•••
*3 Weeks Later*[Grace Celestine's POV]
Tatlong linggo ang lumipas simula nong araw nayon. Yung araw na hindi ko pinansin si Ivan dahil sa nangyari sa amin, kinabukasan non ay agad niya akong kina-usap kahit kakagising ko lang, lumuhod pa siya sa harapan ko kahit sinabi kung wala siyang dapat ikahingi ng tawad sa akin dahil asawa naman niya ako at kasal kami kahit sa papel lang niya ako naging asawa, at hindi sa totoong buhay, isa pa nagpa-ubaya ako sa kanya, ibig sabihin ay ginusto ko din ang nangyari.
Naging maayos ang takbo ng buhay namin, naging kunwari masaya kaming tatlo. Kunwari maayos ang lahat at walang problema sa amin ni Ivan kapag kaharap namin si Matthew, ngunit ang totoo ay dalawang linggo narin akong iniiwasan ni Ivan, at naging ganoon narin ako sa kanya.
Tuwing umaga lang kami magkikita dahil madalas siyang umuuwi ng hating gabi, at alam kung sinadya niya lahat ng yun, alam ko kung bakit siya umiwas sa akin. Napagpag-usapan namin yan ni Ivan nong nag-usap kami kinabukasan, iiwas siya para hindi siya makagawa ng kasalanan ULIT sa akin.
Ngunit nasasaktan ako sa tuwing umiwas siya sa akin, nasasaktan ako sa tuwing hindi kami nagkikibuan, dahil habang tumatagal ay mas lalo kulang siya ng minahal ng hindi niya alam, hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing malamig ang pakikitungo niya sa akin, tinitiis ko lahat dahil yun ang nararapat.
Alam kung napansin na ito ni Matthew, ngunit hindi siya nag salita sa amin at alam kung pinilit niya lang maging masigla sa harapan namin ni Ivan.
Naintindihan ko ang bata dahil kailangan niya ng boung pamilya kahit kunwaring masaya lang, kahit na alam niya ang tunay na ako, kahit na alam niya na hindi ako ang tunay niyang ina. Pero ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni Matthew kahit hindi ako si Brillianna.
"mahal kita Matthew, kahit na hindi ako si Brillianna" mahinang bulong ko sa natutulog na si Matthew, katabi ko ngayon siya dito sa kama ko, nerequest niya kasi sa akin nong nakaraang linggo na dito muna siya hihiga sa kwarto ko.
Hinalikan ko siya sa noo bago bumangon, natutulog pa kasi si Matthew, ayoko itong gisingin dahil napuyat yan kagabi dahil sa ginawa niyang assignments.
Napatakip ako ng bibig dahil parang magsusuka na naman ako, kaya nagtungo ako sa banyo at doon nagsuka ng nagsuka, kahit minsan laway ang nasusuka ko ay suka paring ako ng suka, hindi na ako nagtaka kung bakit ako nagsusuka, seguro nalipasan lang ako ng gutom o kaya sobra ang kain ko, tatlong beses na kasi ako nagsusuka tuwing umaga, kaya normal na sa akin yun, may mga oras kasi na ayaw kung kumain, may mga oras din na gusto kung kumain ng marami.
Pagkatapos kung sumuka sa lababo ng banyo ay naligo na ako saka ako nagtungo sa kusina para magluto ng almusal para sa aming tatlo, wala kasi sina nanay Cholling at ang kanyang mga apo dahil nag bakasyon sila sa probinsya isang linggo narin ang nakalipas, kaya ako ang gagawa ng mga gawaing bahay, pagluluto at pag gogrocery.
Nakatakip ako ng ilong habang nagluluto, medyo hindi ko gusto ang amoy ng niluto ko kaya nagluto ako ng nakatakip ang ilong, gusto ko sana ng itapon ang ulam na niluto ko pero sayang ang pinaghirapan kung ulam na favorite ni Matthew sa umaga ang scramble eggs na may garlic at union, at young niluto kung tucino, kahit mabaho sa pang-amoy ko ay tinuloy kupa rin ang pagluluto.
Pagkatapos kung magluto ay tinakpan ko ang ulam at kanin na nakasaing sa hapag dahil baka langawin o kaya lamigin isa pa ang baho ng amoy kaya tinakpan ko muna.
BINABASA MO ANG
Wanted Wife
RomanceSi "Grace Celestine Miracle" 25 years old single and NBSB(No Boyfriend Since Break) ang sipag girl ng pamilya, ang panganay na anak, ang nag aalaga ng mga kapatid, ang babaeng walang pahinga, ang babaeng hindi sumusuko kaagad, ang babaeng palaging t...