Episode 33 "Take Her"

3.7K 130 23
                                    

[Grace Celestine's POV ]

"Thank god! you're awake."rinig kung salita ng familiar na boses pagmulat ng mga mata ko, naramdaman ko na may yumakap sa akin, mga ilang segundo akong nakatulala habang inaalala ang mga nangyayari.

Ano bang nangyari?

Bakit nandito na naman ako sa hospital?

"W-wife."doon ako parang natauhan, ng magsalita ang taong yumakap sa akin.

I-ivan?

Anong ginagawa niya dito?

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat, humiwalay siya ng yakap sa akin at saka tiningnan niya ako sa mga mata, nakita ko ang mga luhang lumandas sa mga mata niya na parang nasasaktan siya na siya namang kinataka ko at kinabilis ng tibok ng puso ko.

"B-bakit...."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng nagsalita siya sa harap ko habang tiningnan ako sa mata.

"Kailan pa Grace? Kailan mo pa ako niloloko? Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan? you left me because Mr.Venus got you pregnant?"malamig niyang sabi sa akin na kinabigla ko, hindi ako nakapagsalita dahil nasasaktan ako sa sinabi niya at dahil narin sa gulat.

Paano niya nasabing si Hance ang ama ng dinadala ko?

Naramdaman kung kusang lumabas ang mga luha ko sa mga mata.

"Shh don't cry Grace makakasama sa kalagayan mo." malamig niyang saad sa akin saka kinuha ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit, lumabot din ang mukha niya habanag nakatingin parin sa mga mata ko.

"Y-you know what? It's okay with me that you got pregnant with another man, I can stand you even if I am not the father of the one you are carrying. Just please, stay with me. Please come back to me Grace, I can't lose you in my life."umiling-iling lang ako habang naluluha.

Bakit niya sinasabi ang lahat ng to? Bakit nagmamakawa siya sakin na nanatili ako sa kanya? Paano niya nasabing si Hance ang ama ng dinadala ko? He can't lose me?

Hindi ko siya maintindihan, diba bumalik na si Brillianna? Diba bumalik na ang totoong mahal niya? Bakit siya nagmamaka-awang bumalik ako sa kanya nang sa gayong nandyan si Brillianna na mahal niya?

"Mattew misses you so much, I miss you. Bumalik kana sa akin, bumalik kana sa amin."saad niya sa akin at dahang-dahang hinalikan ang kamay ko.

Bumalik ako sa kanya? Paano si Brillianna?

Sunod-sunod ang pag-iling ko. Nagbibiro ba siya?

Bakit niya sinasabi sa akin ang lahat ng ito?

Ayoko, kahit gustuhin kung balikan sila, ay hindi maari, hindi pwede.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka dahang-dahang tinanggal ang kamay ko sa pagkahawak ni Ivan sa kamay ko.

Pinahid ko ang mg luha ko sa mga mata.

"Nasan si Hance?"pinagsawalang bahala kunalang ang sinasabi niya para hindi ako masaktan ng sobra, gusto kung gawin ang gusto niyang mangyari, gusto kung balikan si Ivan at Matthew, pero alam ko sa sarili ko na hindi pwede.

Si Brillianna ang ina ni Matthew at si Brillianna ang tunay na asawa ni Ivan dahil nakapangalan ito kay Brillianna at hindi sa akin, tanging presensya kulang at ako ang kasama ni Ivan sa harap ng altar, ako nga ang kasama ni Ivan sa harap ng altar pero si Brillianna ang mahal niya at nakapangalan kay Brillianna na kasal siya ni Ivan at hindi ako.

Magpareho lang kami ng mukha ni Brillianna pero iba ang pagkatao naming dalawa.

Nang hindi niya ako sinagot ay nilingon ko siya.

Wanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon