyang kamukhang-kamukha ko, ang kaibahan lang ay sobrang pula ng labi niya at isang linya lang ang kilay niya, pero magkamukha talaga kaming dalawa.

Salita lang siya ng salita na halos hindi ko maintindihan dahil nakatitig lang ako sa harapan ng kamukha ko.

Hindi ako makapaniwala ngayon, parang kaharap ko ang sarili.

Ito ang unang beses naming pagkikita, at talaga namang sobrang magkahawig kaming dalawa, ito ang unang beses na nasa harapan ko siya, napatingin ako sa bandang tyan niya dahil katulad din ng sa akin, medyo umumbok din ito tulad ng sa akin.

Buntis din ba siya?

Sandali, b-baka naman namalik-mata lang ako? B-baka nanaginip lang ako?

Tumango-tango ako at umiling-iling saka napatawa.

"Nanaginip lang ako, baka magising ako mamaya."mahinang saad ko saka patango-tango habang nakatitig parin sa kamukha ko.

Ngunit natauhan ako ng bigla nitong sinampal ang kamukha ko na siyang kanagulat ko, galit na galit ang mukha niya habang nakatingin sa akin, napahawak ako sa pisngi ko na sinampal niya, ang galing naman kakasmpal lang ito ni Paulo kahapon tapos may sumampal ulit.

"What the fvck? are you crazy? you are really stupid Brianna ever, hindi ka nanaginip, huwag ka nang magpanggap na hindi mo alam ang lahat dahil alam kung nagpapaggap ka lang. Alam kung gumanti ka lang sa akin dahil naiingit ka sa akin noon, alam kung plinano mo ito lahat, plinano mong agawin sa akin si Ivan at ang anak ko, at masasabi kung napakagaling mong nagpanggap dahil nakuha mo silang lahat, noon sa mga magulang natin ngayon naman sa mag-ama ko."nakatulala lang ako sa mga sinasabi niya na hindi ko maintindihan kahit na rinig na rinig ko ang sinasabi niya, nakita ko kung may pumatak na sunod-sunod na luha sa mga mata niya.

"H-hindi ko maintindihan a-ang sinasabi mo, w-wala akong alam sa sinasabi mo.... H-hindi ako si Brianna... S-sino ka?"lakas loob kung tanong sa  kanya, kahit na parang may bumabara sa lalamunan ko ay pinilit kung magsalita.

"Huwag ka nang magpanggap Brianna, y-you can't fool me, plinano mo ito lahat. B-bakit ka pa ba nabuhay? Sana namatay kanalang, s-sana pinatay ka na nila."mahinang saad niya sa akin sapat na para marinig ko.

Hindi ko siya maintindihan, bakit niya sinasabi ang mga salitang ito? At bakit parang sumasakit ang ulo ko?

Napahawak ako sa ulo ko ng medyo unti-unti itong sumasakit.

Pinahid niya ang luha niya at seryosong nakatingin sa akin.

"hayaan mo alam kung hindi ka na makakawala pa sa baliw na Paulong yun, segurado akong hinding-hindi ka na makakawala sa baliw na manyak na Paulong yun."napangisi siya bigla sa akin ng wala sa sarili akong napatango.

Wanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon